xx
Pain comes after love.
xx
Zenny's pov
"Uy! Zenny! Happy fourth anniversary sa inyo ni John." Bati ng schoolmate ko na hindi ko close.
"Thank you." Ngumiti ako sa kanya.
Yung schoolmate ko na yun ang palaging gumigreet sa amin tuwing monthsaries or anniversaries namin pero hindi na ako nagbother na alamin ang mga details about her.
Fourth anniversary na namin ni John as a couple. Since second year high school pa nung naging kami.
"Jagi! Wait for me!" sigaw ko.
Lumingon siya na nakangiti sa akin. He stopped walking ang waited for me. Binilisan ko ang paglalakad ko papunta sa kanya.
"Hey Zen." Hinalikan niya ako sa noo at niyakap ako sa harap ng barkada niya.
"Oy! Bawal PDA dito!" sigaw ni Drake.
"Mawawala kayo sa dean's list." Banta ni Harold.
"Tumahimik nga kayo." Saway niya sa barkada niya.
"Teka! Hoy Charles! Ang tahimik mo pre ah!" kutyaw ni Drake kay Charles.
"Psh. Ge. Una na ako." Sabi niya sabay alis.
"Anong nangyare doon?" nagtatakang tanong ko.
"John naman kasi. Alam mo namang may gusto yun kay Zenny mo, nag-p-PDA pa kayo." Sabi ni Harold.
"Whatever. Sige na. Mauuna na kami ni Zenny. Bye." Umalis na kami ni John at pumunta na sa first subject namin.
We have the same schedules and courses dahil parehas kami ng hilig, photography. We capture every moments we have.
"Okay class. You will be grouped into five which means, five members per group. Here are the groupings. Discaya, Fuentes, Jacinto, Palma and Ruinas.." marami pang binanggit na pangalan si Prof. "And the last group, Serifina, Solorin, Asenci, Cruz and Sumalinog. You need to make a photobook containing the photoshoots you had. That is your requirement for this semester. Understood?"
"Yes sir." Sagot ng lahat.
"You can meet with your group now." Umalis na si Sir sa room.
Nagkaguluhan na sa room. Magkasama kami ni John. Siya yung Sumalinog at ako naman yung si Serifina.
"Jagi, sino yung mga kasama natin? Sana tatlo kayong lalake." Bulong ko.
"At bakit naman?" tanong niya.
"Mas maganda kasi magkaphotoshoot ang boys. Ganun! Basta!" sabi ko.
"Malalaman yan natin." Sabi niya.
He held my hands. Sumandal naman ako sa balikat. I felt na may tumingin sa amin ng masama pero hinayaan ko na.
"Groupmates tayo Zenny!" bati ng classmate ko sabay yakap sa akin. Ew. Feeling close.
Siya yung babaeng palaging gumigreet sa amin ni John. I've got a bad feeling about this. I don't know, girl's instinct? Maybe.
"Yeah. Can you not hug me?" mataray kong sagot.
"Sorry." Sabi niya.
"Hi. I'm--" naputol ang sabi ni John.
"I know you! Ako pala si Jalaena Cruz." Bati niya.
"Nice to meet you." Bati namin.
"Sina Mae at Geo pala absent. Kaya tayong tatlo lang yung magkikita ngayon. So, what are we going to do?" tanong niya.
BINABASA MO ANG
I'm Not The Only One
Short StoryShe wanted to be with him until their last breaths, but what if she suddenly wakes up one day knowing she's not the only one? First Part of One one shot series.