Pro

3 0 0
                                    

Farah


1PM

Napatingin ako sa pintuan dahil may nag door bell, expected ko na yon dahil nag order ako ng pagkain ko dahil wala akong oras para lumabas at mamili ng makakain ngayon kaya naman nag order na lang ako. Usually kapag wala akong oras ay nag oorder na lang talaga ako at binabayaran ko na tru online dahil ayon na den ang kinasanayan ko. Tumigil muna ako sa paglilinis sa sala upang buksan ang pintuan at kunin ang orders ko. Nag thank you ako sa delivery boy at umalis na sya.

"hi farah order ulet?"  Tanong ni meggy ng makita nya ang hawak ko. "Alam mo lumabas ka den para maarawan ka naman. Sumama ka saken dali hihi" kilig nyang sabi saken

"Oo e. Wala na naman akong oras para lumabas ngayon, alam mo na busy" sagot ko

"hmmp. Anong busy busy, sabihin mo busybusy-han. Minsan na lang kita makasama ano ba yan pero sige kung ayaw mo edi wag di kita pipilitin hmp" maarte nyang sabi at nag flying kiss pa saken. Napailing na lang ako sa inasta nya at pumasok na sa loob.

--

Pagkatapos kong kumain ay binalikan ko na ang paglilinis sa sala. Gabi na ng matapos ako dahil sobrang kalat sa condo. Pano ba naman naisipan ng mga co-workers ko na dito mag despidada dahil mangingibang bansa na si kaye doon na daw sya mag tatrabaho. Kaya ayon napaka kalat ng buong condo.  Ng matapos ako sa paglilinis ay humiga na ko sa kama ko. Pagod na pagod. Kinuha ko ang phone ko at nag check kung may importanteng message, panngiti naman ako ng meron nga.

-Hi babe
-Kamusta?
-Tawag ako pls miss na kita e :((

nireplyan ko ung tatlong message nya na tumawag na sya. Wala pang ilang minuto ay mag nag ring na.

Nag kamustahan at nag kwentohan lang kame ng ilang minuto na lang dahil hindi daw sya pwede magtagal.

"Baba ko na babe ah mag work nako e" sabi nya sa mahinang boses. Halos pabulong na nga e.  Kaya nagtaka ako, dahil kanina naman ay hindi naman ganon ung boses nya.

"sige babeee ingat sa work ha"

"oo babe thank you. Ingat ka den jan ah i love you" bulong na sabi nya

"Opo babe love youuu. wag mo bayaan sa
sarili mo jan ah hehe kase magagali--" napatingin ako sa phone dahil naputol na ang tawag. Napakunot naman ako dahil don.

Bumuntong hininga na lang ako. Hindi ako sanay ng pinapatay nya ang tawag dahil hindi sya pumapayag na sya ang mag end ng call. Gusto nya ako ung nag eend ng call pag ganon e. Hinayaan ko na lang yon at hindi na pinansin.  Sa pa muni muni ko hindi ko na napansin na nakatulog nako.

Pag kakagising ko ay chineck ko muna ang phone baka sakaling nag message si fugi pero wala ni isa. kaya bumangon nako at napatingin ako sa side ng kama ko which is don nakalagay ang mga pang skin keme. Pero hindi na ko nag skin routine dahil hindj naman ako talaga nag gaganon. Actually madami akong pang keme keme sa mukha pero hindi ko den naman ginagamit dahil hindi nga hindi ako sanay sa ganon. Si lora lang naman ang nang hihikayat saken mag routine e dahil sa totoo lang maarte sa katawan yon lalo na sa mukha.

Buong araw ay wala akong ginawa kundi ang mag trabaho.  Pagka break time ay nag inat ako at nag phone na muna ako habang nakaupo sa chair ko. Wala pang ilang minuto ay lumapit na sa aken ang apat na demonyo.


"Tara kain farah libre daw ni eya HAHAHAHAHA" napatingin ako sa mga ka work ko na nakapalibot saken.

"Hoy anong ako ang kapal ng mukha mo ah. Ikaw dapat ang manlibre oy"  banat ni eya

"Ambagan na lang ang dami nyong alam tara na nagugutom nako e" sabi ko

"anong ambagan wala munang ganon ngayon dahil libre daw talaga ni jason" si jackson

"anong ako sakalin kaya kita si eya talaga manilibre jan e" sagot ni jason sa kapatid nyang si jackson

"oo na ng matahimik na kayo. Sana nga habang buhay na kayo manahimik e." kunot noong sabi ni eya

"ok vikings here we comeee" sigawan naman nilang apat

Kinuha ko ung gamet ko at sinabit sa balikat ko  bago ako makapag lakad ay mag na recieve akong message.

from: lora da explorer

"Girl, im sorry" napakunot ako sa message nya. Mag rereply na sana ako ng mag message ule sya.

"Im sorry. Im really sorry"

"Why? anong nangyare? may nangyare ba?" Tanong ko. Mag aantay sana ako ng reply nya kaso tinawag nako ng mga kasama na medjo nasa kaluyaan na. Napatingin ako ule sa phone ko pero wala pang reply kaya naglakad na ako papunta sa mga kasama ko.






----------

Sensya na. Hindi ako magaling. Basta.  HAHAAHAHA. ( ˘ ³˘)

The MistressWhere stories live. Discover now