(A story inspired by the song of the same title)
By: Mikejuha
email: getmybox@hotmail.com
fb: getmybox@yahoo.com
www.facebook.com/mikejuha
site: www.michaelsshadesofblue.blogspot.com
MiKE JUHA's Note :
Sino ba ang hindi nakarinig sa kantang ito ni Elton John? Bagamat nagustuhanko ito, hindi ko lubos na naintindihan ang kuwento sa likod ng kanta. Ang buong akala ko, ang kahulugan lang nito ay tungkol sa kalungkutang nadarama ng dalawang magkapatid na lalaki na nagkalayo; si "Daniel" na nakatatanda ay aalis patungong Spain samantalang ang kanyang nakababatang kapatid ay ang naghatid sa kanya sa airport. Akala ko ay ang drama hanggagn doon lang.
Ngunit may malalim palang kuwento ang nasa likod. May nakapagsabi na base daw ito sa totoong buhay. At maymga nagsabi rin na ang kantang ito ay may dalang lungkot lalo na kapag naalala nila ang mahal nila sa buhay na "lumisan" din.
Ang totoo, hindi ko alam ang tunay na kuwento. Ngunit ano man ito, siguradong nakakaantig.
Heto ang liriko ng kanta
-
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
They say Spain is pretty, though I've never been
Well Daniel says it's the best place that he's ever seen
Oh and he should know, he's been thereenough
Lord I miss Daniel, oh I miss him so much
Daniel my brother you are older than me
Do you still feel the pain of the scars that won't heal
Your eyes have died, but you see more than I
Daniel you're a star in the face of thesky
Daniel is travelling tonight on a plane
I can see the red tail lights heading for Spain
Oh and I can see Daniel waving goodbye
God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
Oh God it looks like Daniel, must be the clouds in my eyes
At heto ang gawa-gawang kuwento ko para sa kantang ito
---
-
Alas 11 ng gabi, nasa second floor kami ng NAIA kung saan natatanaw ko ang isang eroplanong ang destinasyon ay patungong Madrid, Spain.
Mainit ang panahon; nanlalagkit ang aking katawan dahil sa pawis at sa halos dalawang oras na pananatili ko salugar upang hintayin lamang ang paglipad ng eroplano. Tiniis ko ang lahat; iyon ay dahil iyon na ang huling paghatid ko kay Daniel. Iyon ang akingpangako sa kanya. At hindi ako aalis hanggang hindi nakalipad ang eroplano.
Half-brother ko si Daniel, mas nakatatandang kapatid. Actually, maituturing na panganay siyang anak ng aking inay. Noong dalaga pa kasi ang aking inay, nakapagtrabaho siya sabansang Espanya bilang isang katulong. Doon niya nakilala ang ama ni Daniel, si Felipe, ang kanyang amo.
Mabait si Felipe. At mahal niya ang aking inay. Ngunit may asawa na siya na isang Espanyola, ang kanyang amongbabae. Ibig sabihin, isang bawal na relasyon ang nasadlakan ng aking ina sa piling ni Felipe.
BINABASA MO ANG
DANIEL by Mike Juha (One Shot)
Short StoryI was given permission by sir Mike Juha to post it here, sana maiyak at mainspired din kayo sa story na toh tulad ko :) thanks sir Mike ;*