{Maika Hidalgo's PoV}
Hi every juan! My name is Maika Hidalgo. Certified wattpad reader!. 18 years old. Mabait, makulit at maganda!
Subukan nyong kumontra...
Kaibigan ko si sis Micah simula 4th year high.
Nagkakilala kami sa school.
*FLASHBACK*
Heto ako ngayon at naglalakad papunta sa comfort room.
More than 30 eggs ata ang binasag ng mga kaklase ko sa akin.
Kung binigay na lang nila sa akin ng buo, edi nabusog pa ako!
Binuksan ko na ang pinto ng cr at humarap sa malaking salamin nito.
Grabe sila. May mga shell pa sa ulo ko... (T^T)
"Huhuhuhu... *sniff* *sniff*"
Nanlaki bigla yung mata ko sa narinig ko.
Imagination ko lang ba yun?
"Huuuu... *sniff*"
Luh? Narinig ko ulit!
"May tao ba dyan?"
Walang sumagot.
Sinilip ko ang ilalim ng tatlong cubicle pero ni isang paa, wala akong nakita.
Kinakabahan na talaga ako.
May nakapagsabi na rin kasi sa akin na maraming ligaw na kaluluwa dito sa school.
Karaniwan daw na paraan ng kanilang pagpaparamdam ay ang pag-iyak.
Whoo! Face your fears!
Bubuksan ko isa-isa ang bawat cubicle para masagot ang mga tanong ko.
Tao ba ang umiiyak o multo?
Totoo ba ang multo?
Kung buhay na tao, bakit sya umiiyak?
Kung multo, bakit hindi sya matahimik?
Nilapitan ko na ang nasa dulo sa left side ko ng dahan-dahan..
Wala.
Nilapitan ko din yung nasa dulo ng right side ko at binuksan yung pinto.
Wala pa rin.
Okay... this is it pansit!
1...
2...
*tulak ng pinto*
Tumambad sa akin ang isang babaeng pulang-pula ang mukha at namumugto ang mga mata. Nakaupo sya sa toilet bowl habang nakayakap sa mga paa.
"Grabe ka naman. *sniff* May LBM ka ba kaya kailangan *sniff* mo pang magbukas ng pinto? Buti na lang pala *sniff* umiiyak lang ako." sabi nya sabay tayo at inayos na ang gamit nya.
"Sandali." pigil ko sa kanya nung lalampasan na sana nya ako. "Bakit ka umiiyak? At sa lahat ng lugar, dito pa sa cr???"
Para kasing ewan eh! Manakot ba naman! :3 Pero may part sa akin na nagsasabi na kailangan nya ng kaibigan.
"Mahilig ka ba sa drama?" seryosong tanong nya.
"Hindi pero pwede akong makinig." sabi ko naman.
*END OF FLASHBACK*
So, ayun nga. Kinuwento nya sa akin na naghiwalay na ang parents nya at ang lola naman nyang nag-alaga sa kanya, yumao na. Imbis daw na mag-agawan ang parents nya para sa kanya, ginawa pa daw syang bola. May kaibigan naman daw sya. Lalaki na nagngangalang James kaso nga lang, may laban daw sila sa basketball kaya di nya matawagan.
Anyway, hindi ko sya pinakikisamahan dahil naaawa ako sa kanya kundi dahil masaya syang kasama at TOTOO sya sa lahat ng naging kaibigan ko. Nagturingan na nga kaming magkapatid eh! AT WALA NANG MAKAKASIRA SA AMIN.
Kinuha ko ang phone ko at tinignan.
Time check! 11:30 am
Ready na para pumasok!
~We sign our cards and letters BFF
You've got a million ways to make me laugh
You're looking out for me
You've got my back
So good to have you around~
"Yow, sis!" sagot ko dun sa tawag ni sis Micah.
"Papasok ka?"
"oo. Why?"
"Wala. Bye." at binaba na yung phone.
Tsss... Problema na naman yan. Sinabi ko kasi sa kanya na tawagan nya ako kapag may problema sya. Ayan! Tinawagan nga ako.
Bumaba na ako para manghingi ng baon kay Mama.
"Yow, Ma!" bati ko agad kay Mama pagkakita ko sa kanya sa kusina.
"Andyan ka na pala, anak." sabi naman ni Mama habang nag-aasikaso doon.
"Hindi, Mama. Nasa taas pa po ako. Natutulog pa po." sabi ko naman.
"Ah. Okay." pang-aasar naman ni Mama.
"Ma naman eh! Baon ko po!"
"Di ka pa ba binibigyan ng Papa mo?"
"Manghihingi pa po ba ako kung binigyan na ako?"
...
...
...
!!!
Tinignan ko ang wallet ko at may lamang pera. Binigyan na pala ako ni Papa bago matulog. xD
"Meron na po pala, Ma!" sabay halik sa kanya sa pisngi at umalis na.
Ganyan lang kami ni Mama mag-usap. Parang tropa lang. xD
Sayang yung 500! Pag si Mama kasi, 500 binibigay. Pag si Papa naman, 200. Ayos na rin 'to! Baka mawala ko pa yun.
Pagkabukas ko nang pinto ay nakita ko agad si Cloud na kakababa pa lang ng kotse.
Hindi ko alam kung bakit pero ito na lagi ang naghahatid-sundo sa akin simula 4th year high school pa lang ako.
"Oh, Cloud! Bakit---"
"Bakit ngayon lang ako? Sorry na. May pinabili pa kasi si Mommy na kung anu-ano eh. Alam mo namang di ako nakakatanggi kay Mommy." sabi nya sabay pout.
"Luh? Hindi. Itatanong ko sana kung bakit ka nandito? Kaya ko naman pumasok mag-isa eh."
"Trabaho ko 'to. Okay?"
"Bahala ka nga." sabi ko na lang.
Bahala sya. Ako, tipid sa pamasahe. Sya, gastos sa gas! xD