"Ang iingay nila," komento ni Emilda nang dumaan na naman sa kanilang tapat ang parada ng mga taong nakaitim sa kanilang paglalakad sa kalye papunta sa paroroonan. They could see each other's breaths in the lurking coldness of their municipality while looking at these people.
Kung dati'y may karga sa unahan nitong nakabiting manika, ngayon nama'y puro kandila at nakakuwadrong larawang gawa sa pintura; mga larawan ng mga namatay.
Napabuntong hininga ang apat at halo-halong emosyon ang nakapinta sa mga mukha. At nang nasa unahan na nila ang mga ito'y sabay silang napatingin sa higanteng puno ng trumpeta sa tapat nila.
Their eyes were following the fall of a certain bloom down to the bed of its own kind, joining their fates in their withering. Much like this giant golden trumpet, other trumpet trees are losing their garish flowers too in the middle of the cold gray weather that seeps through any thin cloth not to drain the soul, but to feed the soul of those well wrapped in warm layers of well-insulated fabrics.
"Nagsisimula na nga..." Comes the cold weather they could stand still and let it rob the last whispers of heat from their very bones, or could work and play and keep their inner hearths burning.
"Ngayon ang pinakaunang araw ng isinumpang b'wan."
Victims of Medusa
-BLOOD DROPS IN THE HILLTOP CASTLE-TRIGGER WARNING: Some of the following scenes may not be appropriate for readers with a faint heart.
I am Agnes Delgado, a living princess, the only child of two of the richest heirs in the country.
With a merry life in the hilltop castle, my parents who are social philhellenes would tell me about Greece and Greek mythology, and among such, the story of Medusa is what I like the most.
"And that's the story of Medusa..." my mother closed the leather-coated book she was holding upon ending the story she read for me inside the library.
"Nakakaawa naman po siya, aking ina. Ngunit, hindi po ba nangangahulugang ang kaniyang pagsasabato sa mga taong makatingin sa kaniya ay upang sila'y tuluyan nang maprotektahan mula sa labis na gimbal na kanilang madarama sa t'wing sila'y makakita sa kaniyang mukha?"
Tiningnan ako ng aking ina nang nakangiti bago kumawala ang isang tanong sa kaniyang mga labi. "Paano mo naman iyan naisip, anak?"
"I just thought so. At para sa akin, ang halimaw na si Medusa, mula sa kaniyang tunay na anyong normal ay hanggang sa kaniyang pag-aanyong halimaw ay hindi naman talaga isang kalaban, bagkus, isa lamang tagapagprotekta ng sangkatauhan at biktima ng kasakiman." Huminga ako ng malalim, at hindi ko man dama'y marahang hinaplos ng aking ina ang aking maganda at makintab na buhok, nang may pagmamahal.
"Ina, ang masasabi ko pa'y ang pagtugis ng mga tao sa kaniyang ulo'y dulot lamang ng kasakiman sa kapangyarihan at hiwagang meron siya, kaya sa aking pala-palagay ay ginagawa lamang niya ang kaniyang tungkulin sa pamamagitan ng pagsasabato sa kanila, nang sa gano'n ay hindi na sila tuluyang malamon ng kasakiman, pagkamakasarili... at higit sa lahat, upang sila'y hindi na masaktan pa sa mundong ito. Sila'y namatay, ngunit sa hindi masakit na paraan," sabi ko pa. "Halos, wala na rin akong pinagkaiba sa mga taong naging bato, dahil pinanganak naman akong walang nararamdaman."
"Marahil ay ganoon na nga anak, ngunit..." Muli ay ngumiti ang aking ina sa akin. "Ngunit kung ano man ang paningin ng isang tao sa bagay-bagay ay nakadepende lamang sa kung ano ang kaniyang pag-unawa, kagaya na lamang ng kwento ng halimaw na si Medusa."
BINABASA MO ANG
Victims of Medusa|PUBLISHED UNDER UKIYOTO
Teen Fiction[The Jose Memorial Awards for Literature WINNER] Set in the late '80s, antisocial teenager Agnes Delgado, suffers from a mental disorder that makes her not cry, and a genetic condition that devoids her tactility. But what happens when she meets Aqui...