Thirty-six

772 24 2
                                    

Thirty-six

MALAKAS NA SAMPAL ang ibinigay ng aking ama pagdating nito. Tuwang-tuwa pa naman ako na umuwi na ito mula sa business trip nito. Ibig sabihin matutulungan na ako nito na makuha si France.
"Dad?" nalalaki ang matang hiyaw ko sa ama. Parang namanhid pa nga ang pisngi kong tinamaan.
"Ingrata! Manang-mana ka talaga sa iyong ina. Puro na lang sakit ng ulo ang idinudulot n'yo sa akin."
"What's wrong with you, Dad? Wala po akong ginagawang masama."
"Akala ko magtitino ka na, after you ruined my name because of your case. Pero hindi, at ano? Pagkalabas mo pa lang gumawa ka na agad ng problema. Kilala mo ba 'yong mga taong binangga mo ha?" muling umigkas ang kamay nito dahil sa galit. Napasapo ako sa t'yan ko na bahagyang sumakit.
"D-addy?" luhaang anas ko. Takot na takot ako rito. Alam ko kung gaano ako kamahal ng Daddy ko. Sinubukan pa nga nitong tulungan akong makalusot sa kaso ko noon. Pero hindi ko na nagawa dahil sa mahigpit na kalaban sina Paris na inilaban talaga ang kaso dahil sa pagkakabangga ko kay Van.
"Thomas Arguilla, Tanya! Saan mo dinala ang kapatid n'ya? Ha!"
"Bakit? Kinausap ka ba n'ya? Desperate na s'ya dahil hindi n'ya mahanap ang kapatid n'ya?" nagawa ko pang tumawa.
"Uubusin nila ang lahat ng mayroon tayo. Galit na galit sila, pinasabog nila ang isa sa mga planta ng pagawaan natin ng alak." Gulat na napatitig ako sa aking ama."Anong ginawa mo, para magalit sila ng gano'n?"
"Ginawa ko lang naman ang alam kong paraan para mag-stay si France sa akin."
"Hindi ka pa ba natatauhan? Hindi mo na makukuha si France. Natauhan na 'yong tao, sa paulit-ulit mong panloloko sa kanya." Frustrated na hiyaw nito.
"No! Akin lang si France, saka magkakaanak na kaming dalawa."
"You're crazy!"
"Yes, I am! Akin lang si France! Akin lang!" malakas kong hiyaw rito.
"Kung may gawin man silang hakbang laban sa'yo, wala na akong magagawa. Choice mong sirain ang buhay mo. Saka sino ang ama ng batang 'yan?"
"Of course, si France!"
"Sigurado ka? Hindi ang bodyguard mo?" hindi ako nakaimik sa tanong ng aking ama."Huwag kang umasa na matutulungan pa kita. Lahat ng tauhan ko ay hindi na pwedeng sumunod sa'yo. Lumayas ka sa tahanan ko, tiyak na hindi mo na magagawa pang ipagpatuloy ang mga kabaliwan mo."
"Nooo, Dad! Malapit na eh, konting-konti na lang, mababawi ko na si France. 'Di ba gusto mong maging son-in-law si France? Dhie, help me. Please, don't abandon me."
"No! I'm so f*cking tired, parehong-pareho kayo ng nanay mo." Hiyaw nito. Saka iniwan ako, nagsisunod agad ang mga tauhan ko. Mabilis kong tinawagan ang tauhang nagbabantay kay Lila Arguilla.
"Sumagot kayo, mga stupid!" frustrated na hiyaw ko ng wala man lang sumagot nang tawag ko.
"Hindi pwede ito."

AKALA KO HINDI nila magagawa, pero wala pang 24 hours, tumawag na si Tatti at sinabing alam na nila kung nasaan si Lila Arguilla. Ngayon, papunta na kami ng mga ito sa location kung saan itinago ni Tanya ang mga ito.
"Malabong makahingi pa ng back up si Tanya, nakausap ko na ang Daddy n'ya." Cold na sabi ni Thomas. Natagalan din kasi sa pagbalik ang ama nito.
"Tandaan n'yo ang rule, matira matibay." Sabi ni Tatti na nilalaro sa kamay ang isang patalim. Rule ba 'yon? F*ck, this girl is so f*cking weird.
"Yeah!" tugon ni Thomas. Habang ako, hindi ko man lang nakuhang sumagot.
Dalawang oras mahigit, narating namin ang isang property sa isang liblib na bayan ng San Ildefonso. Sobrang lakas ng loob ni Tatti na bumaba agad habang kami ay nakasunod lang dito.
"Bigyan n'yo ako ng 10 minutes, bago kayo pumasok." Bilin ni Tatti, saka tumalikod na. Akmang susunod ako nang mabilis na umiling si Thomas sa akin. Kami lang tatlo. Walang ibang kasama. Kinakabahan ako, pero nang sabihin ni Thomas na magtiwala lang sa babae tumango na lang ako.
Tiyak na hindi rin biro ang kakayahan nito. Kasi nagawa nga agad nitong hanapin ang location ni Lila Arguilla.
Panay ang sipat ni Thomas sa orasan nito. Pagpatak ng sampung minuto, sumenyas na ito na susunod na kami. Inihanda ko na ang baril na hawak ko.  Pero pagpasok namin, bagsak ang pangang napatitig sa inabutang sitwasyon sa sala ng Bahay. Nakaupo si Tatti sa couch. Habang may anim na kalalakihan ang nakatali sa iisang pwesto. Chill lang si Tatti.
"Si Lila?"
"Natutulog, check mo na lang sa kwarto. Ang tagal n'yo, kanina ko pa kayo hinihintay."
"You said, 10 minutes!" sabi ko rito.
"1 minute lang pala." Nagkamot pa ito ng ulo.
Saka nito inihanda ang mga syringe na hindi ko man lang napansin na dala nito.
"Tiyak na on the way na si Tanya. Ialis n'yo na si Lila rito. Ako na ang bahala sa kanila. Parating na rin naman ang mga kasama ko na maglilinis ng mga ito." Malawak ang ngising sabi nito. Tumakbo si Thomas upang puntahan ang kapatid nito. Napasunod ako rito. Pagdating namin sa silid, kagigising lang ng kakambal ni Carmela. Parang nagtaka pa ito na hindi na ito nakatali.
"L-ila?"
"K-uya Thomas?" gulat na sabi nito. Saka dali-daling tumayo at tinakbo ang distance nito at ni Thomas. Iyak nang iyak ang babae na ngayon ay nakayakap na at buhat ni Thomas. Para lang itong si Carmela, hindi ko nga makita ang pagkakaiba ng mga ito sa physical. Pero ang puso ko, hindi malabong malito. Si Carmela lang ang isinisigaw ng puso ko. 

The Memories of CarmelaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon