Chapter 35...Jealous?
They killed my mother. The only family I have.
Umuwi ako galing school na may nakapalibot nang caution tape sa palibot ng bahay namin at marami ding pulis at mga tao ang naroon. Lumapit ako sa kanila at tinanong kung ano ang nangyayari.
"Pinatay ang iyong ina at ikinalulungkot kong sabihin sa iyo na ang suspek ay ang hindi pa nahuhuling serial killer." Sagot ng isang pulis.
Halos matumba ako sa panghihina mula sa narinig. Hindi ko alam kung iiyak ako o tutulala nalang.
Napatingin ako sa mga taong lumabas sa bahay namin habang may dalang isang bangkay na nababalot sa puting tela. Agad akong pinanghinaan ng loob.
"Ma!"
Pinasok siya sa ambulansya at pumasok din ako. I cried after I saw her situation. Hinawakan ko ang kanyang kamay. Marami siyang dugo at mga saksak.
"Ma. I'm sorry. I'm sorry kung iniwan kita." Niyakap ko siya. "I'm sorry."
Wala akong ibang magawa kundi ang humingi ng tawad dahil kasalanan ko. Wala ako sa tabi niya noong mga oras na kailangan niya ng tulong. Hindi ko maisip ang sakit na dinanas niya sa kamay ng mamamatay tao na iyon. Nagsisisi ako nang sobra.
She's the only one I have. Kinuha na sa akin ang aking ama maging ang aking nakatatandang kapatid at bunsong kapatid. Ngayon, mag-isa nalang ako.
Ang mga eksenang iyon ay tumatak sa isipan ko hanggang ngayon at habang buhay ko iyong dadalhin. Hindi ko mapapatawad ang pumatay sa kanya. Lalaban ako para kahit hustisya manlang ay maibigay ko sa kanya.
Tumayo ako at lumabas ng bahay. Malalim na ang gabi kaya tulog na ang mga kasama ko. Hindi ako makatulog. Dumadaan talaga ang mga gabi na hindi ako makatulog kaya magdamag akong gising tulad ngayon. Malamig ang simoy ng hangin sa labas kaya tatambay muna ako saglit. Baka sakaling dalawin ako ng antok.
"Ryan?"
Napalingon ako kay Jace na nagkukusot ng mata. Halatang inaantok pa.
"Ginagawa mo d'yan? Bakit hindi ka pa natutulog?"
"Nagpapahangin lang baka sakaling antukin."
Kumuha siya ng baso at uminom. "Matulog ka na masama magpuyat."
Tumawa ako. "Oo maya-maya nang kaunti."
"Sige. Susunod ka ah?"
Pinanood ko siyang umalis bago binalik ang tingin sa kawalan.
Wala pang nakakakuha ng hustisya sa amin tapos nawalan pa kami ng isa. Halos lahat naman kami dito walang pakialam sa buhay kaya lumalaban nalang hangga't kaya at kapag hindi na, hahayaan nalang ang sariling mamatay.
In the middle of the silent night, I suddenly heard a heavy thud sound from my back. Mabilis akong lumingon at nakita si Mary na tumatayo. Hindi ko alam kung ano ang nangyari sa kanya. Natumba yata sa sahig.
"Mary? Ayos ka lang?" Lumapit ako para tulungan siya pero nakatayo ito agad.
"I'm fine. I just forgot my glasses. Goodnight." Umakyat siyang muli sa taas.
Hay. Kailan kaya siya magiging okay?
Her closest friend is no longer with her, so although we all want her to return to her former self, it doesn't seem possible.
Bumalik na ako sa kwarto at nakita ang tatlong tulog na tulog. Natawa pa ako sa pwesto ni Bruise na nakayakap sa unan. Binalak kong subukang matulog dahil baka mapuyat ako bukas sa klase mahirap na.
BINABASA MO ANG
Pass or Die?
Mystery / ThrillerAlexandra Farzana is a 17-year-old normal girl student with a normal life. She doesn't believe that there is a real killer, not until she is the next victim. Her friend died and she can't do anything to save her life. She also witnessed how her fami...