Chapter 21 - Raven versus Crow

3.5K 103 10
                                    

KW’s Note: Para ito sa lahat ng mga nag mamahal kay Amanda baby…

                   Thanks sa inyong lahat na sumusubaybay sa story ng GAP..

 

Kindly Vote. Share. At higit sa lahat ay lubos kong ipagpapasalamat ang mga comments ninyo.

 

 

RICHARD’S POV:

Katatapos lang namin mamili ni Darvin ng mga regalo para sa birthday ng kambal. Niyaya ko muna siyang kumain bago umuwi, ang plano ko ay ihatid muna sa condo ang lahat ng pinamili namin bago siya ihatid sa bahay nila.

“Tell me Richard, this mystery girl of yours, is she married, committed or something?” Tanong ni Darvin habang kumakain kami.

“Haven’t I made myself clear na ayokong pinag-uusapan yan”. I answered in a bored tone to dismiss the conversation.

“Come on Richard, hindi mo matatakasan ang pag-ibig”. Nakangiting sabi niya. Bigla akong napatingin sa kanya.

“That got your attention, right? Alam mo, ganyan-ganyan din ako ng makilala ko si Alexandra. Million times kong itinanggi sa sarili ko na mahal ko siya, kasi nga bakla ako. At lalaki ang gusto ko. Pero, hindi lalaki ang gusto ng puso ko eh, si Alexandra lang. Well sinubukan ko rin naman makipag-relasyon sa iba, gaya ng ginagawa mo. Pero believe me Richard It will never work. Been there, done that”. Mahabang paliwanag nito na somehow nakapag pagaan ng damdamin ko.

“How did you manage?” Maiksi pero malaman kong tanong sa kanya.

“As an individual hindi madali, parang nang makilala kita, hindi ko rin napigilan ang sarili ko, pero noon kasama ko siya walang mahirap dahil magkatuwang kami sa lahat. Dumating sa punto na si Alexandra lang ay sapat na. Hindi ko na kinailangan pa ng iba, at ng dumating sa amin ang kambal. Sobra at nag uumapaw pa, kaya naman ni minsan ay hindi ko naisip ng may kulang sa buhay at pagkatao ko”. He confesses with much genuineness in his voice.

“So, do you think we can talk about her now?” Naka ngiti niyang tanong. Bakit nga ba hindi ko pa siya tinanong noon tungkol ng mga bagay na ito.

“I guess so. She’s not married, but I have no idea if she’s with someone”. I answered his question.

“Still confused about how you feel?” He asked me again.

“Nope, right after you and I” I looked at him. Hindi na kasi iyon naulit pa at wala na akong balak ulitin pa sa kahit sinong man lalaki. Parang hindi ko kayang dungisan ang mga pinagsaluhan namin ni Amanda. Ayokong burahin ang lahat ng may kaugnayan sa amin ni Amanda. “That night, I knew it will always be her”.

“Can you at least describe her”. Parang question and answer portion kung mag tanong si Darvin. Pero sinagot ko pa rin naman ang lahat ng tanong niya.

RICHARD CROW (Guns & Perfume) - CompletedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon