Chapter 20

98 2 1
                                    

Chapter 20

Sobrang nipis

•••••••••••••••••••••••••••

Hindi ako makapagfocus sa pagpopose dahil sa mga matang nakatingin sakin. Hindi inaalis ni Brayden ang mga mata nya sa katititig sakin. Mga 20shots pa ang gagawin nang tumayo sya.

"Mike, ako na muna kukuha sakanya. Magpahinga ka muna" ani Brayden sa photographer.

"Ay Wag na sir. Nakakahiya po. 20shots nalang naman eh" ani Mike.

"Let me, Mike." ngiti nya. Wala nang nagawa si Mike. Umupo na siya at narito sa harap ko ngayon si Brayden.

Nangingiti si Brayden. "Okay Marionne, I want you to swim mula roon hanggang dito tapos umahon ka. Wag kang titingin sa camera hah. Just do what you want after mong sumisid." utos ni Brayden. Tumango lang ako at pumunta sa kabilang side ng pool. Naka black two piece na ako ngayon na may ibat-ibang kulay ng beads. Okay lang sakin dahil nasa pool naman ako.

Bumilang si Brayden at sumisid na ako. Pagkadating ko sa harap nya ay nakaabang syang kumukuha ng pictures. Agad naman akong nagpose kahit hindi ako tumitingin sa camera gaya ng sabi nya. Inayos ko ang buhok ko, tumingin ko sa paligid at tubig at kung anu ano ang pinaggagagawa ko. Paakyat na ako sa pool ladder wearing this two-piece swim suit. Arg! Medyo naiilang ako pero keri lang.

Go Marionne! Kaya mo yan! Ilang minuto nalang oh.

Pagkaahon ko ay nakita kong nakaawang ang bibig ni Brayden na nakatingin sakin. Hindi sya nakatingin sa camera. Sakin lang, at diretsong nakatitig. Tumikhim ako para madistrak sya. Agad naman nyang nabawi iyon at binigay ang camera kay Mike.

"O-okay na." sabi nya pero hindi na nya ko muling tinignan.

Lumapit sakin si Gerlie hawak ang robe. Ngumisi siya. "Magkaibigan lang ba talaga kayo ni Sir Brayden?" tanong nyang nanliliit na mga mata.

"Hah? Oo naman . Schoolmates ko sila sa Allegany." sabi ko lang at isinuot ang bigay nyang robe.

Hinagilap ng mata ko si Brayden, may ibinulong sya sa isang nakaformal na lalaki. Tumango naman ito at umalis. Bumaling sya sakin at ngumiti.

"Magmiryenda muna kayo. Magpapahatid ako ng snacks nyo rito."aniya. "Wala ba kayong after-party mamaya Mike? Nasaan si Ariany?" baling niya kay Mike.

Natatarantang sumagot si Mike. "Ahmmm, paparating na raw po si Mam Ariany, sabi po ni Sir Ralph baka hindi napo matuloy ung after-party Sir." sagot nito.

"Bakit hindi?" ani naman ni Brayden

"Hind daw po nahabol yung reservation sa dun sa Eternity hotel" sagot lang nito.

"What? Hmmmm. Okay. Sabihin mo sakanila, ituloy yung after-party. Dito nalang sa hotel. Ako na ang mag-i sponsor." sagot ni Brayden.

Nagbunyi ang lahat ng staff. Napatingin si Brayden sakin. "You should come." aniya at umalis na.

Nagulat ako sa sinabi nya. Kasama ako?

"Girl! Hayy ang bait talaga ni Sir! So panu yan, hindi kana uuwi?" natatawang sabi ni Gerlie.

Hindi pwde! Magkikita kami ngayon ni Kevin!

"You wont say no Marionne. That's our boss' order. Paniguradong dito kana matutulog sa hotel. Iniisip ko palang na sa BMM hotel ako matutulog ay naeexcite na ako eh!" sabay tirik ng mata nya. Nakakatawa ang baklang to' hahahaha.

Perfectly In Love (NZ1 -Completed)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon