Tulog si Hank magmula pa kanina. Napatayo ako ng may kumatok sa pintuan, baka ang nurse yon para tignan ang kalagayan ni Hank. Pagbukas ko ng pinto si Basilio ang nakatayo rito.
"Bakit ka na andito?" tanong ko pero hindi ito sumagot tumingin sya sa leeg ko kung saan naka sabit ang kuwintas ko. Sa sobrang bilis ng pangyayari bigla nya na lang hinawakan ang leeg ko saka pumasok sa loob ng silid saka sinara ang pinto.
"Basilio, nasasaktan ako.." sabi ko habang pinipilit na alisin ang kamay nya sakin. Idiniin nya ako sa pader, ni walang malay si Hank sa nangyayari. Ano bang nangyayari sa kanya? Hindi naman sya ganito kanina.
"Mahinang nilalang.." sabi nya at pinagpatuloy ang pagsakal sakin. "B-Basilio.. Ano.. Ba!?" sigaw ko sa kanya at pinilit na itulak sya pero sobrang lakas nya, ni hindi sya umalis sa pagkakatayo nya.
"Isang mortal ang nagustuhan ng anak ko!?" sabi nya na ikinagulo ng isipan ko. Biglang nagbago ang anyo nya mula ulo hanggang paa, hindi si Basilio ang naririto.
"Talagbusao.." sambit ni Hank na ngayon ay gising na. "Isa ka pa!" nagpakawala ng kidlat si Talagbusao papunta kay Hank pero hindi iyon tinablan. "Ha! Protektado ako ni Trese, Talagbusao" sabi nya at kinuha ang baril sa ilalim ng unan nya at pinaputukan si Talagbusao.
Bumitaw sa pagkakahawak sakin si Talagbusao, nanghina ang tuhod ko at napaupo sa sahig. Kailangan ko si Basilio! Na alala kong kailangan ko lang hampasin ang sahig para matawag ko sya, pagkakataon ko na to habang nakatalikod si Talagbusao.
Balak ko ng hampasin ang sahig ng biglang may tumamang kidlat sa akin.
Tanging nakakasilaw na ilaw ang nakikita ko sa paligid, nakahiga ako na parang nawalan ng malay. "Hank!?" sigaw ko ng makatayo mula sa pagkakahiga. Walang sumasagot sa bawat sigaw ko, may nakikita akong bulto na papalapit, di ko inaakalang si Talagbusao parin ang makikita ko.
Galit itong lumapit sa akin at sinampal ang pisnge ko. "Para yan sa katotohanang hindi ka nararapat sa anak kong si Basilio" sabi nito. Tumulo ang luha ko sa nararamdamang sakit, "Wala kang alam sa nararamdaman ni Basilio" sabi ko.
Tumawa sya saka matalim na tumitig sa akin, "Buntis ang hangin, at sya ang ama. Alam mo ba yon?" sambit nito na ikinatigil ko. "Dinadala ng hangin ang magiging apo ko, hindi ka ba nandidiring nakiki sawsaw sa buhay ng anak ko?" dagdag nya.
"Hindi ako na niniwala, hindi makikipag talik sakin si Basilio kung alam nya." sabi ko. "Hindi pa nya alam, pero Diyos ako at alam ko ang nangyayari sa buhay nya" sagot nito.
"Dala mo ang delubyo, ikaw ang delubyo sa buhay ni Basilio. At ang kuwintas na yan, alam mo ba kung bakit nya ibinigay yan?" tanong nya pero napailing ako.
"Ang kuwintas na yan ang maglalayo sa inyo. Ilusyon mo lang na nagustuhan ka ni Basilio, ilusyon lang ang lahat! Kaya ibigay mo yan sa akin para magising ka sa katotohanan, mortal."sabi nya.
"Hindi, ayoko!" pagmamatigas ko. Nawala ang galit ni Talagbusao at napalitan ng pag ngiti. "Talaga, mortal? Gusto mong makita ang katotohanan? Ibibigay ko sa iyo ang katotohanan mo, pinoprotektahan lang kita at ang anak ko." sabi nya.
"Mas okay na habang mas maaga ay makikita mo ang reyalidad mo, hindi ka mahal ng anak ko." mahinahon nyang sabi.
Sumikip ang dibdib ko sa mga naririnig sa kanya. "P-pero.. Mahal ko na sya.." sambit ko sabay agos ng luha ko. Paano kung totoo ang sinasabi ni Talagbusao? Siya ang Diyos, alam nya ang lahat at may kakayahan sya sa lahat. Puno ng katanungan ang umiikot sa isipan ko.
"Ilusyon lang ang pagmamahal, walang pagmamahal ang mga mortal, tanging infatuation o lust ang umiikot sa mga tao" sabi nya. "Kaya halika.. Lumapit ka sa akin, ibigay mo ang kuwintas para mapalaya ka sa ilusyon ng kuwintas na dala nyan" dagdag nya.
Gusto ng isip kong malaman ang katotohanan ngunit pinipigilan ako ng puso ko. Hindi ko alam ang pipiliin ko.
Basilio's POV
"Mama's boy kami!" sabi ko na ikina inis ng tatay namin. Haha! Nakakatuwa talaga ang bonding namin with tatay. "Ahh ganon, Basilio? Tignan natin" sabi nya at lumabas ang isang malaking bula kung saan walang malay si Commander.
Nanlaki ang mata ko, papatulan ko na sana ang tatay ko ng pigilan ako ni Bossing. "Huwag kang magpapadala sa ama mo, Basilio" sabi ni Bossing pero kumukulo ang dugo ko.
"Hinawakan mo ba si Commander!?" sigaw ko. Nakayukom na ang kamao ko. "Sa sobrang hihina ng mga mortal na paikot ko ang babaeng yan, sinabi kong hindi mo sya mahal at naniwala sya." sagot nito.
"Hindi totoo yan" sabi ko.
Tumingin ako kina Bossing at Kuya Crispin. Nanginginig na ang ako sa sobrang galit, dahil hindi ko na mapigilan ang sarili ko lumipad ako papunta kay Datu Talagbusao. Nagpakawala ako ng bala sa kanya, pero hindi parin sya tinatablan.
"Ganyan nga, ipakita mong galit ka. Kung gusto mo akong patayin, mamamatay rin ang mortal na yan" sabi ni Datu Talagbusao na ikinatigil ko sa pagbaril. Na patingin ako sa gawi ni Commander, unti-unti na syang gumigising.
Pinuntahan ko sya at inilapit ang kamay sa bula pero nakakakuryente ito. Tuluyan ng nagising si Commander, hinahawakan nya ang bula pero hindi nya ako makita. Patuloy nyang kinakapa ang bula, "Commander, na andito lang ako!" sigaw ko.
"Ahh, walang lapitan sa hostage ko" sabi ni Datu Talagbusao saka hinawakan ang bula. Lumiliit ang bula, napansin ko ding parang nagkukulang sa hangin si Commander. Bumibilis ang pag inhale at exhale nito.
Imigting ang panga ko at susuntukin na sana sya ng maningas ang katawan ko. Nakikita ko ang nangyayari pero hindi ako makagalaw, nawalan ng balanse ang katawan ko at nahulog pababa. Buti na lamang at nasalo ako ni Kuya Crispin. "Putang ina!" sigaw ko sa isipan ko.
Commander's POV
Nagising ako, na sa loob ako ng bula. Dilim lang ang nakikita ko sa labas ng bula, kinapa ko ang bula umaasa na may lagusan palabas.
Bigla na lang lumiit ang bula at nahirapan akong huminga. Ano bang nangyayari? Napahawak ako sa tyan ko, "Bakit ko ba kasi kinain yung bato ng kuwintas? Di naman ako si Darna" sabi ko sa sarili ko. Habang tumatagal mas lalo akong nahihirapang huminga, ilang luha ang pumatak mula sa mata ko.
"Basilio.. Kailangan na kita!" sigaw ko habang patuloy sa pag agos ang luha ko. "Kahit nakaka tangina ka, ngayon kailangan na kita!" dagdag ko.
"Bwiset ka kasi eh! Pinaniwalaan parin kita kahit bine'brain wash na ako ng tatay mo, biruin mo yon? Nilunok ko pa talaga yung kristal para di ko magbigay sa tatay mong apurada?" sabi ko saka pinunas ang luha ko.
"Lagot ka talaga kay Paps kapag nalaman nyang kinuha mo virginity ko, pero pinapasalamatan kita kasi na feel ko yung pagmamahal mo while making love"
"Kung totoo man yung tsismis na na buntis mo si hangin.. Edi wala na... Tangina mo sagad"
"Pakshet ka, ngayon sure na akong mahal na kita. Mula sa pang aasar mo sa akin dati, pag tawag sakin ng Commander, pag punta sa kwarto ko lagi, pagligtas sakin nung iniinis ako ng pinsan ko, pati sa pag hatid at pagsundo, tsaka sa pagdala sakin sa langit para makita ang buong bayan, lalo na sa sex natin, alam ko na gusto mo talaga ako."
"Di ko alam kung bakit kinakausap ko sarili ko, natatanga ako dahil sayo. Kahit ilang beses ko pang sabihing pakyu, sa huli sasabihin ko parin I love you"
"Pakyu, I love you!" sigaw ko. Sumakit ang tyan ko saka ko naluwa ang bato, "Shit!" sigaw ko sabay pag liwanag ng kapaligiran. Nakikita ko na ang lahat! Nakikita ko mula rito sa taas na sira na ang lahat, kinakausap na ni Datu Talagbusao si Ate Trese.
Nilinga ko ang paligid at nakita si Paps na nakahalandusay sa lapag. "Paps!" sigaw ko sabay suntok sa bula para makalabas ako. Napatingin ako sa gawi ni Basilio na para bang kontrolado na ni Datu Talagbusao.
"Hindi ito maaari, tama na!" sigaw ko saka inilagay ang kristal malapit sa puso ko. "Naniniwala akong tutulungan mo ako, Basilio. Nangako kang po protektahan mo ako" sabi ko at sa isang iglap nahulog ako mula sa hangin.
Pinilit kong itikom ang bibig ko para hindi ako mapansin ni Datu Talagbusao. Eto na ang pagkakataon ko!
BINABASA MO ANG
Americana // Reader x Basilio // Fanfiction
FanficReader x Basilio [Tagalog] 16+ (currently on hold) It starts with Alexandra Trese who works with Detective Guerrero, a supernatural investigator and daughter of Captain Beau Guerrero. She's not a babaylan by blood but she's interested with those th...