Chapter 7

16 0 0
                                    

Aubrey's POV

"Pst! Pst! Ms. Rockstar.."

Ugh! So, natatandaan niya pala ako. Dapat lang nuh! Kahit na binalik niya sakin yung notebook ko, dapat magsorry pa rin siya sakin. Arte ko no? Basta ganun ako eh!

"Hoy! Ms. Rockstar. Ang snob mo masyado!" at kinalabit niya ako.

"Ano ba?! Ang ingay mo!" sabi ko sa kanya at tumingin ulit sa harap.

"Eh sa gusto ko eh! It's a free country, ya know??" sabi niya na may halong arte. Siguro bakla tong lalaking to eh. Haha

"Makinig ka na nga lang sa teacher! Argh!" napalakas yata yung pagkakasabi ko dahil narinig ako ni Nico.

"Aubrey, is there something bothering you?' sabi ni Nico na parang nag-aalala talaga siya. Yiee. Kinikilig ako.

"Tss. Asungot.'' sabi naman nitong isa kong katabi. Anong sabi niya?! Asungot?! At sino naman kaya yun. Di ko nalang siya pinansin at liningon ko naman ulit si Nico.

"I'm fine." sagot ko sa tanong niya kanina. At bumalik na rin kami sa pakikinig sa teacher namin.

Red's POV

Hayy. Badtrip na agad ako. Langya yung emo na yun, parang may gusto pa kay Ms. Rockstar, at yung isa naman kinikilig-kilig. Mas gwapo pa kaya ako doon!

Nagbell na, it means tapos na yung klase. Salamat naman, at kanina pa ako namamatay sa selos dito sa katabi ko at kay emo. Tsk!

Pagkaalis nung teacher, plano ko na namang asarin si Ms. Rockstar.

"Ms. Rocks---

"Aubrey, sabay na tayong magrecess. Is it okay to you?" sabi ni asungot (referring to Nico)

No it is not okay to me!

"Oh sure. Doon mo nalang ako hintayin sa labas. May aayusin pa ko eh." sabi naman ni Ms. Rockstar.

"Okay. Labas na ko huh?" at sa wakas lumabas na si asungot

"Hi Ms. Rockstar." tawag ko sa kanya

Arrrgh!!! Nafru-frustate ako! Kanina niya pa ko hindi napapansin. Gwapo kaya ako!

"Hoy Ms. Rockstar." tawag ko ulit sa kanya

"Ano Pula?" Anong sabi niya?! Pula?!

"Teka.. Bakit mo ko tinawag na pula? Wag mo nga akong tawaging ganun."

"Pula, dahil Red ang pangalan mo diba? And excuse me, ikaw ang unang tumawag sakin ng Ms. Rockstar kaya tatawagin kitang Pula! Bleeeh!" sabi niya sabay labas ng room. napangiti naman ako sa inakto niya. Ang cute!

Lumabas na rin ako ng room, at nakita kong hinawakan ni Nico yung kamay niya. Pupuntahan ko na sana sila, kaso nakita kong ok lang kay Ms. Rockstar na hawakan ni asungot yung kamay niya at nginitian niya pa si asungot. Sheeet!

"Sila na ba? Awww kawawa ka naman pare. naunahan ka agad. Tsk tsk!" Liningon ko yung nagsalita at sino pa ba? Edi yung walang kwenta kong kaibigan.

"Tumahimik ka na nga lang Mike. Hindi ka nakakatawa." sabi ko kay Mike.

"Ano ka ba Russel. Ang serious mo masyado. Hahaha!" sabi niya sabay tawa ng malakas.

Umalis nalang ako dahil wala siyang kwentang kausap. Pumunta nalang ako sa canteen at tumambay, para mawala yung badvibes. Pero letche talaga dahil nasa harap ng table ko yung asungot at si Ms. Rockstar.

Napansin kong may tumabi sakin.

"You're torturing yourself Russel. Tsk tsk! Araw araw mo nga siyang binabantayan kulang nalang habang nagbabanyo siya babantayan mo, pero araw araw ka ring natotorpe.'' sabi ni Mike sabay inom ng coke.

"Kung wala kang magandang sasabihin, umalis ka nalang bago pa kita masapak." pagbabanta ko sa kanya

"Ano bang nakita mo diyan kay Samonte at love na love mo siya?" dugtong niya na hindi manlang pinansin yung banta ko. Pero sasagutin ko nalang yung tanong niya.

''Marami." tipid kong sagot sa kanya.

"Tss. Pwede mo bang sabihin lahat?" Naiirita niyang tanong. Kasalanan niya yan, tanong ng tanong eh. Alam naman niyang badtrip ako.

"Basta marami." sabi ko nalang sa kanya at umalis na.

Nagring ulit yung bell kaya pumunta na agad ako sa pangalawang subject namin. Hanggang ngayon badtrip ako.

Nagsidatingan naman yung iba kong kaklase, pero wala pa rin yng dalawa. Shet! Baka nagdate sila.

Medyo nawala yung pagkabadtrip ko dahil nakita ko siyang papasok na sa classroom, pero badtrip pa rin dahil kasama niya si asungot.

Napatingin siya sa gawi ko, kaya agad akong tumingin sa malayo. Mahirap na nuh!

Kaya naman pala siya tumingin sa akin dahil ako na naman ang katabi niya. Wahaha! Dito na naman pala sa tabi ko yung vacant seat. Yes! Lumapit siya doon sa vacant seat na parang napipilitan pa.

"Pwede bang umupo dito?" tanong niya sa akin.

"Hindi, subukan mong tungtungan yung upuan para masaya." sabi ko sa kanya ng nakangiti. Napakunot naman yung noo niya. Hahaha! Ansarap asarin.

"Tss. Kanina ka pa Pula!" sabi niya sa akin at umupo na doon sa vacant seat.

-----

Sorry po talaga, dahil antagal ko ng hindi nakapag update. Pasensya po ulit. Masyado lang pong busy. Loveloooots.

Red Lopez po sa side -->

Miss Bitter Falls InloveTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon