[Letlet]
HALOS mapunit ang labi niya sa tindi ng pagkakangiti. Puno na ang dala n'yang dalawang bayong ng iba't ibang klase ng gulay at prutas. Tama nga siya, malaki ang pakinabang ng pagkakaroon ng imported na pinsan!
Lahat ng kadalagahan sa Isla nila ang nagbigay sa kanya ng mga 'to. Pero syempre ay hindi 'yon libre at may kapalit.
Pumayag siya na bisitahin ng mga 'to ang makisig n'yang pinsan. Pero isang beses na pagbisita lang, kapag gusto nilang umulit ay kailangan nila na magbigay ng panibagong suhol sa kanya para makabisita sila ulit.
Hindi pa tuluyang gumagaling ang Kuya Lucian niya. Hindi parin ito nakakalabas ng kanilang bahay, pero nakakatayo na 'to at naigagagalaw na rin nito ang braso kahit paano. Sana ay tuluyan na 'tong gumaling, para naman may katulong na siya sa mga gawain sa bahay. Palagi nalang din kasi siya ang inuutusan ng kanyang Lola Asun.
"Letlet!"
Napangiwi siya ng marinig ang boses ni Birang, ang babae na pakiramdam yata ay ubod ng ganda. Tiyak na nakarating na dito ang balita tungkol sa pinsan niya kaya para itong kabayo na tinakbo ang direksyon niya kaya naman hingal na hingal ito ngayon.
Wala siyang nagawa kundi ang lingunin 'to. "Bakit?" Tanong niya kunwari kahit ang totoo ay may idea na siya kung ano ang pakay nito. Hindi ugali ni Birang ang hindi landiin ang halos lahat ng binata sa lugar nila, lalong lalo na kung kasing kisig ng pinsan niya.
"Hmp, ang yabang mo naman! Magtatanong lang naman ako-"
"Mayabang agad? Hoy Birang, kung may kailangan ka sabihin mo na hindi 'yong ang dami mo pang paligoy-ligoy." Simula pagkabata ay hindi na sila magkasundo, pero hindi rin naman nasasabi na mortal silang magkaaway dahil ang totoo n'yan ay ito ang matalik na kaibigan niya. Sadyang ganito lang talaga sila mag usap.
Sinuklay ni Birang ang matigas na buhok gamit ang kamay. Inayos din nito ang suot na lumang blusa at binasa ang labi na nanunuyo. Maitim man si Birang kaysa sa kanya ay malinis naman ito sa katawan, katulad ng kapatid nito na si Balug.
"Balita ko, Letlet, may pinsan ka daw na imported." Lumapit pa ito sa kanya at bumulong. "Ipakilala mo naman ako, sige na." Imported ang tawag nila sa mga tao na hindi lumaki sa Isla katulad nila.
Napaisip siya. Lugi naman ang ilang kadalagahan sa kanila na nagbigay pa ng gulay at prutas kung ipakikilala niya si Birang na hindi naman nag abot ng kahit ano sa kanya.
"Ipakilala mo ako, Letlet. Pangako ibibigay ko sayo ang lipstick na pinadala ng tita ko galing Maynila."
Nagliwanag ang mukha niya dahil sa sinabi nito. Paano ay matagal na niya gusto na magkaroon ng lipstick pero hindi naman siya binibilhan ng Lola niya. Lumaki nalang siya at umabot sa edad na bente ay hindi pa siya nakakaalis sa Islang kinalakhan niya.
"Sige, pumapayag na ako. Basta isang beses lang kita ipapakilala." Agad na tumango si Birang sa sinabi niya.
Pakanta-kanta pa siya pauwi. Bukas ay ibibigay na ni Birang ang lipstick na gusto niya, kaya bukas na bukas din ay ipapakilala na niya ito si kanyang Kuya Lucian.
"Damn!"
Natigil siya sa pagkanta at tumingin sa may ari ng boses na narinig niya. Ano ang ginagawa ng pinsan niya sa likuran ng bahay nila?
Nakatayo ito roon habang paulit-ulit sinasabi ang katagang- Dam?
"Kuya Lucian, ayos ka lang ba?" Nilapitan niya ang pinsan at tumingin sa suot nitong short na nakababa. Nanlaki ang mata niya ng makita ang mahaba at mataba na bagay na nasa pagitan ng hita nito.
"Damn it, stop looking at my penis!" Singhal nito sa kanya.
Maang na nag angat siya ng tingin. "Ano ulit 'yon, Kuya Lucian?"