Chapter 35

26 2 0
                                    

Selina's pov

Pag uwi namin nag paalam si Leola na maagang uuwi dahil pinapauwi na raw siya ni tita, aalis ata sila kaya maagang pinauwi. At dahil malapit na ang birthday ni Leo naisip kong bumili na ng regalo

"Una na rin ako ha?" Paalam ko kila Callie

"Oh pati ba naman ikaw maaga uuwi?" saad ni Kaitlyn

"Bibili ako ng regalo para kay Leo, sa susunod na araw na birthday niya eh" sagot ko

"Lux, sama ako" sabi ni Callie, nginisian ko naman siya

"Sige tara, kayo hindi sasama?" Tanong ko kila Kaitlyn

"Bukas nalang ako, samahan niyo kami ah" sabi nila Eleanor, tumango naman kami at sabay na umalis

Nagpunta kami sa mall at biglang napatigil

"Anong bibilhin natin?" Tanong saakin ni Callie

"Hindi ko rin alam" sagot ko

"Eh ano bang mga hilig nun?" Tanong niya saakin

"Madami. Ice cream, music, mga relo niya, pabango niya at hoodies na rin" sagot ko

"Wow kilalang kilala mo talaga yun noh?" Tanong niya saakin at tumawa naman ako.

"Bibilhan ko nalang siya ng hoodie" saad ko

"Sige samahan na muna kita habang nagiisip ako" nagpunta naman kami sa uniqlo para bumili ng hoodie na babagay sakaniya. Lagi siyang nagsusuot ng mga hoodie at puro plain color ang sinusuot niya, kapag magsusuot naman siya ng may design maliliit na picture lang ang nakalagay.

"Eto kaya sa tingin mo?" Tanong ko kay Callie

"Maganda naman kaso parang mag mumukha siyang lalaki" natatawang saad ni Callie. Oo nga naman, kulay itim na may lalaking naka sumbrero ba naman kasi ang design ang baduy.

Habang naghahanap nakita ko ang mama ni Leo sa counter kaya tinawag ko si Callie

"Callie, mama ni Leo un dba?" Tanong ko at itinuro sakaniya

"Oo nga, nandito kaya sila?" Tanong niya, nagkibit balikat ako. Pinagpatuloy ko ang paghahanap at saka nakakita ng plain navy blue na hoodie.

"Huli ka! Eto bagay sakaniya" saad ko tumango naman si Callie kaya naman binayaran ko na saka inilagay sa isang gift bag. Nang papalabas na kami ng shop tinanong ko si Callie kung nakaisip na siya

"Nakaisip ka na ng ireregalo mo?" Tanong ko

"Oo, bibilhan ko nalang siya ng pabango" sabi niya kaya naman sinamahan ko siya sa isang perfume shop ngunit bago kami makapasok doon natanaw ko na si Leola kasama ang daddy niya. Hinila ko si Callie para magtago at sinilip namin kung nandun pa ba sila

"Wala na sila, tara na bilisan natin bago niya tayo makita" saad ko. Pumasok kami sa perfume shop at namili ng pabango na babagay kay Leo.

"Eto kaya check mo?" Tanong ko sakaniya. Inamoy niya naman ang perfume

"Wag, masiyadong fruity. Hindi yan yung naaamoy kong scent sakaniya eh" sabi niya at binaba ko ang bote at naghanap ulit. Ikot lang kami ng ikot sa shop at biglang lumapit saakin si Callie at pinaamoy ang isang pabango

"Oo ayan, pwede na toh" sabi ko sakaniya at ngumiti

"Nag d-date kayo?" Tanong ni Leo sa likod namin. Nagulat ako at saka humarap sakaniya, itinago naman ni Callie ang pabango sa likod niya

"Leo? Ano ginagawa mo dito?" Tanong ko

"Sinamahan ko bumili si dad ng pabango niya dito, hindi ko rin naman inaasahan na makikita ko kayo" seryoso niyang sambit

A Heart's Desire (Book 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon