Chapter 1

7 7 0
                                    


Chapter 1: Pretend

Papasok na sana ako sa cr para maligo ng makita kong sumunod siya sa pagpasok.

"A-ah. Gagamitin mo ba muna yung banyo?" alangan na tanong ko.

Taka siyang lumingon sa akin.

"Hindi. Sasamahan kita maligo..." tinitigan niya ang kutis at buhok ko.
"Kailangan maging maganda ang buhok at kutis mo. Kailangan mo ng katulong para don. Kaya, maghubad ka na."

"Ha??" gulantang na tanong ko. Sensitive akong babae. At ayaw kong makita niya ang katawa ko no!

"Maghuhubad ka ngayon, o ako ang huhubad sayo mismo?" takot niya.

At mas lalong ayoko non! Kaya naman ginawa ko na lang gusto niya. Kinuskos niya ng maagi ang katawan ko, marami siyang nilagay na kung ano ano. Sa buhok ko ay ganoon din.

"Mag-lotion ka. Para kumintab yang legs mo." bilin niya bago lumabas ng kwarto.

Pinagsuot niya ako ng isang night dress. Tinitigan ko ang itsura ko sa salamin. Nalaglag ang panga ko sa nakita. Ako ba to? Mukha na akong isang... Dives.

Hindi ako makatulog kakaisip sa posibleng mangyari sa akin. Alam kong wala akong takas dito. Kahit anong gawin ko, wala akong kawala. Kasalanan to nila Trino, kung hindi nila ako dinamay dito hindi ako mapupunta sa lugar na to! May tingin ako na ibebenta nila ako o ano! Eto na ba? Eto na ba ang katapusan ko? Siguro ito nga..

Pagmulat ng mata ko ay nakita ko si Natasha, ang nagayos sa akin kagabi kasama ang dalawang babaeng hindi ko kilala. May inaayos sila na mga.. damit? Bumangon ako sa kama ko at tinitigan sila.

"Anong ginagawa niyo dito?"

Kaagad na lumingon sila sa akin. Napangiti si Natasha ng makitang gising na ako. "Buti naman at gising ka na."

"Naligo ka naman na kagabi, pero kailangan mo pa din maligo ngayon. Dalian mo at aayusan ka pa namin." utos nito at itinulak ako sa banyo.

"H-Hindi ka sasama?" hindi sa gusto ko siyang sumama sa pagligo ko, pero baka sumama lang siya ngayon!?

"Hindi, darling. Nakuskos ko naman na ang dapat kuskosin kahapon, kaya ikaw na ang bahala sa pagligo mo." halakhak nito. Uminit ang pisngi ko ng matawa din ang dalawang kasama niya. Nahihiyang isinara ko ang banyo at naligo na ng mabilis.

"Ang ganda mo." ani ng isa sa mga umaayos ng buhok ko. Hindi ako sanay na sabihan ng ganyan. Dapat ba akong magpasalamat? Sa tingin ko, kaya lang naman niya iyon sinasabi ay dahil siya ang nagaayos sa akin. At syempre, maganda iyon sa paningin niya. Sa huli, hindi na lang ako umimik.

Hindi ko na nga makilala ang sarili ko sa ginawa nila. Mas smooth na ang buhok ko kumpara dati. Kinulot nila ang dulo ng buhok ko. Pinagsuot din nila ako ng isang Spaghetti Strap na Dress. Ang una kong napansin ay masyadong... maikli.

"Tara na at kanina pa naghihintay sina Mr. Rooney." utos ni Natasha.

Lumabas kami sa silid at pumunta sa pinakamataas na palapag. Kumalabog ang dibdib ko ng papasok na kami sa isang panibagong kwarto. Malaki ito. At base sa nakikita ko, mukhang opisina.

"Mr. Rooney nandito na siya." sabi ni Natasha at yumuko ng kaunti bago lumabas ng kwarto.

Naiwan kami sa loob ni Mr. Rooney at ang isa pang lalaki na nakatalikod. Naguusap sila kanina pero nahinto ng pumasok kami.

"She's here. Come here.." itinuro ni Mr. Rooney ang isa pang upuan na nasa tapat ng lamesa. Dahan dahan ako lumapit tsaka umupo.

"Mr. Thomas, This is..." bumaling sa akin si Mr. Rooney.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Aug 03, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

The Riverhill's Division Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon