KYST'S POV
Pinaharurot ko agad yung sasakyan at pumunta doon sa address na binigay nila. May dala kasi kaming sasakyan ni lalaki kaya hindi na kami nagsabay pa.
Pagdating ko ay nandon na si lalaki at nakabihis na. Hayp apaka bilis niya naman!
"Oh Kyst!" si Kleo na kasama ang apat at yumakap sakin. "Haloo! Happy birthday Kenj!" bati ko at ngumiti naman ito sakin. "Salamat Kyst, ang ganda mo" at hinawakan ang ulo ko.
"Bakit hindi ka nag dress beh?" si Lia.
"Wag na, hindi ako sanay non and diba sabi ko una at huli ko na iyon?" tumango naman siya "Okay baby! you still look beautiful tho" ani niya at hinila ako
papalapit kina Lax.
"Kyst! Bakit ka nandito?" si Lax ng makita niya ako. Umiinom ito ng wine habang may kausap. "Kasi may paa ako?" sarkastikong sabi ko. "Ahh talaga? buti naman" sinamaan ko naman siya ng tingin at bumalik kina Kleo.
"Bakit mo ba ako pinunta doon?" inis na sabi ko. "Hehe sorry, nag away ba kayo?" umiling lang ako sakanya. "Hindi naman, I just don't want to see his face. Lagi kong nakikita eh, nakakaumay!" pagpaparinig ko sakabila.
"Ang kapal ng mukha ng isa jan, nauumay sa gwapo kong mukha? pathetic!" sagot niya at tumawa lang ako.
"Oo nga pala kenji, yung regalo ay si Finn na bahala" ngumiti ito. "I see, binigay na ni Finn kanina. So magkasabay pala kayong pumunta sa mall?" tumango naman ako "Yes, nagpatulong kasi ako sakanya kung ano ang gusto mo sapagkat hindi tayo masyadong close" tumawa naman ito "HAHAHA okay Kyst, thank you for the effort. I appreciate it!" ngumiti naman ako sakanya at sumagot ng "Welcome!"
Umalis naman saglit si Kenji dahil winelcome niya yung iba pang bisita. Grabe mga mayayaman lahat. Nakakahiya naman. Napansin ko naman ang pagiging close nila Kleo at Cree.
"Like mo si Kle?" nabilaokan naman bigla si Kleo kahit wala namang iniinom or kinakain. "Grabe ka naman Kyst" ngunit seryoso parin akong nakatingin kay Cree. "I can't tell right now, we became friends just recently." diretsong sagot niya at tumango naman ako.
"You are acting like their mom right now Reyes" si Finn na naka cross arm na tumitingin sakin. "I'm just curious, no need to be afraid" sarkastikong sabi ko.
"And you think we're scared of you? lol" bored na sagot niya. "Well, you should now" ani ko at nilibot ang mga mata ko. Andaming tao!
Umalis nalanag ako at kumuha ng pagkain. Pagkatapos ay umupo. Mag-isa lang ako sa table kasi parang busy sila.
Bigla namang may tumabi sa akin at yung nakakatakot pa ay parang manyak!
"Hi miss!" ani niya ngunit hindi ko pinansin yun. "Wanna have time with me?" pansin talaga sa boses niya palang manyak na! "No, please leave. I'm eating" tumawa naman ito at sumagot "Then just eat me" lumingon ako sakanya at tinaasan lang siya ng kilay.
Malapit na maubos ang pasensya ko, isa na lang talaga. Masisira talaga ang party na ito.
Patuloy lang akong kumain. Bigla niyang hinawakan ang legs ko at akma pa niyang hawakan ang boobs ko. Tumayo ako ay sinipa ng malakas sa dibdib yung lalaki.
Nagsigawan naman agad ang mga tao. Nasakin lahat ang tingin nila at nilapitan agad ako ng lima.
"Kyst! What happened?" nag-aalalang tanong ni Kenji. "Kyst, okay ka lang?" sabay na tanong nila Lia.
"I'm sorry Kenji, I tried to stay calm. But this mf is a pervert! I need to go. I'm sorry" tinuro ko yung lalaki na masamang tumitig sakin at umalis.
Sila Lia naman ay parang makakapatay ng tao at akmang lumapit pa ito ngunit pinigilan siya ni Kenji. Lumabas na ako sa pintuan at bigla naman akong hinila ni lalaki.
