ILANG araw na rin ang nakakalipas simula noong nangyari sa private resort ng mga del Valle. Nakakalimutan nya na rin ang mga hindi magandang nangyari sa kanila ni craig sa tulong na rin ni eric. Laging nandyan ang binata para damayan sya, talagang pinaparamdam nya dito kung gaano sya nito kamahal. Pati ang pagpunta sa talyer ay napapadalas din. Kung minsan nga iniisip nya na baka pati ang mga kuya nya ay niligawan din ni eric, dahil kapansin pansin ang pagkakasundo nila. Mas madalas din silang magkakwentuhan ng mga kuya nya. Tinuruan din sya ng mga ito ng mga basic repair ng mga sasakyan. Kaya naman may pagkakataon na sya rin ang nag aayus ng mga sasakyan.
Pagdating naman sa university lagi sya nitong tinutulungan mag review kapag may exam sya. Lalo na sa history. Ewan ba nya kung bakit ba hirap na hirap sya sa subject na'to. Madalas kasi syang nakakatulog sa klase kapag ito ang subject nya kaya madalas syang mapagalitan ng professor nya dahil nahuhili sya nitong nakakatulog, kaya naman wala talagang pumapasok sa utak nya pagdating sa subject na to. Mabuti na lang at to the rescue si eric para tulungan syang magreview sa twing may exam sya.
Naging sweet ito sa kanya palagi. Minsan pakiramdam nya isa syang prinsess dahil sa ipinapakita nito sa kanyang atensyon, at madalas ay hirap syang itago ang pag ngiti nya dahil sa kinikilig sya lalo na kapag nasa tabi nya lang ang binata.
"Kakapagod!" Reklamo ni grey. Vacant time namin at kakatapos lang ng defense nila.
"Atleast nakaraos na!" Nakangiti namang banggit ni lesly na humilig pa sa dibdib ng binata ng umupo sila.
Heto na naman itong dalawa nato. Maglalambingan na naman sa harap ko. Wait lang kayo kapag dumating si eric may paglalambingan din ako.
"Eve!"
Nagulat pa si eve ng marinig ang pagtawag sa kanya. Kaya naman napalingon sya dito. Si craig iyon. Ano naman kaya ginagawa ng lalaking ito dito?.
"Pwede ba tayong mag usap?" Nakikiusap na sabi nito sa kanya. Malungkot ang itsura nito ng tumingin sa kanya.
"Bakit?.. wala naman tayong dapat pag usapan ah!" Anya na pinakita nya pa ang pag ka inis nya rito.
"Umalis ka na craig, pwede ba tigilan mo si eve." Pambabanta ni grey sa kanya. Tumayo pa ito iniharang ang sarili para hindi na malapitan pa si eve ni craig.
"Grey!, Gusto ko lang makausap ang girlfriend ko. Kaya kung pwede lang sana wag kang makikielam dito." Maangas na sagot ni craig. Akmang susuntukin na san ni grey ng pigilan sya ni lesly.
"Hon!, Please wag dito... At ikaw naman craig please lang umalis ka na kasi ayaw ka ng kausapin eve." Pagtataboy ni lesly sa kanya.
"Okay!.." anito na itinaas pa ang dalawang kamay nito na tanda ng pagsuko. "Pero hindi ako titigil hanggang hindi tayo nakakapag usap eve, tandaan mo yan!" Nakikipag titigan sya kay grey habang sinasabi nya ito kay eve.
"Pwede ba craig!.. tumigil ka na!" Pagtataboy ni eve sa kanya. " At for your information tapos na tayo kaya hindi mo na ako girlfriend.. kaya alis dahil wala akong oras makipag usap sayo!"
Wala ng nagawa si craig kundi ang umalis na lang at iwan sila. Ngunit halata sa hitsura nito na galit ito.
"Anong problema nun?" Inis na tanong ni lesly habang bumabalik sila sa upuan nila.
"Ang angas ng gago, akala mo naman kung sino, feeling boyfriend mo pa rin!"asar na nakatingin kay eve. "Sarap sapakin!" Pagpipigil pa nito
Tahimik naman si eve na nakatingin kay grey. Mga ilang minuto lang ay dumating si eric na may dala pang makakain.
"Bumili ako ng pizza para may makain tayo habang nagpapalipas ng oras, tara kain tayo!" Aya pa nito sa kanila ng mapansin nya ang galit na itsura ni grey. "Grey what's wrong?, Mukhang wala tayo sa mood ah!" Biro pa nito.
"Nandito si craig kanina, pinipilit na makausap si eve!" Paliwanag ni lesly. "Kung hindi ko nga lang napigilan itong si grey baka nagpang abot itong dalawa e."
Napatingin naman si eric kay eve. "Okay ka lang?" Tumango naman si eve sa kanya. "Bakit daw gusto kang makausap ng kumag na yun?"
"Hindi ko alam, malay ko!.. ang alam ko lang ayoko sya makausap!" Tipid na sagot ni eve. Hindi naman na kinulit ni eric si eve at binuksan na lang nya ang box ng pizza na dala nya.
"Hayaan nyo na yun!. Ikain nalang natin yan!" Gumaan naman ang aura ng tatlo nang sabihin ni eric yun. Kaya naman nagsikuhaan na sila ng sarili nilang pizza. Binigyan pa ni eric si eve ng tissue. Maasikaso talaga ito sa kanya, kaya naman natutuwa sya kapag nasa tabi nya ang binata.
Ewan ba nya kung anong nangyayari sa kanya?.. bakit ba sa twing nasa tabi nya si eric ay bumibilis ang tibok ng puso nya, at kapag hindi nya ito nakikita ay hinahanap hanap nya naman ito. In love na ba sya kay eric? Imposible naman siguro kasi hindi pa naman sila matagal na nagkakasama at ilang araw pa lang lumilipas ng maghiwalay sila ni grey. Okay lang ba yun?, Ibang iba kasi ang nararamdaman nya para kay eric kesa sa nararamdaman nya noon para kay craig. Teka ano nga bang pagkakaiba nun?.. na mas naeexcite syang makita si eric kesa kay craig?.. Na mas namimis nya si eric kapag wala ito sa tabi nya?.. mas hinahanap hanap nya ang presensya nito kapag wala ito sa tabi nya?, At mas kinikilig sya kay eric kesa sa kilig na naramdaman nya kay craig noon?.. oh my gosh!.. inlove na nga yata sya kay eric!..
"May napapansin ako sayo babe!" Panimulan ni lesly sa kanya. Kasalukuyan silang nasa entertainment room nila lesly ng magsalita ito sa kanya. Wala pa sila grey ng mga oras na yun. May rehearsal kasi sila dahil nakapasok sila sa music club. Mag kakaroon ng program ang school at sila ang tutugtog bilang intermission. Kaya naman mas madalas na silang nagpapractice para sa parating program.
"Ano naman yang napapansin mo sakin?" Takang tanong nya sa kaibigan.
"Palagi mo kasing hinahanap hanap si eric kapag wala sya tapos kapag nandyan naman hindi mapakali yang pwet mo."
"Huy! Grabe ka!"
"Totoo yun!.. mukhang inlove ka na sa kanya!.. wait! Inlove ka na nga sa kanya!" Seryoso ang pagkakasabi nito sa kanya kaya naman alam nyang hindi sya nito binibiro.
"Sa tingin mo babe?" Nahihiyang tanong nya dito.
"Oo!.. so ano pang ginagawa mo bakit hindi mo pa sagutin?" Takang tanong sa kanya.
"Parang hindi naman kasi kami bagay e... Hello!.. Eric del Valle yun?"
"E ano naman?"
"Hindi ko rin alam e!"
"Baka naman natatakot ka na baka lokohin ka rin ni eric kapag nagkataon... Eve pwede ba hindi lahat ng lalaki tulad ni craig.. may mga katulad din ni hon ko, ni eric!.. why not give him a chance?"
"I don't know?.. maybe because I'm not ready yet to have a relationship again?"
" Akala ko ba nakamove on ka na kay craig?"
"Oo naman no!.. nakamove on na ako sa kanya!.. im done with him!"
"So when will you be ready to accept eric in your life?.. kapag may ibang gusto syang agawin sayo?.. im telling you now babe mahirap yan. Napakaraming gustong makuha si eric lalung lalo na si miss monique, usap usapan kasi na malaki ang gusto nun kay eric, at kung sakaling gusto nyang landiin si eric wala kang karapatan mag selos at magalit dahil hindi mo pa sya sinasagot." Napayuko sya sa sinabi ni lesly. "If i were you sagutin mo na para may karapatan kang bakuran yang si eric!"
Nahinto naman sila ng pag uusap ng biglang bumukas ang pinto at pumasok sila grey at alfred.
"Let's start?" Tanong ni grey sa mga kasama na dumiretso sa mga pwesto nila.
BINABASA MO ANG
In Love To A Tomboy
RomanceAno gagawin mo kung bigla ka na lamang iwan ng lalaking pinakamamahal mo ng wala man lang sinasabi? Aasa ka pa rin ba kahit na wala namang kasiguruhan na tunay ka nga nyang mahal? Paano kung makalipas ang 7 na taon ay magkita kayon...