Prologue
_____''*****''_____Napadpad ako sa madilim na kagubatan dahil sa takot na baka mahuli ako ng mga taong gusto akong patayin. Takbo lang ako ng takbo dahil sa pagkakataong ito hindi ko magagamit ang aking mahika.
Dahil lalo lang mapapaniwala nila sa ibang tao na hindi ako pangkaraniwan. Hindi ako tao lalong hindi naman ako hayop. Ang kaibahan lamang ay may mahika at abilidad ako na hindi mapaniniwalaan sa mundo ng mga tao.
Hingal na hingal na ako sa kakatakbo, hindi alintana ang mga sugat na natamo ko sa mga halamang may matutulis na bagay at tumigil na ako sa kakaiyak.
I can't feel the presence of the people here kaya huminto na ako sa kakatakbo. Nilibot ko ang aking paningin. Madilim na dito at parang iba ang aking nararamdaman sa lugar na ito. Basta ang mahalaga nakalayo na ako sa kanila.
Hindi ko sila masisisi dahil halimaw ako, ika nga nila. Hindi ko alam kung bakit naiiba ako sa mga tao dito. Pero hindi makatarungan na patayin na lang ang mga magulang ko.
Naiisip ko nga na merong taong nag eksperimento sa akin para maging ganito ako pero napaka imposible. Walang taong may kakayahan para lumikha ng mga bagay na makapag gawa sa taong magkakaroon ng mahika at hindi pangkaraniwang abilidad.
My parents died just a minute ago at sinisisi ko ang sarili ko sa pagkamatay nila. Masaya ako at sila ang naging magulang ko kahit nalilito ako sa aking katauhan. Salamat sa inyo Mom Dad.
Umupo ako sa malaking bato at pinikit muna ang aking mga mata dahil sa pagod at hapdi na nararamdaman ko sa aking paa.
"What I'm going to do now. I'm nowhere to go. I'm homeless and I'm alone" Bumuntong hininga ako ng dalawang beses. Nilanghap ang hangin at pinapakiramdam ang buong paligid.
Gayon na lamang ang aking pag tayo ng may naramdaman akong kakaibang lakas na presensya. Hindi ako gumalaw at pinakiramdam lamang ang paligid na baka may susugod sa akin na nilalang.
Napatuwid ako ng tayo ng may bigla akong nakita sa gilid ng aking mata. Tinitigan ko ito mula sa malayo. Nanlaki ang aking mga mata ng makita ko ang isang babae na bumagsak mula sa taas.
Pupuntahan ko sana ngunit napatigil ako sa lalaking dumating. Lahat ng suot nito ay itim. Para syang isang kadiliman. At iba ang nararamdaman ko sa nilalang na iyon.
Hindi pa nakakatayo ang babae dahil nanghihina ito. May takot sa kanyang mga mata na nakatingin sa lalaki.
Bumilis ang tibok ng puso ko ng marami pang may dumating na katulad ng lalaking nakaitim. Pula ang kanilang mga mata, parang katulad ng mga uwak at ito'y nakakatakot.
Lalo silang lumapit sa babae. Tinaas ng naunang lalaki ang kanyang kamay at itinuon sa babae. May lumalabas na itim na mahika sa palad nito. Katulad ko sila may kapangyarihan. Bago pa nito mailabas ang itim na mahika tumakbo na ako para protektahan ang babae. Gumawa ako ng shield at nilabas ang mahika na hindi ko inaasahan.
"MINAH!" Isang sigaw mula sa taas ang aking narinig.
"Miss" Aniya ko ng makalapit ako sa kanya. Isag pwersa ang nagdulot sa pwesto namin ng makalapit ako sa kanya. Naglaho ang mga nakaitim parang nawala na parang bula. Naglaho sila na parang naging abo ang kanilang mga katawan. Malakas na hangin ang dumulot dito.
Hindi ako makapaniwala na nagawa ko iyon. Sa isang iglap lang nabura sila.
"S-sino ka?" Nauutal na sabi ng babae. Tinulungan ko syang makatayo. Muntik na kaming matumba dahil sa sobra nyang panghihina na hindi nya nakaya pang tumayo. Mabuti na lang at nagamit ko aking mahika ng hangin upang tulungan syang makatayo ng maayos.
"Ako si Adha" Isang ngiti ang binigay ko sa kanya. She look at me amused. Parang hindi makapaniwala na may isang napakagandang babae na kanyang nasilayan.
"Saan ka nagmula at paano mo nagawa iyon?" Napatingin ako sa aking likuran. Napagitla ako dahil mga kalalakihan ang mga ito. Isa lamang ang babae. Ang babae ang nagtanong dahil boses babae iyon at sya lamang ang babaeng kasama nila. Maganda ito at balingkinitan ang katawan. Maputi at medyo singkit ang mata. I see, chinita.
Tinuro ko ang daan kung saan ako nang galing. Tiningnan naman nila ito napakunot ang noo. Lumapit ang isang lalaki sa amin at binuhat ang katabi kong babae na tinawag nilang Minah. Hinayaan ko lamang sila na lumayo na sa akin.
"Hindi ka isang mortal"
Isang salita ang narinig ko sa unahang lalaki. He's intimidating at nakakatakot kung tumingin.
"May mahika ka at hindi ka nararapat sa mundo ng mga mortal " Sabi naman ng nasa tabi nito.
"Sumama ka samin" Sabi ng lalaki na nakakatakot kung tumingin. Humakbang ito at lumapit ng tuluyan sa akin. Hinawakan nito ang palapulsuhan ko. Tumingin ito sa mga kasamahan nya at tumango.
Hindi ko inaasahan na may isang portal ang bumungad sa aming harapan at yon na ang huli kong alam dahil sa pagpasok pa lang naming dalawa may iba akong naramdaman at nawala na ako ng ulirat.
_____________
_____________________--------- JustReenX---------
____________
___________________Isa lamang itong imahinasyon ng aking isip. Kung meron mang kapareha sa kuwento ng iba, nagkataon lamang iyon.
Huwag sanang gayahin o kopyahin ang kuwentong ito. Sayonara!!!!
Sa kasalukuyan wala pa akong cover para dito. But I'm looking forward for it.
Main Character:
Almina Dhamia "Adha"
Chiro Zeus Ezekiel
YOU ARE READING
The Kingdom Of Fantasy
FantasyIsang binibini na napunta sa kakaibang mundo. Lugar na may kakaibang kakayahan na hindi mapaniniwalaan. Mga kathang isip lamang na nag e-exist para sa mga tao. Mga kuwento na hindi pinaniniwalaan ng mga ito. Ang binibining ito ay hindi na bago para...