KARAPATAN
**
"Tulala ka nanam--"
"Aw!"
Muntikan na kong mahulog sa high chair na inuupuan ko dito sa sa science lab nang itulak ako ni Cleo. Buti na lang hindi ako na out of balance dahil siguradong mauunang humalik sa lupa ang mukha ko.
"Hay Naveen. Simula ng nalaman mo'ng nag-enrol ulit si Xylem, ganyan ka na."
Hindi ko siya pinansin. Nag-patuloy na lang ako sa pag-kopya ng lectures sa white board at nag-panggap na walang naririnig. Tahimik ang lahat at si Cleo lang ang makapal ang mukhang magsalita ng magsalita.
Monday na ulit. Nakapag-klase na ko at lahat, natapos na ang kontrata ko sa work ko at nakapag-apply na ko ng bagong partime pero inaamin ko na hanggang ngayon hindi ako maka move-on sa binalita nitong si Cleo last week. Ewan ko ba kung totoo o nang-aasar lang siya. Kung dito na nga nag-aaral yun, sana last week ko pa nakita kahit anino man lang niya.
"Nung lumabas siya ng registrar ng may hawak na enrolment slip, grabe ang hiyawan ng mga kababaihan."
I rolled my eyes in the air. Anong pake ko kung pinagkaguluhan siya ng mga babae?
Yumuko ako ulit para kumopya. Yung prof namin na nasa harap ay parang walang pakealam na nag-iingay 'to si Cleo sa tabi ko. I swear, pag mamaya nakaramdam yan baka mapalabas kami ng laboratory.
"Tapos alam mo 'yon Nav, kahit asar ako nung nakita ko siya, ang gwapo pa din talaga ng hayop. Hindi ko maitanggi na makalaglag underwe--"
"Pwede manahimik ka na?"
I finally cut her off. Sumulyap ang ibang katabi namin sa long table dahil sa medyo malakas kong boses. Tinawanan lang ako ni Cleo.
Honestly, wala talaga akong pakealam kung luhuran siya ng bawat babaeng makakasalubong niya. Lahat ng pake ko ay lumipad na kasama niya ng bigla na lang siyang naglaho sa paningin ko two years ago. Hindi na ko dapat maapektuhan, tapos na. Tapos na tapos na.
"Oo nga eh. Nakita ko siya kahapon sa gazebo. Hindi pa rin talaga kumukupas ang kagwapuhan nun ni Xylem no?"
Bahagya akong siniko ni Cleo habang nakikinig sa nag-uusap naming classmates sa likod. She lean closer to me at bumulong.
"Sabi sayo eh."
"Tss. Ano namang pake ko?"
Gets ko na. Gwapo talaga. Oh, ano naman ngayon? Noon pa naman gwapo na ang gagong 'yon eh. Matangkad, mapungay ang mga mata, matangos ang ilong, mahaba ang eyelashes, mapula ang labi. In short, diyos! Diyos ng ka-gwapuhan.
Thank God natapos ang biology namin ng hindi kami nasisipa palabas ng lab. Mabuti na lang aloof din yung prof kaya hindi napapansin ang mga nagk-kwentuhan.
Naunang umuwi si Cleo sa'kin. Kailangan ko pa kasing daanan yung uniform ko para sa bago kong partime job sa isang coffee shop. Everyday ang schedule ko dun, 7:00-11:00. Pwede na rin. Sayang nga at hindi ako pwede ng fulltime eh.
"Good evening Sir!"
Binati ko kaagad si Sir Clark na nasa tapat ng computer sa loob ng quarters. Nag-angat siya ng tingin at ngumiti sakin.
Ito ang definition ko ng gwapo. Good looking, stable, at mabait. Swerte din talaga ko minsan eh.
"Naveen. Have a sit. Kukunin ko lang ang uniform mo sandali."
"Sige Sir."
Para akong isang masunuring bata na agad umupo malapit sa table niya. Damn it Naveen, ang landi landi mo.
Last week nung nag-apply ako for cashier ay sobra akong natulala habang ini-interview ako ni Sir Clark. Ewan ko ba. 26 na siya at stable kaya mas lalo akong naaa-ttract sa kanya.
Bumalik ako sa realidad ng nilapag niya ang uniform ko sa lap ko.
"Start ka na sa Wednesday ha?"
Kinagat ko ang ibaba kong labi at tumango ng nakangiti kay Sir. Oo naman, papasok talaga ko sa miyerkules para makita ka Sir.
"Um! Una na po ako Sir. See you sa Wednesday po."
Fuck this I just said that? See you sa--? Agad akong tumalikod at pumikit ng madiin sa sinabi ko. Irresponsible mouth Naveen!
"Okay. See you."
Hindi na ko lumingon ulit. Mabilis kong naglakad at halos takbuhin ko na ang glass door ng shop makaalis lang sa puder ng gwapo kong boss.
Breath in breath out.
Breath in breath out.Pumikit ako ng mariin bago magsimulang maglakad pabalik sa bahay. Grabe yung encounter na 'yon, sa Wednesday kaya kakayanin ko?
Pasado alas siete na ng makauwi ako sa bahay. Patay na ang ilaw at paniguradong tulog na si Cleo. Kumain kaya 'yon? Baka inuna nanaman niya ang matulog kaysa pakainin ang mga alaga niya sa tiyan.
Lumapit ako sa ref at kumuha ng tubig. Napatingin ako sa saradura at nakita ang isang maliit na kulay pink na sticky note doon.
Kumain ka na tapos magpahinga ka. Kailangan magandang maganda ka sa pagkikita niyo ni Xylem. Tigan ko lang kung di manghinayang yun. Goodnight. - Cleo
Dahan-dahan ko'ng inilapag ang baso sa lababo bago lukutin at itapon ang note ni Cleo. Appreciative akong tao kaya kahit simpleng note ay tinatago ko, but not that one dahil tungkol 'yon kay--
Umakyat na ko sa kwarto at naligo na bago humiga sa kama. Isang araw nanaman ang natapos. Nagpapasalamat pa din ako na hindi ko pa siya nakikita nitong mga nakaraang araw. Pero tama si Cleo, malaking-malaki ang tyansa na magkita kami anytime. Pwedeng bukas, sa isang linggo o sa isang buwan. Hindi ko alam kung anong dapat kong maramdaman, at anong dapat ko'ng sabihin kapag nasa harap ko na siya. Susumbatan, aawayin, sasampalin? Hangga't maari ayoko na. Sapat na ko sa buhay na hindi nagagalit at nasasaktan. Dalawang taon din akong nahirapan, siguro naman karapatan ko na ngayon na maging masaya.
**
BINABASA MO ANG
Thesis Love
General FictionThesis project. With your ex. Topic: Marriage. Great, just great! This will be the end of me. - Naveen Dela Cruz