••Musika&Claude••

1 2 0
                                    

Kitang-kita ang pinaghalong kaba at saya'ng nasa mukha ni Musika. Ilang beses niya bang hiniling na mangyari ang bagay na ito?

Buong akala niya'y hindi na magkakaroon ng katotohanan ang imahinasyong lagi niyang nilalaro sa kanyang isip.

Ngunit heto ngayon ang lalaking kanyang lihim na minamahal, nakaluhod sa kanyang harapan at hinihingi ang kanyang matamis na oo upang bigyang laya ang binata sa panliligaw sa kanya.

"SIGE NA MUSIKA! PAGBIGYAN MO NA YUNG KUYA KOO!" -sigaw ni Francine, kaniyang nag-iisang matalik na kaibigan na kapatid ng binata'ng nakaluhod sa kaniyang harapan.

"WHOOO! SASAGOT NA 'YANN"

"YIEEEE KINIKILIG SI MUSIKA, NAMUMULA KA NAAA!!!"

Maraming sigaw ang naririnig niya ngunit wala na yatang mas lalakas pa sa tibok ng kaniyang puso.

"Musika, pagbigyan mo na 'ko. I'm ready to prove myself to you." -walang pag-aalinlangang sabi ng binata habang deretsong nakatingin sa mga mata ni Musika.

"Sige na, Claude. Pumapayag na 'kong magpaligaw sa'yo." -buong pusong sagot ni Musika.

Malakas na sigawan ang nangibabaw sa malawak na hardin ng paaralan. Tinanggap ni Musika ang bulaklak na hawak ni Claude bago ito tumayo.

Masayang nagdiriwang ang lahat at masayang-masaya sina Musika at Claude, nang unti-unting mahawi ang mga mag-aaral ng  pampublikong paaralan ng San Miguel.

Unti-unting natahimik ang kapaligiran, hanggang sa mamayani ang mabibigat na paghinga ni Musika dahil sa kaba, matinding kaba.

"Lola.." ang tanging salita na lamang na lumabas sa bibig ni Musika.

"Umuwi na tayo, apo. Mukhang may kailangan tayong pag-usapan sa bahay." malamig na boses ng kaniyang Lola Bina ang namutawi sa kanyang isipan.

Unti-unting bumitaw si Musika mula sa pagkakahawak ng kamay ni Claude sa kanya. Pigil ang luha ni Musika habang pasunod siya sa Lola niyang nagsisimula nang maglakad paalis.

Hinawakang muli ni Claude ang kaniyang kamay.

"Musika.. sasama ako. I will help you to explain." Umiling nalang si Musika at nagawa pang ngumiti.

"Kaya ko nang magpaliwanag kay Lola, 'wag kang mag-alala." aalis na sanang muli si Musika nang humigpit ang hawak ni Claude sa kamay niya at sinabayan siya sa paglakad.

"No, I should be more responsible now that I'm already courting you. We're still young ang I understand your grandmother."

Napangiti nalang ng kusa si Musika at deretsong tumingin sa kaniyang paanan para maitago ang kaniyang namumulang mukha.

"Salamat, Claude."

"I promise not to leave you and will protect you forever, even if you will not choose me in the future, Musika."

------------------------

PS. Musika is on Third Year of High School while Claude is on Fourth Year.

💛Musika - 15 yrs/o
❤️Claude - 16 yrs/o

Youngster's Love One Shot Story. Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon