Hanep Ka!!

1.5K 5 0
                                    

Ilang araw na ang nakalipas,

Hindi ka pa rin nagpaparamdam

Ano ba ang balak mo sa buhay mo?

Hindi mo ba naisip nag-aalala ako sa iyo?

Ilang linggo na ang nakalipas,

Takang taka na ako sa iyo

Nagka-landslide ba sa inyo?

At natabunan ka ng lupa?

Ilang buwan na ang nakalipas,

Napipikon na ako sa iyo!

Wala bang signal sa inyo?

Hoy!Magparamdam ka naman!

Hanep ka!

Mag-iisang taon na at naisip mo pang tumawag,

hindi ko alam kung matutuwa pa ako sa iyo!

Akalain bang utangan pa ako???

Grabe ka!

Ilang buwan akong mabaliw-baliw!

Ni wala kang bukambibig saakin,

Kundi naubos ang pera sa aliw!

Okey ka lang?

Idaan ba ako sa lambing?

Anong akala mo sa akin sugar mommy?

Manigas ka!

Langya ka!

Okey pa ba mental status mo?

O napuno na ng nicotin utak mo?

Hindi mo ako maloloko!

Pahamak ka!

Eh ano kung mahal mo ako?

Hindi mo ako madadala sa pagpapacute mo!

Laos na yan uy!

Tanga ako!

Butas na bulsa ko!

Ano pa ba ang gusto mo?

Wala nang natira sa akin!

Pati respeto sa sarili iyong inangkin!

HANEP KA! Hanep ka!

Pasalamat ka!MAHAL KITA!

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Hanep Ka!!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon