Isang magandang babae na may taas na 5'2" ang nagsilang ng sanggol na babae. Masaya na malungkot ang babae, masaya sya kasi naisilang nya ng maayos ang kanyang anak. Malungkot dahil alam nyang walang kikilalaning ama ang sanggol. Dahil bunga ito ng kahalayan, pero kahit ma ganun ay mahal na mahal nya ang kanyang anak. Pinangalanan nya itong Blaze minahal at inalagaan nya ang kanyang anak. Di nya ipinaramdam dito na bunga ito ng kasalanan. Nagkaroon ng asawa ang magandang babae masaya sya kasi tanggap ng napangasawa nya ang kanyang anak. Alam din nito ang kanyang nakaraan at sobra ng saya nya. Dahil tamggap sya nito, di nagtagal ay nabiyayaan sila ng isang malusog na sanggol na lalaki at pinangalanan nila itong Bernard. Sobrang saya ng ama ng sanggol dahil may anak na syang lalaki. Si Blaze naman noong panahon na yun ay dalawang taong gulang na. Ramdam naman nya ang pagmamahal sa kanya ng kanyang amain kahit na may sarili na itong anak. Lumipas pa ng isang taon ay dinapuan ng sakit si Bernard at namatay kaya labis ang lungkot ng mag-asawa. Sa batang isip ni Blaze ay nakita nya kung paano magluksa ang kanyang mga magulang. Lalo na ang kanyang ina at sa kanyang murang edad ay iniisip nya kung anu ang magagawa nya para makatulong sa kanyang ina. Ilang buwan ang lumipas ay napag-alaman na buntis ang kanyang ina. Naririnig nya minsang nag-uusap ang kanyang mga magulang, pinag-uusapan nila kung anu ang ipapangalan sa sanggol na nasa tyan ng aking ina. Narinig kong sinabi ng aking ama na ayaw na nya na magsisimula sa letter B ang pangalan ng magiging anak nila. Dahil malas daw, baka daw mamatay nanaman kapag isusunod uli sa pangalan ko. Pagkapanganak ng mama ko sa kapatid ko ay pinangalanan nila itong Julius isinunud sa pangalan nilang mag-asawa. Si mama kasi ang kanyang pangalan ay Luisa at sa aking amain naman ay June kaya naman Julius ang pangalan ng aking kapatid. Nagkaroon pa uli ako ng kapatid pagkadaan ng dalawang taon, pinangalanan nila itong Jhonuil at may sumunod pa na pinangalanang Junisa at sa bunso namin ay Joluina kaya ang mga kapatid ko ay letter J ang simula ng pangalanan nila at ako lang ang naiiba Blaze. Di man sinasabi ng aking amain na di ako myembro ng kanyang pamilya pero nararamdaman ko sa kilos nya. Mas paborito nya si Julius at laging nasusunod ang gusto.
BINABASA MO ANG
Remembering my Childhood
RandomSa magulo kung isip nais kong magkwento kung anung klaseng buhay ng meron ako pero paano ko maikwekwento kung halos di ko matandaan ang aking kabataan. Di ko maalala kung gaano ako kasaya at kalungkot noon. Kung paano namuhay ang mga magulang ko kas...