Back to school na, it just means na simula na rin ng 10 months naming taning sapagkat we will be graduating na after 10 months. Hindi ko naman iniisip ung 10 months na yun kasi hindi ko maeenjoy ang huling chapter ng buhay ko as a highschool student 'pag ganun. Sabi nga diba, "Hindi mo maeenjoy ang buhay mo kung matatakot ka sa kamatayan." Hindi ko iniisip na kulang ang 10 months para gumawa ng marami pang memories kasama ang mga taong naging parte ng buhay ko sa loob ng napakaraming taon. Ang tanging iniisip ko lang ay punuin ang 10 buwan na iyon ng mga memories na hindi ko malilimutan at tanggapin na darating ung oras na magkakaiba na kami ng landas na tatahakin. "Paano?!" ko mapupuno ito ng memorable memories? Simple lang, trust God kasi He has plans for us ayaw man natin o gusto, iyon ang katotohanan na kailangan tanggapin. Ano nga ba ang "life"? "Life is not a reality we dream for. Hindi lahat ng bagay na gusto natin ay makukuha natin. Life is all about making good and right decisions, as well as accepting reality."
BINABASA MO ANG
Paano?!
Teen FictionBuhay ng isang Grade 10 (4th year) student. Tungkol sa iba't-ibang aspeto ng buhay lalo na sa pag-ibig. Minsan mapapatanong ka na lang, "Paano?!"