ANG MAHIWAGANG PUSTISO NI LOLO
MAIKLING KWENTO
ISINULAT NI ANAHMULA sa baryo bulubundukin, ay nakatira ang mag lolo. Si lolo Tasyo ay nakahiga na lamang dahil sa kanyang sakit na malubha, tanging herbal ang kayang igamot ni Badong at Dudung, sila ay magkapatid na hindi nakatapos ng elementarya dahil sa kalayuan ng baryo nila.
Nagbinatang walang alam, puro disgrasya lamang ang nangyayari lalo na noong malakas ang lolo nila.
Si Dudung ang panganay at si Badong ay bunso, iniwan sila ng ama dahil sumama ito sa ibang babae, samantalang Ang ina nito ang nagpakamatay ng iwan ng asawa. Kaya ang namulatan ni Dudung at badong ang kanilang lolo. Si lolo Tasyo ang naging ina at ama ng dalawang bata.
Ng sumapit ang ika 20 taon ni Dudung ay tinawag sila ni lolo Tasyo upang kausapin.
"Mga apo halika kayo dito sa tabi ko." Hirap nitong sambit sa kanila.
At sila'y lumapit ng mabilis saka umupo sa tabi ng lolo.
"Lolo bakit po." Tanong ni Dudung sa kanya.
"APO nararamdaman ko na na hindi na ako magtatagal, kaya heto ang tanging pamana ko sa inyo ni Badong." Hinihingal na paliwanag niya.
"Lolo huwag ang magsalita ng ganyan, hindi kapa mamatay." Iyak na sambit ng dalawa.
"Huhuhuhuhu lllllooooooo" Sabi ng dalawa sabay dagan sa lolo upang yakapin ng isa naman ay hawak ang kamay ni lolo.
"Ah ah ahhh." Sigaw ni lolo
Sabay alis ni Dudung sa pagkakayakap dahil nahihirapang huminga si Lolo niya.
"Talaga bang papatayin ninyo ako, mga bobo." Sigaw ni Lolo Tasyo.
"Sorry lolo kase nakita kita pumikit kana eh, kaya akala patay kana." Wika ni Dudung.
"Yehhheyy buhay si lolo kuya."Malakas na wia ni Badong na tumalsik pa ang laway kay lolo Tasyo at pinahid ang laway bigang nagkikisay ito.
"Ito talagang patay na ako." Wika ni Lolo bago lagutan ng hininga.
Nakatirik ang mata ni Lolo at wala ng pulso, Nagsiiyakan ang magkapatid at niyakap si Lolo.
"Lolo bakit mo kami iniwan." Tangis ng dalawa.
Sabay batok ni Badong kay Dudung.
"Hahaha ang pangit mo umiyak kuya hahahaahaha." Wika nitong natatawa sa itsura ni Babung dahil parang unggoy ang mukha nito, at natulo din ang sipon.
"Ikaw talaga Badong Ikaw din kaya mas pangit ka pa sa akin hahahahha."Sambit niya saka tumawa. Biglang may langgaw at pumasok sa loob ng bunganga ni Badung.
"Hahahahahaahahahhhhhhhaahhaaha, si kuya pinasukan ng langaw." Halakhak ni Badong at napasukan ng hangin sa tiyan sa kakatawa niya ay biglang napautot ito.
"Pooooottt-pooottt."
"Ano ba yang utot mo Nakakamatay sa baho." Biglang nagtakip ng ilong ang dalawa at nababahuan sa utot ni Babong.
"Pootttttt-pooottt."
Tumakbo sa labas si Badong dahil ang utot niya may kasamang ebak.
Inayos ang lamay ni Lolo Tasyo, nakilamay din ang kanilang kapitbahay. Tiningnan nila ng bangkay.
Nakangiti ito at may bulak sa ilong. Sa halip na malungkot ay biglang napatawa ang mga nandoon.
Kinabukasan ay libing ni Lolo Tasyo, habang palabas ng bahay ay biglang nahulog ang patay at ang dala-dala nila ang kalahati naoang ng kabaong. Nagsigawan ang lahat at biglang bumangon ang patay hinabol ang nagdadala ng kabaon bitbit ang ilalim na kahoy. Nagsitakbuhan ang lahat at natakot.
