Azcharl (March 14, 2015)

166 10 2
                                    


Date: 3/14/15

Penname:  Azcharl

1.      Introduce/describe yourself…

 

-          Call me Az. Ten percent na mabait, ninety percent na maldita. Tsinita raw. I’m a future librarian na magpapatayo ng sariling library na kama ang nakalagay instead of upuan. Ayaw ko ng taong abusado, mayabang at mapangmata sa kapwa. There’s two things I value in life, God and Family.

2.      When did you start writing?

-          As far as I remember, I started writing when I was in sophomore high school. I wrote poems, scripts, and short stories. Na-inspire akong magsulat dahil sa sinabi ng isang guro ko na I can be a good writer someday. Iyan naman talaga di’ba? You need someone to inspire and to make you realize na ay I want to be a writer. Gusto kong magsulat dahil may naka appreciate sa naisulat ko.

3.      Nakakapagod pala mag-English. Kaya… saang tadyang mo hinugot ang penname mo? Ano ang problema mo?

-          Azcharl- Az came from my favorite female anime character, Azmariah. Charl is from my real name Charlyn.

4.      Ano ang naramdaman mo noong kinontak ka ng LIB o noong nalaman mong na-approve ang story mo? Alam kong masaya, pero ano ang kuwento?

-          Pffft. To be candid, I never expected na matatanggap ang manus ko dahil nagpasa ako without expecting na ma-approved ‘yun. Nagulat na lang ako nang biglang may tumawag sa akin na approved na raw manus ko. Kung ano ba complete address ko. Kaloka dahil hindi ko pa sana sasagutin ang tawag dahil unknown. Haha. Minsan naiisip ko, paano kung hindi ko talaga sinagot yung tawag? Hahaha. Anyways, kagulat lang dahil that was my very first manus na pinasa at approved agad without any revisions and such.

-          P.S. Tumalon ako sa labas ng computer shop namin after ng tawag para matanggal yung panginginig ko. Haha. Pinagtitinginan ako ng ibang tao pero wapake. Haha.

5.      Sino ang nagtulak, nanadyak, bumugaw sa 'yo na magsulat? Sino ang mga inspirasyon mo sa pagsusulat?

-          My teacher. Syempre sarili ko. I really wanted to write since then. I was inspired to write whenever I read awesome books of various awesome authors. Sinabi ko sa sarili ko na I want to be like them. I want to write stories like them. I want to become an author. I want a book with my name as a writer in the title page. I want to catalog my own book with my own classification number and cutters number. I want my signature to become an autograph.

6.      Ano ang routine mo o writing process mo o ritwal mo bago magsulat? Paki-describe, briefly.

-          Pfft. Wala. Kapag maganda mood, magsusulat ako kahit may exam pa ako later. Maganda mood ko eh.

7.      Paano mo tini-take ang mga negative comments/feedbacks sa mga story mo—kung meron man? (Sumagot ng nobela, at least 10 chapters. Joke lang.)

-          So far, wala pa akong natatanggap na negative comments sa story ko. Haha. Ang weird nga eh dahil gusto kong magkaroon ng basher then papatulan ko siya. Ipapatikim ko sa kanya ang pagging ninety percent maldita ko. Hahaha. About naman sa feedbacks lalo na kapag galing sa editor, sinusunod ko. Haha. Iyon gusto nila, eh di sundin.

8.      Bukod sa pagiging writer, ano pa ang isa mga pangarap mo?

-          I want to become an Archeologists and Astronomer. Haha. I love science. I want to explore the world. Sabi ko nga, kapag may pera na ako, kukuha ako ng Archeology sa UP. Sa ngayon, kontento na muna ako sa panonood ng mga discover channels.

9.      Meron ka bang paboriting libro na minsan ay naisip mong ikaw na lang ang nagsulat? Ano 'yon at bakit?

-          Harry Potter! No need to explain why.

10.  Sino ang mga hinahangaan mong Filipino writers? At ano ang impluwensiya nila sa pagsusulat mo ngayon?

-Luwalhati Bautista. Nosebleed ako sa tagalong niya. Ang daming simbolismo sa mga naisusulat niya.

11.  Saan ka kumukuha ng mga inspirasyon sa mga plot mo? (Hindi ko ito ipagkakalat, pramis.)

-Sa utak ko? Hahaha. Wala akong inspirasyon sa mga plot ko. Kapag may pumapasok sa utak na sa tingin ko ay magandang plot, sinusulat ko iyon para hindi ko makalimutan.

12.  Titles of your published and to be published book…

 

-          The father of my child- Stbp

 

13.  Ano ang side mo doon sa mga nagsasabing dahil sa wattpad ay marami na ang nabubuntis at nag-aasawa ng maaga?

-          Pfft. Huwag nilang sisihin ang wattpad sa kalandian nila. Kahit naman hindi pa sikat ang wattpad ay marami nang nabubuntis ng maaga dahil malalandi sila. Kalandian ang dahilan kung bakit sila nabuntis nang maaga. Chuchu pa more kasi.

 

14.   If you will be given a chance (alam kong may chance naman talaga) to step out from your comfort zone, anong klaseng istorya ang isusulat mo?

-          Erotic novel, though I’m starting to write one already (insert grin here). At gusto ko ring magsulat na story na puro mura. Joke. Haha. Mumurahin ko mumurahin yung mga taong bwisit at nakakakulo ng dugo.

 

15.  Payo mo sa mga aspiring writers?

-          Read a lot and write. If you’re just starting to write now at konti pa lang ang reads ng gawa mo, huwag kang ma stress o manliliit sa sarili mo. Hindi naman kasi agad-agad na madidiscover ang gawa mo pero kahit ganon, huwag kang tumigil sa pagsulat. Ako rin kasi, naranasan ko yan. Yung feeling na “Ay, hindi ako magaling dahil hindi milyon reads ng story ko.” Pero nagsulat pa rin ako. Isa sa mga ginawa ko para hindi ma stress ay hindi ako tumitingin sa what’s hot. Kapag nagbubukas ako ng Wattpad, deritso ako sa newsfeed, profile, at works. Hindi ko tinitingnan yung mga kwentong maraming reads dahil nakakaramdam ako ng self pity. Hahaha. At hindi ko kino-compare ang gawa ko sa gawa nila, yung reads ng story ko sa kwento nila, yung number of followers ko sa follower nila dahil lagi kong sinasabi ko na hindi ako napadpad sa Wattpad para I compare ang sarili ko sa mga well established writers doon kundi para magsulat nang magsulat. Hahaha.

Interview With The LIB WritersTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon