Nakakaloka naman tong drawing ko!! bat hindi ma pantay pantay?! huhuhu inaantok na ako :( Pero kailangan ko tong tapusin ngayon dahil malalagot ako bukas kay Ms.kim..
Nag pahinga muna ako saglit at nag check ng phone ko..
teka.. sino naman tong pinag uusapan nila sa group chat??? at nag scroll up ako para mabasa ko ang lahathoyy alam niyo ba ang gwapo nung bagong pasok sa art class! grabi ang hot niya and take note may tattoo pa siya sa batok kyaaaahhh
oo nga eh ang gwapo niya pag naka smile tapos ang bait pa!!
nakooo tong mga kaibigan ko pag dating sa boys napaka busy! hayyy balik na nga ako sa pag dadrawing kailangan ko to matapos dahil nangaganib yung pag apply ko bilang exchange student papuntang Paris waaahh my dream place.
Ayyy! Hindi pa pala ako nagpapakilala hehehe. My name is Nabi Park half korean half filipino 19 years old at nag aaral sa isa sa mga pinaka sikat na university dito sa pilipinas. Fine Arts ang kurso ko dahil mahilig ako sa mga kakaibang arts.
Yung papa ko ay korean at mama ko naman ay filipina, nagkakilala sila dun sa korea dahil isang english teacher si mama at ang papa ko naman ay isang doctor, nag iisang anak lang ako at nasa korea si mama at papa ako lang natira dito sa pinas dahil dito ko gusto mag aral pero pag summer vacation or holiday season umuwi ako sa korea, nasa seoul pala kami.
Hayy masiyado na pala akong madaldal hehehe.
Maya maya ay nakaramdam na ako ng antok kaya wala na akong magawa kundi ipag pabukas nalang
hayy maaga nalang akong gigising konti lang naman matatapos na. Nag hikab hikab na ako at humiga na sa kama at unti unting pumipikit ang aking mata.
*AND EVERYTHING WENT BLACK*
