Hays.. Ang sarap talaga matulog! :D may pagkain na kaya sa baba? Hmm. Siguro mga tulog pa yung mga yun. Nag inuman ba naman kagabi tapos nalasing iwanan ko nga sila sa sala. Hahaha. Ayy, hindi papala ako nagpapakila.
Ako nga pala si Crystal Louisa Vien Fuentes 17years old. Ang daming nagsasabing bitter ako pero hindi no! Hindi lang talaga ako nagpapauto sa mga sinasabi nilang kesyo may forever daw. Hahaha.
"HOY MGA GAGA! GUMISING NA KAYO TANGHALI NA! MAGEENROLL PA TAYO SA BAGO NATING SCHOOL! BUKAS NA ANG PASOK!!!" Sigaw ni Mae sa baba.
Grabe talaga ang bunganga nun. Nakakagulat ee. Hanggang sa kwarto ko rinig. Makababa nga. Pagkakababa ko mga nadatnan ko parang nga zombie nagsitayuan ang lima! Hahaha. Takot lang nila mabungangaan ulit ni Alyssa.
Siya nga pala si Allyssa Mae Dela Cruz 19years old isa sa mga bestfriend ko. Ang babaing bungangera at loka loka. Magaling yan makipag laban.
"Grabe ang ingay sakit sa ulo." -Mich
Ayan naman si Michaella Hanna Movido Mich for short 17years old loka loka din yan.
"Ouch. My head hurts."-Sheena
Sheena Marie Rivera 18years old may pagkabaliw kung minsan.
"Sssssh! Ingay!"-Clarize
Clarize Jane Onrubia 20years old ayaw na ayaw niya yung naiistorbo sa pagtulog.
"Sakit ng katawan ko!"-Trisha
Trisha Shayne Jaca 18years old. May pagkamasungit kung minsan.
"Sht. Baket dito tayo sa sala natulog?"-Sandra
Alexandra Reese Reyes 18years old may pagka warfreak minsan.
Hahaha. Mga epic face ang mga gaga! Sa iisang bahay lang kame nakatira. Gusto din kasi namin yun. Yung mga parents namin ay nasa ibang bansa. Pinapadalhan na lang kame ng pera.
"Ligo na kayo maya maya mageenroll na tayo."-Allyssa sabay pasok na rin sa kwarto niya, maliligo na rin ata yun. May kanya kanya kameng kwarto at may banyo din sa loob. Malaki din kasi ang bahay namin.
Nagsipuntahan na sila sa kanya kanya nilang kwarto. Ganun na rin ang ginawa ko. After 30mins tapos na kong maligo at ayos na rin.
"So ayan! Kumpleto na tayo. Let's go! "-Sheena. Late na kameng magenroll no? Kase nga tinatamad kame kaya ngayon lang mageenroll hahaha.
Pumunta na kame sa Zinia University. Pagtapos namen magenroll pumunta muna kame sa mall.
"Gutom na ko di pa ko nakain." Sabi ko. Aba di ba naman nagluto si Clarize ng pagkain kanina. Siya lang kasi ang marunong magluto sameng pito.
"Me too."-Sheena. Dumaretso na agad kame sa KFC at umorder. Tapos nun ay umuwi na kame, magaayos pa kasi kame ng gamit para bukas.