Chapter 16

15 4 192
                                    

Chapter 16

BUMABA si Zacharias mula second floor ng bahay nila para uminom ng tubig nang mapansin ang nakababatang kapatid na si Victoria sa sala nila. Nakakunot ang noo nito habang kaharap ang laptop.

"What are you doing, Tory?" tanong niya sa kapatid.

Napatingin naman sa kaniya si Victoria saka napangiti.

"Sakto, Kuya. Marunong kang mag tramsfer ng file mula sa camera diba?"

"Yeah."

"Nice. Help me with this."

Nilapitan naman ni Zacharias ang kapatid saka naupo sa tabi nito. Napakunot naman ang noo niya nang makita ang nagpatong-patong na tab sa desktop ng laptop ni Victoria.

"Magta-transfer ka lang naman ng file, ba't ang dami mong in-open na tab?" sabi ni Zacharias habang sinasara ang mga opened tabs ng kapatid.

"Eh, naguguluhan ako eh. Hindi ko ma gets ang binigay na instructions ni Ate Eloise kung paano mag transfer ng file mula sa camera niya."

Natigilan naman si Zacharias nang marinig ang pangalan ni Eloise.

"Kay Eloise ang camerang 'to?" tanong niya pa nang hindi mamukhaan ang camera.

"Yup. Bagong camera niya yan pero lumang memory card ang isinalpak niya. Magagamit pa naman daw kasi."

"Did you already put the card in?"

"Yup. Ikaw na bahala diyan ha. Lahat ng pictures namin ni Ylezer kahapon ang ipasa mo riyan sa laptop, okay? Pakitawag na lang ako kapag tapos ka na, I need to take a bath pa eh." sabi ni Victoria saka umalis na at umakyat ng kwarto niya para maligo.

Ginawa na ni Zacharias ang pinakiusap sa kaniya ng kapatid. Mabusisi niyang hinanap ang mga pictures na tinutukoy ni Victoria at ipinasa ang copy nun sa laptop niya. Ilang minuto lang ang nakalipas at natapos na rin si Zacharias.

Gayunman, hindi niya alam kung bakit napili niyang tignan ang ibang pictures sa loob ng card ng camera ni Eloise. Nag-scroll siya nang nag scroll hanggang sa makita niya ang mga litratong kinuhanan ng dalaga. May mga litrato silang magkakaibigan pero halos magagandang tanawin o di kaya hayop ang kinunan nito na ilang taon na ang nakalilipas.

Napangiti naman si Zacharias nang makita ang sariling litrato ni Eloise. Napapangiti rin siya nang makita ang litrato nilang magkasama kung saan naaalala niya ang dati nilang pagsasama. Napahinto naman si Zacharias nang mapansin ang nag-iisang video.

Dahil sa kuryusidad ay pinindot iyon ni Zacharias at pinanood. Ito ang video kung saan makikita ang mga sarili nila ni Eloise walong taon na ang nakalilipas sa veranda ng bahay nina Zacharias.

Oh, I forgot about this. This is the first time I will watch this video.

"Are you only going to play the guitar or you'll gonna sing, too?"

"If you want me to sing, I'll sing for you."

Napangiti naman si Zacharias nang maalala ang kakulitan noon ni Eloise.

"I'm just kidding, Zach. Stay."

"Your jokes are getting lame as time goes by."

"Aw, I'm making you smile though."

"Hah, when?"

"Boop."

YABS: The Story of How We ConfessedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon