Ang Panimula

24 0 0
                                    

Pasensya kana kanina, dubandeds na naman ang dating ko, paminsan-minsan kasi bastos ako eh,

isipin mo lang sana kung pano mo mabubura sa mga isipan nila yung mali,

Tulad nung Ok lang kumain ng nakaw, o di bale na kung marumi ang katawan

E kung linisin natin, yung mga taong nagparumi sa kanila?

Unang-una. isa-isahin ko sayo,


unang-una si tambok, si tambok yung nanay nya nagkaroon ng kabit,.Pinatigil sya sa pag-aaral, pagkatapos ginawan syang alila, binubogbog araw-araw, tama ba yun?
Pangalawa si loleng, yung yung nanay nya sumama sa Hap....

isang malakas na sigaw ang narinig ni Evan sa may dako ng bintana na nasa likuran nya lang, narinig nyang may tumatawag sa kanya,

Ate! Ate Evan! ate! Ev-....

Ano!

nagulat naman si Tina bunsong kapatid ni Evan, dahil sa isang madilat at matalim na tingin ang ipinakita nya kay tina,

A-at-te, ang Ate, A-at-te, Ang, 
(stammering way)

Ano nga!

Ate, ate, ate,

humahagulgol na pag sasalita ni tina na tila di alam kung ano ang sasabihin,kung pano nya sasabihin, dahil sa natatakot sya.

Isang ate pa, tina Aatiin ko katawan mo,

ate kasi sila mama at papa nabubunuan sa tapat ng bahay,

sambit ni tina na pinupunasan ang mga luha sa pamamagitang ng Paa, keri? biro lang, syempre sa pamamagitan kanyang mga kamay, na may uling pa, 
natawa naman si Evan dahil sa mukha ni tina na di maipinta dahil sa uling na nasa mukha nya, at tinalikuran nya si tina na tumatawa parin, at ipinagpatuloy ang panonood ng telebisyon,

MAGIGING MANDUROKOT,MAGNANAKAW, HOLDAPER? NAGPAPALAKI KA NG MGA KRIMINAL?

TAMA NA! ALAM KO MARAMI KANG SEK.....

ATEHHHHHHH!!!!

muling sumigaw si tina ng napakalakas, at dinaig pa ang pombero,

ANO BA!

muling napatahimik si tina at pinakitaan ng isang nakakaawang mukha ang kanyang ate, 
napapikit na lang si Evan at nilisan ang sala, at iniwang nakabukas ang telebisyon, 
madali syang bumaba sa hagdan na may 55 na hakbang,
di sampo lang, 
agad na tumakbo si tina palabas na sinusundan naman ni Evan,

malayo pa lang natatanaw na ni evan ang kaguluhang nangyayari napapaligiran ng mga kapitbahay,
Pumagitna si evan, at biglang natahimik ang lahat maging ang mga nasa palibot,

isang malalim na buntong hininga ang ginawa ni evan, 
sa sobrang lalim nito ay pwede ka ng malunod, 
nagtinginan silang tatlo,

Tina lumapit ka,

utos ni evan kay Tina na Nanginginid parin, at umiiyak, agad naman lumapit si tina, 
yumuko ng kaunti si evan, napa atras naman si tina, at muling lumapit, bumulong si evan kay tina, agad naman tumakbo si tina.
nababalot sila ng katahimikan, huni ng ibon at hangin lang ang naririnig nila, at matatalim na tingin, 
mga ilang minto pa ay nakabalik na si tina na may dala-dalang Itak? dalawang itak, agad na ibinigay ni tina. ang mga eto sa ate nya na si evan, 
inilapag ni Evan ang mga itak sa harapan ng kanyang mama at Papa,

Maging Beki Ka ManTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon