Jicel's POV
"Bakit tayo...nandito?" Tanong ko sa kasama kong si prince.
Akala ko may pupuntahan kaming resto, caffe, okaya kahit a mall. Pero hindi don! Nag assume ako ha!
"Bakit mo tinitignan yan?" Tanong ko pa sakanya habang nakatingin sya sa drawing kung saan nakita ng mga pulis yung babaeng narape dito sa caffeteria
Nakakapagtaka diba? Nakapasok kami dito sa school kahit walang pasok, nag bakod kase kami dun sa pinag cucuttingan namin.
Buti nalang talaga at malapit lang ang caffeteria dito
"Para kang detective, na cecreepy-han na ko sayo ha. Kanina mo pa ko di sinasagot---"
"Parang iniwan yung bangkay dito." Pinutol nya ang pag sasalita ko, nakatingin pa din naman sya dun sa parang drawing, dinrawing dun yungg kinalalagyan ng babae nung nakita yung bangkay nya
"Imposibleng, namatay mismo dito yung bangkay." Humawak sya sa baba nyaa
"Anong pinapalabas mo?" Tanong ko at lumingon naman sya saakin
"Dianala yung bangkay dito, pagkatapos...nilagyan ng kung ano ano para mapaniwala ang mga pulis na dito mismo ginawa yung murder."
"HA? Paano?"
Tinaasan nya lang ako ng kilay
"Wag mo ng isipin." Tumayo sya at tumingin saakin
"Tara na." Aya nya at naunang umalis.
Nilock ko yung pinto ng Caffeteria na parang walang nangyari, katulad ng dati. Hindi nila binubuksan ang caffeteria, nagulat nga ako nung paglapit ni Prince sa knob biglang nag bukas. May super powers ata tong mokong na to.
"May pupuntahan pa ko, umuwi kana." Seryoso nyang sabi at napakunot naman ang noo ko
"Inaya mo ko dito tapos pauuwiin mo ko mag isa?" Sarkastiko kong tanong
"Hindi ko naman sinabi na sumama ka diba?" lumingon sya saakin at tila naurong ang bibig ko
"H-hindi k-ko narinig yung sinabi mo k-kanina no!" Pagtatangi ko pa
"Saan ka ba pupunta? Sasama nalang ako, tutal wala naman akong magawa."
Sumakay uli ako ng kotse nya, wala nanaman syang reaksyon.
"Pupunta ako sa isang lugar na hindi mo pwedeng malaman dahil delikado." Napataas ang kilay ko
"Ihahatid nalang kita dyan sa may mini mart. Lalakarin mo nalang naman yung dorm nyo." Walang emosyon nyang sabi, hindi ako sumagot sakanya at pinabayaan nalang sya
"Oo nga pala, wag mong sabihin sakanila na pumunta tayo dito. Pati na din yung sinabi ko sayo na may pupuntahan akong delikado."
"At paano kung ayaw ko?" Nangaasar kong tanong at tiningnan nya ko sa salamin
Tinignan nya lang ako ng pamatay na tingin, at hindi ko alam kung bakit nya ginagawa yon
"Oo na, di ko na sasabihin." Ani ko at umiwas ng tingin.
Nag simula na syang mag drive at gaya nga ng sabi nya, iniwan nya lang ako dun sa may mini mart. Ang kapal talaga.
~*~
Lunes na ngayon at gaya nga ng pinag planuhan namin, gagawa kami ng club. Pinayagan kami ng Student Council at ngayon, binigyan na nila kami ng Faculty"Hay. Ayan tapos na." Saad ni Harold pagkakabit nya ng tarpulin sa may harap ng Detective Club room.
"Nag eexpect ako na may pupunta sa'tin. Naglagay naman kayo ng mga flyers sa labas diba?" Tanong ni Raphaniel at tumango naman kami
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Mystery / ThrillerIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...