Prologue

5 0 0
                                    

"Aalis ka na naman?" hindi ko na mabilang kung pang-ilang sabi na yan ni Polly. Sa rami ay hindi ko na sinubaybayan.

Tutok pa rin ako sa laptop habang tinitingnan ang bagong email na na-receive ko galing sa sekretarya. In it was my flight details. Nasilipan ni Polly kaya ngayon nang-uusisa na naman.

"Kailangan eh." Nireplyan ko na ang sekretarya ko bago bumaling kay Polly na nakapangalumbaba at kalaunan ay sumimsim nalang sa orange juice nito.

"May iniiwasan o hinahanap ka ba? Dahil pa rin ito sa kanya?"

Natigil ako sa pagtitipa dahil sa tanong niya.

"What do you mean?"

Nagkibit-balikat si Polly.

"You know exactly what I mean Ark." Hinubad ko na ang glasses na suot at ibinaling ang atensyon ko sa kay Polly.

"Alam mo rin kung ano ang kinalalagyan ko ngayon. I'm too busy to think about that person."

Totoo namang busy talaga ako. I don't have the luxury to fall in love, again.

Minabuti na ring palitan ni Polly ang topic.

"Alam na ba nina Q at Ari? Si Lucas?"

Busy rin kasi ang tatlo kaya hindi nakadalo sa dinner. Nagpaalam naman sila ng inimbitahan ko kaya kami lang dalawa ngayon ni Polly.

Umiling ako.

"Hindi pa. Siguro magvi-videochat nalang tayo bukas bago ako magbo-board sa eroplano." Baka magtampo pa sakin ang mga yun lalo na't medyo matagal-tagal akong mawawala ngayon.

"You better Ark. Masasakal ka talaga ni Q kapag aalis ka pang hindi man lang nagsasabi."

Napatawa ako bigla ng maalala ang kagaguhan na ginawa ni Q sa akin noon.

"Oo na."

"Hindi mo talaga gustong malaman?"

Minsan hindi ko na rin naiintindihan ang pinagsasabi ni Polly. Napakunot ang noo ko.

"Ang ano?"

Binatukan na nga ako. "Aray ko ha!"

"Minsan umaandar kasi yang pagka-slow mo." Ngumisi lang si Polly sa akin.

"Uuwi na daw siya dito sa Pilipinas."

Nang mabanggit niya yun alam ko na kaagad kung sino ang tinutukoy niya. Sasagot na sana ako pero dumating na yung inorder naming pagkain kaya niligpit ko muna ang laptop ko. Pagkatapos ay saka ko na ibinalik ang usapan namin.

"Anong pakialam ko?"

Napapalakpak si Polly na akala mo ang tuwa-tuwa niya sa sagot ko.

"Wow! Hindi ko aakalaing ikaw yung nakilala ko noong habol ng habol sa 'love of my life' mo. Hindi halata."

Ewan ko ba at bakit kinaibigan ko pa 'tong si, Polly. Minsan napapaisip nalang talaga ako sa mga naging desisyon ko sa buhay.

"Salamat naman at napaka supportive mo kaibigan!" Sarkastiko kong sagot.

"Nalaman ko kay Lucas." Patuloy nito.

"Hindi ako nagtatanong."

"Para lang naman alam mo."

Nangga-gago ba 'to o ano? Nabasa niya siguro ang ekspresyon ko ng itinaas nito ang dalawang kamay na para bang sumusuko na sa away.

"Hindi na nga ako magbabalita sayo."

Nagpatuloy na kami sa pagkain at nag-usap na rin tungkol sa ibang bagay kaya medyo napatagal ang stay namin sa restaurant.

"Hatid kita sa airport bukas!"

Stars In The Night SkyTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon