DISCLAIMER - This is a work of fiction. Names, characters, places, businesses, events, and incidents are either the products of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to actual persons, living or dead, or actual events incidents is purely coincidental. Please be advised that this story contains sensitive content, mature themes and strong language that are not suitable for very young readers. Read at your own risk.
***
Maagang natapos ang klase namin na ikinatuwa naming lahat, lalo na ako. May lakad kasi ako ngayong araw at napaka importante non sa akin.
Pag dating ko ng bahay naligo na ako at dali daling nag bihis. Nag suot lamang ako ng fitted halter dress na may slit sa gilid, soft lime green ang kulay nito. Nag sandals ako at isinukbit na ang shoulder bag ko bago umalis.
Dumating ako sa isang malawak na lugar at maraming ilaw. Malakas ang tunog ng musika, tumatama sa aking mga mata ang iba't ibang kulay ng ilaw.
Nilibot ng aking mga mata ang kapaligiran dahil hinahanap ko ang mga pinsan ko. Hahakbang na sana ako papasok ng biglang may humila sa akin na ikinasigaw ko.
"Grabe naman yung sigaw." Irap sa akin ng pinsan kong si Ria at hinila na ako sa kung saan.
"Tagal mo Yna, naloka kami sayo." Sabi ng isa ko pang pinsan nang makita ako, si Peach.
"Galing akong school, tsaka hindi pa naman nag sisimula. Masyado naman kayo." Pahayag ko.
"Baka plinano talagang magpalate, ano Yna?" Akbay sa akin ni Ken, pinsan ko rin.
Inalis ko ang pag kakaakbay niya sa akin at inirapan nalang siya. Umupo nalang ako sa may dulo na katabi si Ria dahil iyon ang bakante. May nakita akong baso na may lamang alak sa harapan ko kaya't walang ano ano'y ininom ko ito.
"Nag papalakas ka yata ng loob ah." Tawa ni Ria.
"Ri wag kang ganyan, baka makipag balikan yan." Tawa rin ni Peach.
"Ewan ko sainyong dalawa." Irap ko at nag salin ako ng inumin sa baso ko.
"Ate Yna!" Sigaw ng babae sa kung saan.
Nagulat ako nang tignan ko ang babae. Si Rose pala iyon, ang pamangkin niya.
"Rose, ikaw pala." Ngiti ko pag lapit niya.
"Ang ganda mo naman ngayon." Ngiti niya sa akin pabalik.
"Mas maganda ka." Puri ko.
"Grabe naman. Nandoon si tito, baka gusto mong makita. Baka lang naman." Asar niya sa 'kin.
"Hindi na, Rose. Busy 'yon, birthday boy kasi." Tawa ko ng bahagya at hindi ipinahalata ang pagka-ilang ko.
Tinignan ko si Peach at Ria at pareho silang nangingiti habang nakatingin sa 'kin.
"Sige ate roon muna ako, binati lang talaga kita. Hintayin niyo nalang si tito." Sabi niya at tuluyan ng umalis.
"Mag retouch kana." Natatawang sabi ni Ria sabay bigay sa akin ng powder at lip tint.
Inirapan ko lang siya at uminom nalang ulit. Wala akong panahon sa mga asar nila ngayon. Limang taon na ang nakakaraan ngunit panay sila ganyan tuwing nakikita nila ako. Inaasar pa rin nila ako sa kaniya, as if naman pwede kami.
"Kanina pa kayo?" Gulat ako nang marinig ko ang pamilyar na baritonong boses na 'yon.
"Oo, si Yna kadarating lang." Turo ni Ken sa 'kin kaya pinanlakihan ko siya ng mata.
"Late siya?" Tanong ni Elias.
"Ano pa nga ba, ewan ko ba saan yan galing." Giit ni Ria at nginisian ako.
"Saan ka galing Yna?" Baling sa akin ni Elias kaya bumilis ang tibok ng puso ko.
"S-sa school." Kinakabahan kong sabi.
Bigla siyang umupo sa tabi ko at humarap sa akin. Ipinaharap niya ako sa kaniya, itinaas niya ang baba ko upang mapantayan ang mukha niya at nagka titigan kami.
"Sa school ka lang ba talaga galing?" Seryoso niyang tanong.
"Oo, sa school lang." Diretso kong sabi kahit kinakabahan.
"Okay. Wala ka bang sasabihin sa 'kin?" Ngiti niya.
"Ha? Anong sasabihin ko?" Taranta kong tanong kaya natawa siya.
"Anong date ngayon?" Ngisi niya.
"May 6." Confident kong sabi.
"And?" Giit niya.
"And..... Oo nga pala. H-happy b-birthday." Utal utal kong sabi.
"Ano ulit?" Lapit niya sa akin na ikinabigla ko.
"Ha?" Kabado kong sabi.
"Patuloy akong lalapit hangga't hindi mo inuulit 'yon." Pananakot niya at lumapit siyang muli sa akin. Sobrang lapit na ng mukha namin.
"Happy birthday, Eli." Malumanay kong sabi habang naka titig sa mga mata niya.
"Regalo ko?" Pababy niyang tanong.
"Oo nga pala." Saad ko at akmang kukunin ko ang regalo ko sa loob ng aking bag ng bigla niya akong pigilan.
"Mamaya nalang pala." Giit niya.
"Ang gulo mo." Irap ko sakanya at tinawanan niya lang ako.
"Akala ko hindi ka makakapunta." Biglang seryoso niya.
"Akala ko rin. Buti nalang maaga kaming pinauwi so, I'm here." Ngiti ko.
"Thank you for coming, Yna." Sabi niya at niyakap ako. Nagulat ako sa ginawa niya ngunit alam ko sa loob loob ko na ito ang gusto ko, at ayoko na siyang pakawalan.
Kumawala siya at tumayo na. Nag paalam muna siya sa amin at tuluyan na siyang umalis. Nakatingin lang ako sa likod niya hanggang sa mag laho na siya sa paningin ko.
"Mahal mo pa ano?" Seryosong bulong ni Ria na ngayon ay nasa tabi ko na.
"Kailan ba ako tumigil mahalin siya?" Malungkot kong sabi at nilagok ang alak na nasa harapan ko. "Mali yung tanong ko. Kailan ba ako titigil sa pag mamahal sakanya?" Patuloy ko.
"You can't force yourself to unlove someone, lalo na kung minahal mo ng sobra. 'Wag mong madaliin, Yna. I know it's hard, pero malakas ka at alam ko na kakayanin mo 'to. Nakaya mo nga ang 5 years ng wala siya diba? At alam kong patuloy mong kakayanin ngayon. Also, we're always for you." Pagpapagaan ni Ria sa nararamdaman kong lungkot.
Hindi ko alam kung bakit, pero pareho pa rin ang nararamdaman ko para sakanya. Limang taon na ang nakakalipas ngunit siya pa rin. Kahit anong pigil ko, kahit anong pang lilimot ang gawin ko ay wala pa rin. Wala, siya pa rin, at siya lang.
4 years, and I still love him. I still love Elias Tan. And I'm still hoping that one day, we can be together. Because I'm deeply inlove with him. I'm deeply inlove, with my cousin...
YOU ARE READING
The Forbidden Love (Fondness Series #1)
Teen FictionFONDNESS SERIES #1 Ever since they were kids, Yumi Nicole Alonzo and Elias Tan have already known each other because of a common cousin. They are both unaware that they are cousins too. They used to be close friends when they were young, but this ha...