CHAPTER 8:

88 1 0
                                    

"what did you do?" Sabay na tanong ni grey at lesly. Nasa sala sila ng private house nila eric.

"You heard me guys!" Galit na sagot ni eve! "Hindi ako makapaniwalang pinagbintangan nya akong tomboy!. Akala ko ba matalino yun dahil running for suma cumlaude, e bakit ganun?"

"Pero sapat na ba yun babe para sapakin mo yung tao?" Gulat pa rin na tanong ni grey.

"What does it feels like, when he told you He's in love with you?" Curious na tanong ni lesly.

"No!.. what does it feels like when you punch him in his face?" Natatawang tanong ni grey.

"Grey!" Sabay na saway ng dalawang dalaga sa kanya.

"What?" Natigilang tanong nito sa dalawa. "Look!. Sinuntok mo yung tao nung mapagkamalan kang tomboy bakit yung mga estudyante sa university ang alam nila tomboy ka talaga pero hindi mo naman sila sinuntok, you just laughed at them."

"Yeah, he's right." Takang tanong ni lesly.

Natahimik sila ng pumasok si eric na hawak ang labi at umupo sa sofa na katapat ni eve. Matagal ang katahimikan nila dahil walang emosyong nagkatitigan ang dalawa. Si grey at lesly naman ay pinakikiramdaman ang dalawa.

"Kailangan bang sapakin mo ako dahil lang sinabi ko sayo ang nararamdaman ko?" Galit na tong sa babae.

Nanlaki naman ang mata ni eve sa tinanong nito sa kanya. Ano ba naman tong lalaking to sa harap pa talaga nila grey?. Hindi man lang mahiya sa pinagsasabi nya. Hindi ba nya naisip na nakikinig ang dalawa sa kanya.

"Tumigil ka nga!" Pagbabawal ni eve sa lalaki.

"Bakit ako titigil. Alam ko namang malalaman din naman nila e o baka nga alam na nila!. At isa pa hindi ko ikinakahiyang sabihin sa harap nila na I'm in love with you!" Pagmamalaki pa nito na nagawa pang sumandal sa sofa. "So!.. kailangan ba na suntukin mo ako dahil lang sa sinabi kong mahal kita?" Hindi naman sumagot si eve sa halip ay tinitigan lang nya ng masama ang binata

"Actually eric hindi naman yun yung dahilan kung bakit ka nya sinuntok!" Paliwanag ni lesly.

"Really?.." umaliwalas naman ang mukha nya sa sinabi ng kaibigan. Pero hindi pa rin nya inaalis ang tingin kay eve "So bakit mo ako sinuntok?"

"Tanga ka ba talaga?" Hindi makapaniwalang tanong ni eve.. napakunot naman ng noo si eric sa kanya.

"Ehem!.. dapat yata umalis na kami para mapag usapan nyo yang dalawa!" Ani grey na hinatak ang kasintahan palabas.

Hindi pa rin nagsasalita ang dalawa. Walang gustong mag umpisang magsalita. Pero masamang titigan nila hindi pa rin natatapos. Si eve naniniwalang wala syang dapat ihingi ng tawad at hindi nya kailangang magpaliwanag. Si eric naman ayaw magsalita dahil hindi sya naniniwalang dapat syang masaktan dahil sa sinabi nya, naguguluhan sya sa pagkatao ni eve kaya naman hindi nya malaman kung anong dapat nyang gawin!, Ito ang unang pagkakataong hindi nya alam kung anong dapat nyang gawin sa isang magulong sitwasyon, haayy! Tama nga ata si eve, nagiging tanga sya pero nangyayari lang naman iyon pagdating kay eve. hanggang sa di nya napigilan ang magsalita.

"Hindi ka ba talaga magpapaliwanag kung para saan ang suntok na natanggap ko?" Tanong nya na nagpataas ng kilay ni eve. "Don't you think i deserve an explanation?"

"Okay! Fine!... " Suko ni eve sa binata. "Sinuntok kita kasi bobo ka na tanga ka pa!. I will make myself clear!. HINDI... AKO... TOMBOY!!" Pagdidiin ni eve sa huling sinabi nya. Napakunot ang noo ni eric.

"Pero diba..." Naputol ang sasabihin nya ng sumingit si eve.

"Hindi ko girlfriend si marga, girlfriend si marga ni kuya mike kaya naman galit na galit ako sa kanya dahil niloko nya ang kuya ko. Ang kahalikan nyang lalaki.." medyo natigilan pa ng saglit si eve ng maalala si craig. Humugot pa sya ng hininga bago nagpatuloy magsalita." Sya ang boyfriend ko. Masakit kasi sa dinami dami ba naman ng babae si marga pa, at hindi ko akalaing magagawa nya akong lokohin." Medyo nagtataka pa nga sya sa sarili dahil pinakiramdaman nya ang sarili nya kung nasasaktan pa ba sya, pero parang wala na syang nararamdamang sakit. Mas nasaktan pa nga sya ng mapagkamalan sya ni eric na tomboy.

"You mean you're not?" Natutuwang tanong ni eric sa dalaga.

"I... said... I... Am... Not... Lesbian!" Pagdidiin sa mga salitang yun. "How many times do i have to clear that?.. kaya galit ako sa kanya.. ayokong nasasaktan ang mga kuya ko dahil para sakin sila lang kayamanan ko. Kaya hanggat maaari at hanggat kaya ko, poprotektahan ko sila. Kaya naman hindi ko matanggap na sinaktan nya si kuya mike yun ang dahilan kaya mas nagagalit ako kay marga. Yun din siguro ang dahilan kaya naisip mong si marga ang kasintahan ko." Medyo malumanay na si eve magsalita habang nagpapaliwanag kay eric. Napatingin na lang si eve sa kamay nya na nakapatong sa hita nya sa hiya dahil mukhang sya ang nagkamali, hindi jya dapat sinuntok ang binata. Ibinalik nya ang tingin kay eric pero hindi na ito galit. "I'm sorry, hindi ko pala dapat ginawa yun sayo, kasalanan ko rin kaya naisip mong girlfriend ko si marga. Dahil mas nagalit ako sa Kanya kesa kay craig. Siguro mas mahal ko ang mga kuya ko kesa kay craig kaya mas nasaktan ako nung makita ko sila ni marga."

"So how's your kuya mike?" Tanong na nag aalala para sa kuya mike nya. Mahinahin na ito at maaliwalas na ang mukha.

"Sabi nya okay lang sya!.. I don't know but i think it's hard for him yo move on." Medyo malungkot na sagot nya. "Pero i can feel that he's changed, lalo syang sumungit at hindi na ngumingiti. Kahit ako peke ang binibigay nyang ngiti sakin. Nakangiti yung lips nya pero yung mga mata nya sobrang lungkot."

"I'm sorry!.. i know wrong timing ako.. but I can't help myself from telling you how i really feel about you!" Anito na nagi guilty. "Hindi ko naman sinabi sayo to para pahirapan ka. Maghihintay ako hanggang maging ready ka na. And I'm serious about you!. Besides i will do everything para makamove on ka na sa gago mong ex boyfriend."

"Okay lang ako!" Anito na nangingiti sa sinabi ng binata sa kanya. Feeling nya kasi ang haba ng hair nya. Ikaw ba naman ang mahalin ng isang Eric Miguel del Valle, ang lalaking sikat na sikat sa university, ang pinagkakaguluhan ng mga babae, hindi mo ba maiisip na humahaba ang hair mo?. "Alam ko naman na kaya ko to. Kaya naman wag na kayong mag alala sakin."

"Mag enjoy ka na sa beach, mamaya uuwi na tayo." Anito sa kanya. Tumayo na ang binata at dumiretso sa labas. Hindi naman sya sumunod palabas, hanggang ngayun kasi pakiramdam nya namumula pa ang pisngi nya, kailangan nya munang pakalmahin ang sarili. Hindi nya kasi maintindihan ang narardaman nya. Hindi kasi talaga sya makapaniwalang na inlove sa kanya ang binata. Ewan ba nya kung kinikilig sya kasi ang kaba sa dibdib nya ay hindi talaga nawawala.

In Love To A TomboyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon