Nakangiti ako habang nakatingin sa harapan kong salamin. Nakikita ko ang maganda kong repleka. Tiningnan ko si Mommy. Nakangiti sya habang sinusuklayan ang mahaba kong buhok.
"Mommy pano ko malalaman kung sino ang mga tunay kong mga magulang kung hindi nyo naman sa akin sinasabi kung ano ang kanilang mga pangalan"
Nakangiti pa rin ito at tumingin na sa repleka ko sa salamin. Hinawakan nito ang aking kwentas na nakasabit sa aking leeg. Isa itong maliit na dyamante. Kulay berde ito at napakagada ang disenyo ng kwentas.
"Ito ang susi sa mga katanungan mo anak. Malalaman mo rin sa takdang panahon"
"Mommy buhay pa po ba sila?"
"Hindi ko alam anak pero sana buhay pa sila"
Hinaplos haplos ko ang kwentas. Hinihiling na sana ay itungo nya ko sa mga tanong sa aking isipan.
****
"Anak tumakbo ka na"
Tinulak na ako ni Mommy para makalabas sa bahay. Nalaman ni Auntie Cecil na kapitbahay namin at ang asawa nitong isang kapitan tungkol sa aking kakayahan. At gusto nya akong mamatay dahil isa daw akong halimaw. Pinagsasabi nito sa iba kaya tinutugis na nila ako.
Kitang kita ko kung paano nila binaril si Daddy habang akap akap ako para lang maprotektahan ako. Gustong gusto kong gamitin ang mahika na meron ako pero pinagbabawal ni Mommy at Daddy. Hinding hindi ko daw ito gagamitin laban sa mga tao.
"A-anak mahal na mahal ka ni Daddy!"
Lumalabas ang dugo sa kanyang bibig at yon ang nagpasakit sa aking puso na nahihirapan na si Daddy. Naluha ako at wala itong tigil sa pagtulo.
"Mahal na mahal din kita Daddy"
Bumagsak ang katawan nito sa lupa at bago ako mahatak ni Mommy nahalikan ko na si Daddy sa noo nya. Umiiyak ng todo si Mommy habang tinatanaw ang walang buhay na labi ng aking Daddy.
"Tumakbo ka ng mabilis anak."
Nasa gubat na kami pero walang tigil na hinahabol pa rin kami ng mga tao.
YOU ARE READING
The Kingdom Of Fantasy
FantasyIsang binibini na napunta sa kakaibang mundo. Lugar na may kakaibang kakayahan na hindi mapaniniwalaan. Mga kathang isip lamang na nag e-exist para sa mga tao. Mga kuwento na hindi pinaniniwalaan ng mga ito. Ang binibining ito ay hindi na bago para...