KELLY POV
July 15,2013
Dear Basty,
Hi,first of all I want to great you a good day...
Sana nasa mabuti kang kalagayan habang binabasa mo ang sulat ko na ito..
At huwag ka sana magalit sa akin kung nagkalakas ako ng loob na sulatan ka..
Pwedi ba akong makipagkaibigan sayo.Sana huwag mo masamain ang pagsulat ko na ito sayo.
At saka may aaminin ako sayo matagal na kitang crush .Unang pasok ko palang sa school dati ikaw agad napansin ko..Nagwagwapuhan kasi ako sayo at saka mabait ka sa lahat.Sayang nga lang at may gf kana napakaswerte naman niya sayo..
Hanggang dito nalang muna ang sulat ko.
Thank you sa pagbasa.P.S
Ingat ka lagi..kung sakali tugunin mo sulat ko pakibigay nalang kay Tina iyong sa 3rd year.
Sincerely yours,
Nice AngelUnang sulat na ginawa ko para kay Bash.
Lunes ng umaga grabe ang aking kaba nag iisip ng paraan kung paano ko ipapaabot ang sulat na walang makakakita sa akin.
Pasimple akong pumunta sa designated table and chair ni Bash kung saan merong drawer sa baba para sa notebook at libro.
Sa School kasi namin meron kaming tig iisang table with drawer and chair social di ba..Para comfortable ang mga students dahil walang kalat sa taas ng kanilang mesa pati libro dun din nilalagay.
Habang naghahanda ang lahat sa flag ceremony at morning exercise.Ako naman ay pasimpleng nilagay ang sulat sa loob ng libro ni Bash..Habang nakaabang naman ang grupo sa labas.Libro niya sa Filipino ang nilagyan ko kasi alam ko mabubuksan niya iyon kasi meron kaming quiz mamaya kay Ma'am Samis.Kaya sigurado ako na makikita niya iyon.
"Oh ano okey na ba",tanong ni Lea sa akin.
Nag thumbs up lang ako sa kanya.Hindi ko mawari ang nararamdaman ko kinakabahan ako at the same time naexcite din kung sagutin ba niya ang sulat ko.
Hila hila ni lea at Mercy ang kamay ko papuntang playground dahil mag uumpisa na ang flag ceremony.
Pagdating ko dun pasimple kong tiningnan si Bash at ngumiti sa kanya.Magkaiba kasi ang linya ng bawat year level at section at magkahiwalay din ang linya ng mga lalaki sa babae.
Bigla akong siniko ni Kate na nasa harap ko lang at pangalabit ni Airah na nasa likod.
"Saan ka galing at muntik kana malate ha",umpisang sermon ni Kate.
"Huo nga,at saka kanina ka pa hinahanap ng jowa mo",sabi naman ni Airah.
"May ginawa lang ako kasama ko si Lea at Mercy",sabi ko sa kanila.Sabay peace sign.Walang kamuwang muwang ang dalawa kong bestie sa kagagahan ko na ginawa dahil sigurado sermon abutin ko sa kanila.Magtatanong pa sana sila ngunit nag umpisa na ang ceremony save by the bell kunbaga.
Natapos ang ceremony at exercise nakalinya parin kami papunta sa classroom namin isa iyon sa rules and regulations sa school.
Pasimpleng lumapit sa akin si Bash sabay bulong sa aking tainga.
"Babe,san ka galing kanina pa kita hinahanap pagdating ko palang",sabi ni Bahs.
"May ginawa lang kami nina Lea at Mercy babe",sagot ko.
Tumaas lang ang kabila niyang kilay sabay ngiti.Kinikilig pa naman ako kapag gumanyan siya nakakadagdag kasi iyon sa kagwapuhan niya."Huwag ka ngang magsmirk dyan at ngumiti ang dami na naman mapapatingin sayo eh.Nagpapacute ka na naman diyan.Tingnan mo iyong mga babaeng estudyante sa 3rd year room nakatingin sayo.Kakainis tuloy parang gusto nila tumakbo at lapitan ka".
"Hahaha,ang babe ko nagseselos ",nakatawa niyang sabi."Huwag kang mag alala kahit ano pa ang pagpapacute at pagpapansin nila sa akin sayo parin ako titingin at ikaw lang ang aking mamahalin",sabay hawak sa kamay ko.
Shit ng malagkit kinikilig ako to the bones.Ang agang lunes naman kung magpakilig itong bf ko.So ayon nga HHWW kami papunta ng room.Wala na akong pakialam kung ilang mata nakatingin sa amin.Basta kasama ko si Bash ang mundo ko para lang sa kanya.
"Hoy,nakita nyo ba iyong bottle powder para sa langgam?Baka kasi sa sobrang kasweetan ng dalawa dito eh bigla nalang magsiakyatan mabuti ng nakahanda,"nakataas kilay na sabi ni Kate.
"Alam mo beshie panira ka ng moments.Napakabitter mo.Siguro di ka naman pinansin ng crush mo.Saan na ba kasi si Matthew para naman gumanda ang mood ng isa dito",sabi ko sabay flip ng buhok ko sa kanya.
"Hahaha",tawa ni Airah."Alam mo beshie huwag ka ng umasa dun napakababaero iyon eh.Siguro nandun na naman iyon sa ibang seksyon nanlalandi sa ibang chicks",nakatawang dugtong ni Airah.
"Kaya nga",tili namin ni Airah sabay apir.
Naiinis kaming tiningnan ni Kate.Ang aga namin siyang inasar.Pikon kasi iyan kaya masarap asarin at saka tiklop ang pagkabungangera niyan kapag si Matthew na ang pinag uusapan.
Iba talaga pagdating sa pag ibig iyong tipong nagustuhan mo siya sa di malaman na dahilan at minahal mo siya sa di maipaliwanag na nararamdaman. Ganyan kasi ako kay Bash.
See you in next chapter guys..
Please don't forget to comment and vote..
Thank you..
BINABASA MO ANG
I love you 'till end
Teen FictionRomance,Drama,Teen fiction Nakasubok kana ba na mahulog sa pag ibig iyong tipong siya lang ang lahat sayo at panghabambuhay mo na mamahalin? Si Kelly ay madaldal,palaban at mahilig sa adventures. Samantalang si Bash ay kabaligtaran nito tahimik,mab...