Chapter 1

124K 4.4K 2.4K
                                    

Sapo ni Tadhana ang ulo habang nakaupo sa sofa. Tumingin din siya sa mommy niya na nag-aayos ng almusal habang nasa labas naman ang daddy niya na nagbabasa ng diyaryo.

It was six in the morning, and Tadhana was pissed.

"Mommy naman kasi, e," naiiling na sambit ni Tadhana at pabagsak na nahiga sa sofa. "Ang aga naman po kasi! Sembreak naman kasi namin, e. Bakit n'yo po ba ako ginising?"

Tumigil ang mommy niya sa paghahain at humarap sa kaniya. "Wala nga kasi si Annabelle, e may mga darating na turista roon sa isang transient natin. Wala akong mautusan dahil busy naman sina Rebecca at Ruth doon sa ibang apartment."

"Mommy naman, e," pagmamaktol ni Tadhana. "Gusto kong mag-sleep pa po kasi. Inaantok pa po ako, Mommy!"

Lumapit sa kaniya ang mommy niya at inabutan siya ng hot choco na araw-araw nitong ginagawa para sa kaniya. Ibinaba nito ang baso sa coffee table na nasa sala bago naupo sa tabi niya at hinaplos ang mahaba niyang buhok.

"Your hair's getting longer. Ayaw mo bang pagupitan?" tanong ng mommy niya. "You're a big girl na talaga. Minsan, nalulungkot ako sa tuwing naiisip ko na dalagang-dalaga ka na."

Umayos ng upo si Tadhana at tiningnan ang Mommy Virgie niya na nakatitig sa kaniya. Puti na ang lahat ng buhok nito, kulubot na ang balat, at araw-araw ay pansin ang pagdagdag ng edad.

Ito ang kinatatakutan ni Tadhana. Matanda na ang mga magulang niya nang ampunin siya nito thirteen years na ang nakalilipas.

"Kahit ngayong araw lang, Hana, please?" pakiusap nito tungkol sa kikitaing mga turista. "Tatawagan ko kaagad si Becca para hindi na ito maulit. I'm sorry I am pressuring you to do this. Kasi naman, e. Ikaw rin naman ang magmamay-ari nito sa susunod."

Kumunot ang noo ni Tadhana. "Ano ka ba, Mommy! Inaaway na nga po ako ng mga pamangkin mo, 'di ba? Kasi ayaw nilang mapunta sa akin ang mga ari-arian ninyo ni Daddy, e hindi naman sila ang naghirap!"

Mahinang natawa ang mommy niya at hinaplos ang pisngi niya. "Huwag mo na silang alalahanin! Kahit ano'ng mangyari, sa 'yo namin iiwanan ang mga ito. Ikaw kaya ang nag-alaga sa amin!"

"Ang plastic ni Mommy! Palagi mo ngang sinasabi na masakit ako sa ulo, e!" singhal ni Tadhana at inirapan ang ina. "Palagi mong sinasabi na naha-highblood ka na sa akin, Mommy! Plastic ka talaga."

"Sinasabi ko lang naman ang totoo! Napakapasaway mo, e. Hindi ko na alam ang disiplinang gagawin sa 'yo!"

Kaagad na niyakap ni Tadhana ang Mommy Virgie niya. "E, pero . . . love mo pa rin ako." Tumingala si Tadhana nang maramdaman ang paghaplos nito sa likuran niya. "Love, love mo ba ako, Mommy, kahit naha-highblood ka na sa akin?"

"Wala naman akong choice! Ayaw kaya kitang ibalik doon sa ampunan kasi sabi mo sa akin noon, hindi mo na ako bati!" pagbibiro ni Virgie. "Ibabalik na talaga kita roon, e. Napakapasaway mong bata ka!"

"Hindi mo naman ako ibinalik!" Ngumuso si Tadhana at kinuha ang hot choco na nasa lamesa. "Kasi nga, kahit pasaway ako, mahal mo ako."

Ngumiti ang mommy niya at tumango-tango. Pinatalikod din siya para daw suklayan ang kulot niyang buhok na kahit kailan, never niyang pinagalaw kahit kanino.

"Mommy."

"Hmm?"

"Huwag ka munang mamamatay, ha?" Mababa ang boses ni Tadhana habang nakatingin sa inumin at nakatalikod sa ina. "Kasi naman, e. Bakit ba kasi ang bilis ninyong tumanda ni Daddy? Naiinis ako sa inyong dalawa. Naiinis ako na ang puti na ng buhok ninyo. Hindi naman bagay!"

Naramdaman ni Tadhana na bahagya siyang sinabunutan ng ina bago ito tumawa. Pati pagtawa, may kasama nang pag-ubo. "Bagtit ka nga ubing!" Baliw kang bata ka.

Made in BaguioTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon