Kanina pa nagpalinga linga si janine sa paligid pero wala ni isang anino ni kurt ang nagpakita.
Akala niya pupunta ito sa variety show pero wala pala.
Todo ayos at pabango pa naman siya.Ang dalawang dalaga na katabi niya nagtitilian na at nagsisigaw.
Sinilip silip din niya ang cellphone nagbabasakaling tumawag pero wala din.Bumuga siya ng hangin saka tumayo. Nagtaka ang dalawa nakatingin sa kanya.
"inaantok na ako...mauna na ako sa inyo.."
Nagtanguan ang mga ito kaya nagdesisyon siyang umuwi.
Medyo may kalayuan mula sa basketball court ang resthouse ng tiyahin niya.Nag aabang siya ng masasakyan pero walang dumaan. Nagdesisyon nalang siyang lakarin hindi naman delikado dahil maraming tao na nagsisiyahan sa bawat bahay na madaanan niya.
Ng matanaw niya ang rest house mas binilisan niya ang paglalakad. Napapansin kasi niya kanina pa na tila may nakasunod sa kanya.
Hindi niya kilala dahil nakasuot ito ng cap at jacket na itim.
May tila bumangon na kaba sa kanyang dibdib.
Pamilyar sa kanya ang ganitong pangyayari.Pinilig niya ang ulo. Ilang taon na ang nakalipas mula noong nangyari yun kaya pinilit niyang kalimutan pero hindi niya mapigilang mabalikan yun lalo na sa sitwasyon tulad ngayon.
Ang lakad ginawa na niya ng takbo. Ang taong nakasunod sa kanya ay tumakbo din kaya mas lalo siyang tinakasan ng kaba sa dibdib.
Mabilis siyang nagbukas ng gate at walang paki na naiwan na nakabukas. Agad siyang tumakbo sa pinto at mabilis na binuksan saka sinara ng ubod lakas at nagdouble lock.
Ang bilis ng tibok ng puso niya.
Paulit ulit siyang bumuga ng hangin para kalmahin ang sarili ng marinig niya ang kalabog sa pinto na kinasasandalan.Napatakip siya sa bibig habang nanlalaki ang mata.
Mas lalo siyang natakot. Sino ba ang humahabol?Kinapa niya ang cellphone at pinindot ang call para tawagan si kurt. Wala siyang ibang mahingan ng tulong. Si kurt lang ang naisip niya. Mabuti nalang agad itong sumagot.
"kurt.... I need your help please... May humahabol sa akin..." mahina niyang bulong sa cellphone at nakiramdam sa labas.
Maya maya narinig niya ang tila pagbasag ng salamin. Nanlaki ang mata niya.
Salamin sa bintana ng kusina."please kurt... Papatayin nila ako.. Please..." naiiyak niyang sambit habang ang cellphone nasa kanyang bibig. Hindi niya narinig kung may sinabi ba si kurt o wala.
Takot na takot na siya. Paano kung nakapasok na ito?
"lord please help me... Lord!" sambit niya habang niyapos ang cellphone sa dibdib.
Maya maya narinig niya tila nagmamadali na lakad kasunod ang malakas na katok sa pinto.
"janine.... Buksan mo ang pinto... Janine...." malakas na tawag habang kumatok ng ubod lakas sa pinto kinasasandalan niya.
Pinindot niya ang switch ng ilaw at dali daling binuksan ang pinto.
Tumambad ang nag alalang mukha ni kurt.
Napahinga siya ng maluwang at hinila ang binata papasok sa loob at niyakap ng mahigpit.
Naramdaman niya ang mahinang haplos sa likod niya at ang mabining halik sa may ulo niya.
Natigilan siya at mabilis na lumayo sa binata.
Ang binata naman ay tila nagulat din at napakamot ng noo.
BINABASA MO ANG
Summer Romance
RomantikKurt frit'z hate summer season. For him it's just wasting money! Pero wala siyang choice! Dahil sa maling akala ng lahat kaya napasubo siya at sa camiguin island pa! The small island in mindanao! Doon niya nakilala si janine! Ang batang doktor! R-18...