Xyriel POV
Hanggang ngayon, pa tuloy parin ang pagpapashoot ni Kobe ng bola sa ring..
Napatingin ako sa phone ng biglang nagring at...
Ayn-sungot calling....
Pinatay ko yun at ni-off ko ang phone ko..
Bahala siya sa buhay niya.
"Gusto mo din magpashoot ng bola?" Napatingin ako Kay Kobe ng bigla niya yung I tanong..
"T-tuturuan mo ako?" Tanong ko. Nagshrug lang siya. Ngumiti ako ng napakalapad. "Sige! Gusto ko yan!" Sabi ko at agad na lumapit sa kanya..
*
Ayn POV
'The number you have dialed---'
Ampf! Muntik ko ng naitapon ang phone ko.
Nasan na kaya ang babaeng yun? San na kaya dinala yun ni sakuragi???
Kanina pa ako naghahanap sa kanila pero di ko sila makita-kita. Pumunta narin ako sa rooftop kung saan laging tumatambay si Sakuragi pero wala sila dun. Kanina ko parin dinadial yung number pero di niya sinasagot at ngayon. Ni-off na niya yung phone. Putek naman talaga!
Sh*t lang. Hindi ko alam kung bat nag-aaksaya pa ako ng oras na hanapin ko ang dalawang yun, pero bakit naiinis ako sa tuwing pumapasok sa isip ko na magkasama sila? At parang may tumutulak sakin na hanapin sila?
Ahhh! Ang labo! Nakakaasar! Nasan na kaya ang dalawang yun??
*
Napadaan ako sa gym at napatigil ako ng makarinig ako ng talbog ng bola at parang naririnig ko ang boses ni Xyriel..
Unti-unti Kong binuksan ang pinto ng gym at sumilip ako at nakita ko nga si Xyriel kasama si Sakuragi.
"Wow, ang galing mo na magpashoot." Sabi ni Kobe Kay Xyriel at ginulo-gulo pa niya ang buhok ni Xyriel.
"Talaga?" Masayang tanong ni Xyriel.
"Ganito. One on one tayo, ikaw ang humawak ng bola. Wag kang mag-alala ten percent lang yung gagamitin ko." Sabi ni Kobe.
"Sige ba!" -Xyriel
"Pero may condition. Bawat shoot ko. Isang kiss." Sabi ni Kobe.
Tss. Sabi na nga ba eh. May gusto din 'to Kay Xyriel.
Hindi ko nakita yung reaction ni Xyriel sa sinabi ni Kobe kasi nakatalikod siya sakin..
Subukan mo lang Xyriel pumayag. Malalagot ka sakin..
Napansin ko na lang yung nagnod niya..
Ampf! Yung babaeng yun. Kagusto-gusto naman..
"Oh." Inabot ni Kobe yung bola Kay Xyriel kaya sinimulan na niya 'tong idribble. Halatang di naman seryoso si Kobe sa ginagawa niyang pagbantay Kay Xyriel.
Dapat lang, subukan niyang seryusuhin yang Laban nila, makakatikim siya sakin.
Ilang sandali, biglang tumakbo si Xyriel. Gusto Kong matawa kasi akala ko iddribble parin niya yung bola kapag tumakbo siya patungong ring pero Hindi eh. Nang makalapit na siya sa ring, magpashoot siya ng bola pero Hindi nagshoot..
Nakuha ni Kobe yung bola. At sinimulan na niyang idribble. Tudo bantayan naman sa kanya si Xyriel pero kahit anong gawa niyang pagbantay, walang nagawa at naishoot din ni Kobe yung bola sa ring..
"Pano ba yan?" Sabi ni Kobe ng maishoot niya ang bola.
Lumakad siya papalapit kay Xyriel at Ampf! Kiniss lang naman niya si Xyriel sa LIPS!
BINABASA MO ANG
Love At First Kiss (On-Hold)
Roman pour Adolescentslucky I'm in love with my BESTFRIENEMY....... ©2015