Nagulat si Father John kung bat nag si tayuan ang mga taong nagsisimba sa loob ng simbahan.
Humigpit ang paghinga ni John.
".... May nangyari bang masama?!"
".... sino kaya ang inuna ng mga hayop na aswang?!"
Pangamba ng binatang pari.
Di niya namalayan na natapos na pala ang kasunod na kanta at susunod na ang pag bibigay ng communion.
Tila parang nawala sa sarili si John simula nang makita ang dalagitang aswang.
Nakatingin lang sa kanya ang sakristan na naka assign na humalili sa kanya.
Nag aabang sa iuutos ng kanilang bago punong Pari.
“ . . . . ayos John ayos . . . . umayos ka!?”
Sabi ni Father John sa sarili.
Kinuha ni Father John ang iniabot na kulay gintong kalis na may laman na mga oscha mula sa sakristan.
Pumunta siya sa mga nakapilang mga tao para ibigay ito.
Napansin nila na mahaba ang pila niya kaysa sa kasamang dalawang deacon.
Naisip niya na gusto ng mga tao na malapitan siya.
Para maamoy
Sukatin kung gaano siya katangkad.
Titignan kung gwapo nga siya sa malapitan
Alam naman natin ang kaugalian ng mga pinay na taga probinsya.
Nakita niya na nakapila sa kanya ang mga magulang ni Erika.
at sa likuran naman nila ay si Erika
Pero nang papalapit na ang mga ito sa kanya ay naaninag niya na nasa likod ni Erika ang Dalagita.
Nakasunod kay Erika parang anino.
Talaga ayaw layuan ang kanyang espesyal na kaibigan.
Pumasok sa isip ni Father John na bat nakakapasok ang mga aswang sa loob ng simbahan.
Di ba pag meron sinasaniban ng masamang espirito o mga engkanto ay dinadala ito sa loob ng simbahan para paalisin.
Bat ang lahi ng aswang na mas maraming pinapatay ay malayang bumibisita sa tahanan ng diyos.
Natapos na subuan ng oscha ang mga magulang ni Erika.
Normal lang na isinubo ang oscha ng tatay ni Erika na si Ramon
Pero pagdating kay Amelia ay binati siya nito ng
“Congratuation”.
Pag alis ni Aling Amelia sa pila ay kasunod naman si Erika
Ramdam ni Father John na especial ang yugtong ito sa buhay nila.
Ito ang kauna unahan bibigyan ng communion ni Father John kanyang matalik na
kaibigan na si Erika pati na rin si Rogelio.Nung magkaklase pa silang tatlo ay napag usapan na nila kung magpapari si John.
Dahil ito ang madalas ikwento ng magulang niya pag bumibisita ang dalawa.
"Sa Katawan ni Kristo"
sabi ni Father John kay Erika
"AMEN".
sagot naman ng kaibigan.
Nagkangitin ang dalawa pagkatapos.
Bagay na bagay nga sila sa isa't isa.
BINABASA MO ANG
Ang Lihim Ng Baryo San Allegre (ON-GOING Season 2)
TerrorBumalik sa baryo San Allegre si Father John upang maglingkod bilang pangunahin pari. Kasama nito ay ang bitbit niyang masamang karanasan sa misteryong lugar. Hindi lang pagbibigay ng misa sa simbahan ang pakay ni Father John. kasama na din dito an...