DISCLAIMER:
This story is a work of fiction,names,characters,place,businesses,events,and incidents are either the products of the authors imagination or use in fictitious manner.Any resemblance to actual persons,living or died,or actual events are purely coincidental.
WARNING: WRONG GRAMMARS AND ERRORS TYPOS AHEAD!!
______________________________________
"Misha! Akala ko iindianin mo na ako sa sariling Birthday ko eh!" Kakapasok ko palang sa bar ay bumungad na sakin tung si Regatta na may hawak na basong may laman na alak.
"Yeah whatever Reg! But ahmm Happy Vday sayo! Welcome to legality!" At parang timang kaming nag yakapan sa entrance ng bar. Ganito naman kami palagi ni Regatta. Magkaibigan na kami since kindergarten kaya alam na alam na namin ang kulo ng bawat Isa.
"Welcome ka diyan! Ulol di ka pa legal no!" Natatawang sabi niya sakin mula sa pagkakayakap.
"Girls, wala ba kayong balak pumunta sa table niyo? Nakakaharang kayo oh?! Can't you see?!" Maarteng reklamo ni ate Elise sa likod ko. Kanina pa yan nag rereklamo sa loob palang ng sasakyan papunta dito. Napilitan lang naman siyang sumama sakin dahil hindi ako papayagang lumabas ngayon hangga't hindi siya kasama.
"Oh? Elise? Bakit ka nandito?! Himala ah! Diba hindi naman uso sayo ang night outs?" Tanong ni Reg habang nakayakap parin sakin. Ano ba?! Wala ba siyang balak na pakawalan ako?!
"Napilitan lang ako noh! Ito kasing si Misha ang tigas ng ulo! Grounded pa naman siya ngayon dahil sa ginawa niyang pakikigpag away doon sa kaklase niyong amerkana! Buti nalang na convince ko sila Mommy na pumunta siya rito." Napairap nalang ako at ako na mismo ang bumitaw sa pagkakayakap sakin ni Regatta at hinanap nalang ang table namin. Marami pala ang ininvite nitong si Regatta, halos mapuno na Ang buong bar sa rami ng tao. May nag sasayawan sa gitna, may nag iinuman at nag mamake out na sa gilid. Mas lalo yata akong na excite sa nakikita ko ngayon. Happy place to para sakin!
"Misha!" Alam kong si ate Yun kaya hindi ko nalang pinansin. Naupo naman siya sa tabi ko at inilibot ang paningin sa paligid. "Misha, 'wag na 'wag kang gagawa ng bagay na ikapapahamak mo ha? 'wag ka masyadong magpakalasing baka mabuko tayo nila Mommy! Pagalitan ka na naman."
"Ate naman sinama kita rito para magsaya Hindi para pangaralan ako." Nag order nalang ako ng maiinom at pagkain. Hindi ko naman kailangan pang problemahin ang gastos dahil si Regatta na ang bahala 'run.
"I'm just giving you a warning." I just rolled my eyes. Masyado siyang maraming sinasabi. Pagkadating ng inorder kung alak ay nagsalin agad ako sa baso at diretsong inunom 'yun. Inalok ko pa siya pero ayaw niya. Bahala siya.
Uminom pa ako ng ilang shots at ng naramdaman kong masyado na akong nilamon ng sistema ng alak ay tumayo nako para pumunta sa dancefloor. Hinawakan pako sa pulsohan ni ate para pigilan pero tinabig ko lang yun at dire-diretsong naglakad.
BINABASA MO ANG
Fascinated
RomanceMich Shamina Villaruel is the one and only glamorous and well-oriented CEO of the Time Record Company. She has everything. The beauty, brains, and wealth except for love. At the very young age, she managed to run their own Company but still her effo...