Ethan DeVilla POV;
Ala sais na ng hapon pero hindi pa rin
Humihinto ang ulan... mukhang wala ng balak tong huminto pa hayss.. nakakatamad naman ngayong araw, nag day-off ako para ire-fresh ang utak ko mula sa trabaho ko na Call Center Agent.. grabe naman kasi yung Team Leader namin nitong mga nagdaang araw yung init ng
ulo niya nabubuhos samin ng buong team.. ako naman itong sabon na sabon, humihingi naman siya ng pasensiya pagkauwian sa mga sinasabi niya na minsan below the belt na. napatawad ko naman siya alam kong trabaho lang pero ngayong araw ayaw ko siyang makita kaya nag day off ako.Andito ako ngayon sa cafe shop.. ito ang paborito kong tambayan pag boring ako, pero dahil boring naman talaga ang buhay at buong pagkatao ko inuubos ko palagi ang oras ko rito lalo na ngayon maulan maganda ang klima.
Nakaupo ako sa outside desks ng cafe na may malaking umbrella kaya hindi ako nababasa habang pinagmamasdan ang pagtulo ng ulan at ang mga taong dumadaan.. medyo madilim na dahil nga masama ang panahon at 6:05 pm na rin, pag gantong tag-ulan masarap talagang mag muni-muni lang no? Isat kalahating oras pa akong nag-stay sa ganong posisyon at huminto na rin ang ulan ng maisipan kong pumunta sa bar para mag unwind malapit sa MOA duon sa tabing dagat.
Malamig ang simoy ng hangin, madaming tao sa paligid. merong pamilyang namamasyal magkakaibigan na nagsisiyahan at mukhang ine-enjoy nila ang kanilang kabataan... namiss ko tuloy yung dating ako. sana ganyan din ako masaya lang.... kasama mga kaibigan parang walang pasaning responsibilidad dito sa mundo.
Sa sobrang daming tao dito sa baywalk may isang taong nakakuha ng atensiyon ko isang babaeng nakatalikod sa gawi ko. Mag isa lang siyang nakaupo sa boundary ng dagat at baywalk.
Nakamasid lang siya sa dagat mukhang malalim ang iniisip at Mukha rin siyang maganda kahit nakatalikod. hahaha loko habang tinitignan mo siya parang mararamdaman mong malungkot siya kaya sigurado akong malungkot talaga siya sa mga oras na'to hays nakakahawa..
Ininom ko ang hawak kong San Mig beer habang pinagmamasdan siya medyo matagal na siya ganong posisyon ng makita kong gumalaw ang kamay niya mukhang nagpunas ng luha. May problema nga... broken hearted ata?? Siguro?? ayan kasi puros kayo pag-ibig.. pagkasabi ko nun ay napalingon ako sa bandang kaliwa ko nakita kong maraming mag jowang naghaharutan mukhang masaya sa isat-isa akala mo mga di mag hihiwalay eh tsk!!
Nainis akong tumayo para lapitan yung babaeng malungkot, ng makalapit ako nagdadalawang isip pa ako kung kakalabitin ko ba o huwag nalang pero dahil epal ako kinalabit ko.
"Hi miss can i join you?" tanong ko sakanya siya naman ay lumingon sa gawi ko
Tumingin siya sakit ng mapait na titig, mukhang naistorbo ko ang moment niya nahiya ako bigla.
"Ah makikiupo lang sana ako, pwede ba?" dagdag ko sa sinabi ko habang deretso lang siyang mapait na nakatitig sakin.. naistorbo ko nga yata..
Pero hindi talaga yun ang napnsin ko. yung ganda niya... ang simple ng ganda niya, Gusto ko pang matawa ng pagkalingon niya dahil nagkalat na ang mascara na nilagay niya sa pilik mata niya pero dahil hindi naman ganun kasama ang ugali ko hindi ko yun ginawa inisip ko lang...
Nakangiti ko siyang pinagmasdan habang inaantay ang sagot niya pero nawala ang ngiti ko nung umiwas siya ng tingin sakin at ibinalik sa dagat ang atensiyon. Hindi ko alam kung uupo pa ako dahil hindi naman siya sumagot, nahihiya tuloy ako sa kakapalan ng mukha ko. Aalis na sana ako nung bigla siyang masalita.
"Oh? Bat ka aalis akala ko ba makikiupo ka?" Sinabi niya yun ng hindi ako nilingon man lang.. "kayo talagang mga lalaki walang paninindigan" dagdag pa niya.. teka lang naman miss nakikiupo lang naman ang sabi ko.. pinagsasabi nito...
YOU ARE READING
ALAS DOSE (atin ang gabi)
Short StoryThis story inspired by ALAS DOSE song by Agsunta https://youtu.be/4QrwYY6om5s