WALA NA BA TALAGANG PAG-ASA?
Wala na ba talagang pag-asa? Yan ang huling katagang namutawi sa aking mga labi no’ng araw na maghiwalay kami.
Masakit talaga, hindi ko lubos maisip na hahantong ang lahat ng paghihirap ko sa ganito.
Sa isang maliit na pagkakamali ay maaring magbago ang lahat, oo nga’t mahal niyo ang isat-isa pero meron din itong hangganan
matatapos din,
mauubos din ang pagmamahal,
at ang mas masakit pa,
nawala siya ng wala ka man lang nagawang paraan…”
Bakit ba nagmamahal ang tao?
Matagal ko ng tanong sa sarili ko,
pero hanggang ngayon, wala paring kasagutan.
Dahil ba malungkot ang mag-isang kumain sa labas?
Mamasyal?
Manuod ng sine?
Dahil ba malungkot ang magdiwang ng pasko
bagong taon?
araw ng mga puso?
ng mag-isa?
Sa palagay ko, HINDI! dahil ako, nagmamahal lang sa hindi malamang dahilan, mahirap ipaliwanag, basta tanggapin lang ako bilang ako, hindi perpekto na ako ay ako, at hindi kailangang magbago para sa mahal ko!
Sa umpisa akala ko, sapat na yung naiintindihan niya ako at naiintindihan ko siya..
na ok na yung "tanggap kita!" pero hindi pala talaga,
dahil habang lumilipas ang panahon ay nalalaman ng isat isa na may kulang pa!
na kailangan may mag-bago.
Hindi sapilitan kundi kusang mag-babago dahil sa pag mamahal; "NIYA" sayo at "MO" sakanya...
Lilipas ang oras, araw, buwan at taon pero kailanman hindi lilipas ang pagmamahal ko sayo, matabunan man ito ng iba hinding hindi ito maglalaho!
May ibat-iba man tayong dahilan kung bakit nagmamahal, isa lang ang masasabi ko
“ HINDI KA NAGMAHAL PARA LANG MAGING MASAYA…"
wag mong kakalimutan na hindi mo malalaman na nagmamahal ka nga hangga’t ‘di ka nasasaktan.”
Sana matapos na ang sumpa para wala ng ibang taong masaktan.
Mahal kita! Mahal mo ‘ko! Pero tapos na nga siguro ang ating kwento.
Malungkot man ang nagging katapusan, ‘di naman ako nagsisising nagging parte ka ng buhay ko…
Maraming Salamat Hinding Hindi kita Malilimutan!
Sa Panulat Diktatoryal ni: Peping Light ;]