THE BETRAYAL.
"Get married, apo. That's all I want you to do." Malumanay ang tinig na hayag ni Don Lauro sa apo.
"Why should I? I'm perfectly fine, Lo. I'm happy for being single, kaya bakit ako magpapakasal-Damn! What the hell-" Isang daing pa ang umalpas sa labi ng binata ng tamaan na ito ng baso sa noo.
Binato lang naman ang binata ng kanyang Lolo!
"Minumura mo ba ako, Lance Kerford?!" Wala na ang pagiging malumanay sa boses ng matanda, galit na galit na ito ngayon habang nakatingin ng masama kay Lance.
"Lolo naman, bakit naman kita mumurahin?" Hinimas ni Lance ang noo na alam n'yang namumula dahil sa pagbato ng kanyang abuelo kanina.
Kahit kailan ay hindi na talaga ito magbabago. Likas ang pagiging mainitin ng ulo nito, lalo na kapag hindi nasusunod ang gusto.
Tsk. Matanda nga naman.
"I told you to marry that girl, Lance! Lizeth is a perfect match for you. Gusto kong makilala mo siya Kung hindi ka susunod ay hindi kita-"
"Hindi mo ako pamamanahan?" Putol niya sa kanyang Lolo. "Ayos lang 'yon, Lo. I have a lot of businesses, and besides, hindi ko pa talaga gusto mag asawa-ohh shit!" Nagmamadali siyang tumakbo palabas ng opisina ng matanda.
Ngayon kasi ay mayroon na itong hawak na flower vase, at sigurado siya na sa kanya tatama ito ngayon kung hindi pa siya kakaripas ng takbo.
Ganitong eksena na lang palagi ang nangyayari sa kanila sa tuwing nagkikita sila. For God's sake! He's just thirty years old and enjoying his life when his grandfather always wants him to get married!
Tsk. Bakit siya magpapakasal sa babaeng hindi niya kilala?
Agad na sumakay siya sa kanyang mamahaling sports car at pinaharurot iyon palayo sa building na pag aari ng kanyang Lolo-na balang araw daw ay mamanahin niya.
Palagi nalang nitong ipinipilit sa kanya na pakasalan niya ang babaeng napupusuan nito para sa kanya.
Dumiin ang ang apak niya sa silinyador. "Damn! Hindi talaga ako titigilan ni Lolo!"
Totoo na hindi niya kailangan ng mana nito. He have a lot of businesses. In fact, mas malaki at malawak ang mayro'n siyang mga negosyo kaysa sa kanyang pamilya. He managed to expand his businesses in his own hand. Kaya nga ngayon ay isa na siya sa pinakabatang bilyonaryo sa buong mundo. Kaya hindi siya nababahala sa tuwing babantaan siya ng kanyang Lolo na aalisan siya ng mana. Oo, mahal niya ang abuelo, pero hindi dahilan 'yon para magpakasal siya dahil lang sa gusto nito.
He won't let anyone decide, especially when it comes to his life. Siya lang ang may karapatan na pumili ng babae na papakasalan niya-which is malabong mangyari dahil wala sa plano niya ang magmahal.
Bahagya siyang natawa sa naisip habang himas ang baba.
Ang isang Lance Kerford magmamahal? That's impossible! Hindi pa pinapanganak ang babaeng magpapatibok ng kanyang puso at bibilog ng kanyang ulo.
Agad na inihinto niya ang sports car sa gilid ng pier kung nasaan ang kanyang private yacht.
"Woah!" He looked at the yacht with a huge smile on his face. Well, nagkakahalaga lang naman ito ng five hundred million pesos. "My new baby, come to daddy!" Aniya sabay halakhak ng malakas.
Bakit niya kailangan mag asawa kung masaya siya? Lahat ng bagay ay nakukuha niya. He can get anyone or anything he wants.
Money can get and buy anything, right? Because money is power, and when you have power lahat ay maaari mong makuha.