09: As if its my last

62 8 19
                                    

Jared's POV

"Ano? May nalaman kayong info?" Agad na tanong ni Harold pag-kadating na pagkadating nila Jennie at Yuan.

Halatang...walang nangyari dahil sa awra ng mga pagmumukha nila, para bang...may nangyaring tama at may nangyaring mali.

Yung expresion ni Yuan, alam kong laging seryoso at alam mong parang malungkot. Pero ngayon, parang nababasa ko.

Hindi sila nag tagumpay sa ginawa nila'

"Nahuli kami." Salita ni Jennie ng dumating sila

"Paano?" Tanong ni Lira

"May nakarinig saakin na kinakausap si Moira kanina," Ani nya

"Ano? Eh wala nga akong naririnig kanina? Paano yun?"

"Tangina! Hindi ko pala hinawakan kanina yung buds." Napasabunot si Jennie sa buhok nya at parang, nag wawala sya dahil sa nangyari

Nalipat ang tingin ko kay Yuan na nakatayo lang

"Kasama mo ba si Yuan, pumasok don sa casino hotel na yon?" Tanong ko

"Hindi, pagkababa ko lang. Enescortan ako ng mga body guards, pagkatapos bumalik sya. Saktong hinuli nila 'ko." Sagot naman nya

"Pahingi ka ng tubig!" Sigaw nya at agad naman syang binigyan ng bottled water ni jansen

"Tumakbo ako ng mabilis, as if its my last." Napairap sya at ininom yung water

"Ngayon? Alam na nila, paano kung nasundan kayo?" Tanong ni Jerald

"Walang nasundan, yung pinasa kong ressume nilagay ko don na taga Pilipinas ako. I'm sure, hindi nila ako mahahanap dahil medjo malawak naman tong City. Hindi din nila alam na student ako, at alam kong sa pilipinas sila mag hahanap." Sagot naman ni Jennie sa Tanong ni jerald

"Mautak ka." Nagsalita si Attorney Cruz kaya naman napatingin kami sakanya, nakatingin sya sa ibang dereskyon habang seryoso ang mukha. Nilalaro yung lighter na....kanina ko pa napapansin na nilalaro nya

Tumayo ito at pumunta dito saamin

Tumingin sya kay Yuan at tinanguan nya ito, ganun na din si Yuan bilang tugon sa tito nya

"Wag kayong mag alala, may impormasyon naman na akong dala. Hindi nyo na kailangan gawin ang mga ganyang bagay, mga bata lang kaayo aat hindi safe para gawin ang mga ganyan---"

"Sino si Detective Seventh?" Takang tanong ni Jennie ng lumapit sya dito sa table at hinawakan yung brown enevelope

"Hindi kilala yung nag send saakin nyan, pero alam kong makakapagkatiwalaan sya." Sagot naman ni Attorney

"Hindi kilala? Imposible, kung hindi yan kilala. Hindi nya yan isesend sayo, hindi naman nya alam na nag hahanap ka ng impormasyon tungkol sa laboratory case na pinag iimbistigahan namin." Natahimik si Attorney at ganun din kami.

Parang nawalan kami ng mga boses dahil sa katahimikan, walang gustong mag salita, tingin lang ang nagagawa namin

"Hindi ko kilala si detective seventh na nag send saakin nyan, nakita ko lang yan sa table ko. Kung ayaw mong maniwala, pwede kang pumunta sa office ko." 

"At bakit?" Tanong ni Jena, parang...nag uusisa sya?

"Kase nandoon yung secretary ko nung pinadala yan." 

"Naka parcel packaging pa nga yan kanina. Tinangal ko lang." Ani pa ni Attorney

"Sandali nga, ano bang ginagawa mo Jennie? Parang inuusisa mo na si Attorney Cruz." Napatingin ako kay Jicel ng mag salita sya

Detective SeventhTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon