Tahimik ang buong kabahayan.
Ang mga muwebles na gawa sa kalumaan ng mga araw ay nakikidama lamang sa takbo ng kapaligiran.
Malakas ang pagbuhos ng ulan sa kahapunan ng munisipyo ng Malaybalay.
Ang mga talulot ng gintong trumpeta ay inaanod ng agos ng pinag-isang mga bola ng tubig.
Mula sa loob ng isang madilim na silid ay makikita ang pagpasok ng liwanag kasabay ng paglangitngit ng binuksang pintuan nitong gawa sa kahoy.
Isang pares ng hindi gumagalaw na paa ang bumungad mga mata ng taong nagbukas ng pintuang yaon. Ibinunyag pa ng pumapasok na liwanag ang makapal na saya, papunta sa mukha ng walang malay na dalagang may mukha ng isang manika.
Namilog ang mga matang nakasaksi.
"Agnes..." mahinang bulalas ni Vanjoss at nagmadaling sinuri ang walang malay na dalaga. But when he lifted her head to check her, nakaramdam siya ng kung anong malapot na bagay na dumikit sa kaniyang kamay na humawak sa ulo nito.
Napasinghap si Vanjoss nang napagtanto kung ano ito.
Dugo.
Victims of Medusa
-THE PRINCE OF THE HILLTOP PRINCESS-In the soft white-gold light of the new day, the hues of Aquil's room move from the recovery pastels to brilliant sun-beamed walls. Aquil slowly opened his eyes, slowly recovering from his sleep and from the dream of his yesterday in which he still couldn't easily get over with.
Bumangon ang binata at kaagad natutulala sa kinauupuan. Bumubuti na ang kaniyang pakiramdam at kahit papaano'y makakakilos na ng maayos. Dagdag pa'y pansamantalang tinaggal na ang nasal cannula mula sa kaniyang pagkakasuot.
"Aquil, anak... kumusta na ang iyong pakiramdam?" dito niya namalayan ang presensiya ng kaniyang ina na naghahanda ng kaniyang pagkain, hinihiwa nito ang ilang mga prutas na maganda para sa kalusugan niya.
Tinignan lang ng binata ang kaniyang ina bago muling nagbaba ng tingin at tumingin sa kawalan.
His mother sighed, and came close to him. "Anak, ako'y may magandang balita sa'yo."
Aquil looked at his mother, not uttering a word, just waited for her to continue. "Nahanap na namin ang may sala sa pagkamatay ng iyong kapatid."
"Matagal na siyang patay. Nasagasaan umano ang baliw na iyon sa isang malayong bayan kung saan siya napadpad," kalmadong wika pa ng kaniyang ina at nakangiti.
"Mabuti na nga kung ganoon, eh." Tumayo ang kaniyang ina, sinundan niya ito ng tingin.
"Buti nga sa kaniya." Sa pahayag na iyon ay nagsimula nang lumalim ang ekspresyon sa mukha ng binata.
His mother continued to talk with all the gladness she has, "Ang mga taong kagaya nila; mga baliw at may sakit sa utak, ay walang lugar sa mga buhay natin, sa mundong ito."
Kumunot ang noo ng binata sa narinig mula sa sariling ina.
"Ang mga taong may problema sa pag-iisip, ay walang ambag sa ating lipunan kun'di problema." His mother once again, started to chop the fruits for him.
"Ma..." Dito'y sinita na niya ang sariling ina. Hindi na nga maganda ang kaniyang pakiramdam, ay hindi pa maganda ang mga pinagsasabi nito.
"Naririnig mo ba ang mga sinasabi mo?"
"Loud and clear, Aquil. Loud and clear. Lahat sila, walang pinagkaiba sa baliw na pumatay sa kapatid mo." His mother, with a calm face, continued to smile.
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...