Pasalubong (One Shot)

48 2 0
                                    

Mga gabing nakatingin sa salaming nagtatanong sakin

Kailan kaya makakamit
Pagsuyo na hindi binabalik

Bilog ang buwan at punong puno ng bituin ang kalangitan. Napatingala ako at ngumiti habang pinagmamasdan ito. Sobrang ganda talaga. Nakakagaan at ramdam ko na talaga ang break.

"Ash, congrats."

Bigla na lang may umupo sa tabi ko at nag-abot ng isang paper rose at melona ice cream. Napatitig ako sa kaniya bago ko kinuha ang bigay niya. Nakasuot siya ng white shirt, black shorts and brown leather sandals. Pinitik niya ang noo ko kaya napasigaw ako. Ayon ang loko tawa ng tawa.

"Grabe ka! Sige tawa lang. May kasalanan ka pa sa akin itawa mo lang," sabi ko sa kaniya habang sinusubukan buksan ang ice cream ko.

"Kaya nga yan na peace offering ko," sabi niya at ngumiti na parang bang nagpapaawa, "Ang bagal mo naman buksan yan. Ako na nga," dagdag niya at inagaw niya sa akin ang melona ko para buksan.

"Yuck please huwag ka magpa-cute. Oo na lang," sabi ko sabay kuha ng ice cream ko at tumawa, "Baliw para saan yong congrats kanina?"

Kumuha siya ng isang melona mula sa plastic na dala niya at binuksan niya rin ito, "For surviving the whole school year." sabi niya na hindi nakatingin sa akin. Napatingin ako sa kaniya ang napangiti.

"Thank you, Key! Congratulations rin for surviving the whole school year."

Nagkwentuhan kami ng halos dalawang oras ng Key. Mas marami pa ata yong tawa namin kaysa sa kwento. Masaya ako dahil 3rd year na kaming dalawa sa opening at two years na makakapagtapos na kami. Parang kailan lang na mga bata pa kami na hindi kami at nangangarap pa lang.
Magkapitbahay kaming dalawa ni Key. Ezekiah ang buong pangalan niya. Lumipat sila dito noong nasa 3rd grade kami. Iisang school din kami mula elementary hanggang nitong college.

Napatingin ako pictures namin ni Key na nakadikit sa isang corner ng kwarto ko at nahagip ng mata ko ang isang vase ng paper roses. Binibigyan niya ako ng paper roses mula noong elementary dahil may flower allergy ako. Nakalagay sa isang vase ang kumpon ng paper roses at ang iba naman nakalagay sa treasure box ko.

Aster ang pangalan ko at gustong gusto ko talaga ang mga bulaklak pero ayaw naman nito sa akin. Hays nga naman. Pero actually hindi na masyadong malala ang symptoms dahil may gamot naman ako.

Natutuwa ako dahil grabe ang effort ni Key dahil imbes na bumili siya ng plastic or paper flowers, siya mismo ang gumawa ng paper flowers. Pero naiinis ako sa sarili ko. Hindi ko dapat binibigyan ng ibang meaning ang mga ganitong kilos ni Key. Hindi dapat ganito ang nararamdaman ko pero bakit?

Bakit sa lahat ng tao sa mundo sa kaniya pa ako nagkagusto?

Maghihintay ako
Hanggang mapasayo

Pasalubong naman
Sa'king nararamdaman
'Pag umamin sayo
Sana ay mapagbigyan

----

"Aster Hope, I miss you!" sigaw ni Natty. Tumakbo siya papasok ng kwarto ko at niyakap ako nang sobrang higpit. Nakasuot siya ng white sundress at naka-high bun hairstyle.

"Natty, I miss you too," sabi ko sa kaniya habang yakap pa rin siya, "Si Sky saan?"

Bigla na lang pumasok si Sky sa kwarto ko nakasuot ng denim shorts at blue vertical stripes polo, "Uy pasali naman ako diyan!" sigaw niya at niyakap niya kaming dalawa, "Namiss ko kayo sobra."

Si Nathalia at Skylar mga best friends ko mula bata pa kami dahil mga nanay namin mga magkaibigan din. Iyon nga lang hindi kami nag-aaral sa iisang school at isang oras pa ang biyahe nila papunta dito sa akin. Kaya kami talaga ni Key ang magkasama mula noong lumipat sila dito. Minsan lang talaga kami nagkikita kaya sobrang miss na miss namin ang isa't isa at kapag magkasama kami sobrang ingay talaga namin. Kilala naman sila ni Key dahil minsan lumalabas kami at kasama rin si Luke na kaibigan ni Key.

Pasalubong (One Shot) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon