One Week of LOVE?

43 3 0
                                    

NOTE: The following paragraphs may cause severe nausea and traumatic shock. Please wear your seat belts and avoid brutal commotion if ever. Please do not kill the writer after you have read the article to prevent police attention.

Isang linngo... Hindi pa SAPAT na tawaging "WAGAS" pero SAPAT na para tawaging "SAPAT". Hindi ako nagmamadali, Hindi ako nagpupumilit, Hindi ako nagbabaka sakali (konti lang ^^) Bakit? kasi hindi ako Mayaman, natatakot akong baka wala kang pag tingin sa akin. Nayayamot ako dahil natotorpe ako, pero bakit ganun? ang saya saya ko pag nakikita kita, kahit nakapikit ako, kaya kitang makilala basta maamoy kita. [weird]

Unang araw (LUNES)

Napansin ko ang kakaiba mong ganda, kinapos ka sa tangkad pero binawi sa mukha, mayaman ka pero hindi ka takot makisalamuha sa hindi gaanong biniyayaan ng pera.

Ikalawang araw (MARTES)

Dinedeny ko pang nagagandahan ako sayo kahit ang totoo'y mamatay matay na ako para lang makita ka lagi. Nung araw na iyo'y napagtanto ko na hindi ka uhaw sa "FAME" or "BEAUTY."

Ikatlong araw (MIYERKULES)

Tatlong araw na akong nakakaranas ng pagiging honest mo sa iyong sarili, kung anong nakikitamo at nararamdaman, ay sinasabi mo sa akin. Paalala : iwasan itong gawin sa klase lalo na sa Propesor maaring ikamatay!

Ikaapat na araw (HUWEBES)

Four times! four times na akong puyat at walang tulog dahil sayo. Grabe! hardcore na ang panaginip ko tungkol sayo nagsimula lang sa ngiti ngiti pero nagyon iba na. Hindi maexplain maybe nextime!

Ika-limang araw (BIYERNES)

TInatry kong iwaksi ang napipintong attraction , kaso parang tama ng bala, TAGUSAN,.... ASTIG! ang mukha mo ay kusang tumatatak sa utak ko! Hindi madala ng rugby o ng overdose ng BIOGESIC.

Ika-anim na araw (SABADO)

Oh my Juliet of the modern age! can i be the ROMEO of your Medieval past? I live with little peny on my pocket but with lots of desire and oerflowing love yeah! yeah! Boom! Boom! I cant let go pf this feeling, i think i want to know you more (NOSEBLEED HEHEHE!)

Ika-pitong araw (SUNDAY)

Parang lahat ng sinasabi mo sakin ay LOVE! LOVE! LOVE! nakikinig ako pero sumasayaw ang neurons ng utak ko habang iniimagine ko na nasa tabi ng beach tapos tumatakbo tayo ng walang dahilan yeah! TRUE LOVE! HARDCORE LOVE! FREAKING LOVE! EXTRAVAGANT LOVE! INEVITABLE LOVE! UNDENIABLE LOVE! LOVE! LOVE! i love you my LOVE!

Sige ibubuhos ko nang lahat ng kabaduyan sa mundo, bahala na Susugal na ko, labasan na ng nararamdaman, paki ko kung makornihan ka, huwag kang mag-alala crush lang kita joke lang yung LOVE pampa sweet lang yun. dahil akala ko pag sinabi kong mahal kita eh Mahal mo na rin ako...

P.S

Ang Pag-Ibig ay di nakukuha ng Isang Linggo lamang, ito ay nahuhubog ng panahon, distansya at mga pagsubok na dulot ng kapaligiran. kaya pag may nagsabi sayo na MAHAL ka niya magisip ka munang mabuti bago sumagot ng Mahal din kita ^^

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2013 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

One Week of LOVE?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon