BadReminisce (March 14, 2015)

264 14 9
                                    

Date: 3/13/15

Penname: BadReminisce

1.      Introduce/describe yourself…

-          Hi. They call me Amiel or Roro, I’m 21 years of age, graduate of Food and Service Management Course and now a Future teacher. I am a fan of anime and Taylor Swift. I’d love to write romance-comedy novel and a tragic story too. Yun lang hahaha di ako suplado :D mabait ako Lol.

2.      When did you start writing?

-          I started writing stories wayback in highschool. Sa yellowpad pa ko nagsusulat non tapos binabasa ng mga classmates ko. Then when I enter college, huminto ako tapos 2012 nagsulat ako sa wattpad. Seasonal lang ang pagsusulat ko depende sa mood at sa flow ng utak ko. :D

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          BadReminisce is my pen name which as you may see it is really sounds so dramatic, at dramatic talaga. Pero di ko na pwedeng sabihin ang story :D pasensya.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Nabasa ko yung e-mail nila pagkagising ko kasi ugali kong i-check ang e-mail ko kada umaga. Of course nakakaba tapos unbelievable, it takes a couple of minutes bago nag-sink in sa utak ko at bago ko reply-an ang message, Hahaha but first of all, I thank God. :D

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          My life, my experience, my problems, my interest and my enjoyment. All of my stories are all about me. :P

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Search your soul first, haha hindi por que may naisip na akong plot hala sige sulat na. Maraming proseso. Una, characterization, pangalawa, conflict of the story, sometimes may 2 o 3 akong conflict, pangatlo twist, then ending. Minsan para mainspire ako naghahanap ako ng mukha ng taong idedescribe ko para sa characters ko at namamasyal para sa mga scenes ko. Tapos playlist ng story ko :D

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          Basa, tango, close tab. Ngiti hahaha wag pansinin ang negative feedbacks at i-welcome ang positive vibes hahaha XD

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          Maging film director. :D

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Wala naman. XD

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-          Eros Atalia, Bob Ong, Marcelo Santos III.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-          Be observant sa paligid mo. Haha yan yung sabi ng teacher ko noon at sa ganung paraan makakagawa ng isang scene sa kwento. Sometimes sa pictures, sa movie, sa anime and sometimes sa kwento ng ibang tao na nakakarelate ako. XD

 

12.  Titles of your published and to be published book…

-          Hear Me so soon…haha yan pa lang…yata XD

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Wala. Sila yun eh, everyone has a different interpretations sa isang bagay. So I do respect it they find Wattpad is the cause of teenage pregnancy Hahahah.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Still, drama and tragic stories.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Payo, uhm bukod sa tyaga at pagbabasa pa. Wala na, kasi may kanya kanya namang kakayahan ang bawat isa eh. Ganun lang and of course stay with God all the time.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon