PROLOGUE

1 0 0
                                    

PROLOGUE

"Nay, alis na po ako" nakanguso kong sabi

"Anak mag iingat ka parati sa Manila ha, Mahal na mahal ka ng tatay" lumuluhang sabi ni tatay.

Kasalukuyan akong nag papaalam saaking pamilya dahil pupunta akong Manila at sasamahan ang aking kuya, iniwan kasi siya ng girlfriend niya pati na din ang anak nila, kasalukuyan pang nag aaral si kuya nasa kolehiyo ito at patapos na sa kanyang kursong kinuha ngunit dahil nga nabuntis nito ang kanyang nobya kinailangan niyang pagsabayin ang pagtatrabaho, pag aaral at pag aalaga sa bata, hindi naman siya makauwi dito dahil kailangan niya pang tapusin ang pag aaral niya kaya napagkasunduan namin na ako nalang ang pupunta dun upang alagaan ang pamangkin ko, bata pa naman sila nanay at tatay kaya hindi ako masyadong nangangamba

"Opo tay, padadalhan kopo kayo ng madaming litrado ni Zia pag dating ko dun" masigla kong sabi kahit nalulungkot ako na iiwan ko sila, hindi na ako masyadong kinausap ni nanay dahil baka daw malungkot lang siya ng sobra pag nakaalis na ako.

Alas otso na nang makasakay ako sa bus papuntang Manila.

Pag dating ko sa Manila ay halos magkanda hilo hilo ako dahil sa grabeng usok, napakadaming tao halos mag siksikan sila sa sakayan, agad kong tinawagan ang kuya.

"Kuyaaaa!" Masigla kong bati

"Ang bunganga mo talaga kahit kelan, nandiyan kana ba sa babaan ng bus?" Tanong nito

"Yesss" masigla ko ulit na sagot

"Mabuti dahil parating na din diyan yung kaibigan ko na mag susundo sayo, naka black siyang tshirt at black na pants naka rubber shoes na white at ang motor niya ay... Nakalimutan ko sh*t" ungos na sabi nito "tatawagan agad kita tatawagan ko lang muna si nicholai" mabilis nitong sabi at agad akong binabaan ng tawag, agad ko naman nilibot ang aking mata upang hanapin ang taong tinutukoy niya.

Napangiti ako ng ilang segundo lang ay may nakita akong lalaking naka black tshirt, black pants at white rubbershoes nakahinto ito sa gilid na parang may hinihintay mukhang ito na ang kaibigan ni kuya agad akong tumakbo papunta dito.

"Hellooo! My name is Bria Katelyn Lim" masigla kong pagpapakilala

"Who are you?" Nakakunot ang noo na tanong neto

"Ako yung kapatid ni Brian Kyle" nakanguso kong sagot

"What? I don't know you, i don't even know who your talking about" nakakunot parin ang noo nito agad siyang napatingin sa bandang likod ko  kung saan ako nanggaling kanina actually "sh*t nandito na sila" mura nito at agad tumingin sakin "sakay bilis!" Sigaw niya sakin agad akong nataranta nang may mag paputok ng baril "bilisan mo kung ayaw mong mamatay ng maaga!" Sigaw niya ulit agad akong sumampa sa motor niya at dahil nga nag mamadali siya agad niyang pinaharurot ang motor ni hindi ko manlang na buhat ang maleta ko na naglalaman ng mga damit ko.

Hindi ko alam ang mararamdaman ko, kung kakabahan ba ako dahil sa may humahabol samin na may baril? Kung kakabahan ba ako sa pagmamaneho nitong kasama ko? O kakabahan ako kasi sumama ako sa diko kakilala?

"Lord ikaw na po ang bahala saamin, gabayan mopo kami at ilayo sa kapahamakan, please." Panalangin ko

Ilang minuto pa ay huminto na kami sa tapat ng isang bahay na medyo may kalakihan. Agad niya akong hinatak papasok

"Aray ha. Sana naturuan ka pano maging gentleman" sacrastic kong sabi dito

When I Meet That Mafia BossWhere stories live. Discover now