Roxene's POV
"Kailan kaya dadating yung mga client natin, okaya kailan magkakaroon ng bagong member. Kating kati na ko dito." Napatingin kaming lahat kay Jansen na hindi na mapakali, magkatabi sila ni Jared na ang tanging ginagawa ay mag jackstone. Mga engot.
"Kami nga naiirita kaka-jackstone nyo nag reklamo ba kami?" Sarcastikong saad ni Lira
"Bat ka galet? Bat ka gagalet?" Parang timang na sagot ni Jared, mga isip bata.
Hindi sumagot si Lira at sa halip, nag patuloy sa ginagawa nya sa laptop. Some kind of..report ata?
"2 and a half hour na din tayong nandito, ayaw nyo bang...kumain na muna?" Tanong ko
Hindi sila sumagot saakin at nakatuon pa din sila sa mga pinagagawa nila.
Naglalaro sila Jansen at Jared, si Harold naman tulog, si Moira din tulog. Si Jennie nilalaro yung ballpen, mukhang may iniisip. Si Yuan, tulog den, si Prince gising. Kaso walang ginagawa, si Lira gumagawa ng report nya. Sila Jicel at Jerald naman, may pinag uusapan na silang dalawa lang ang nakakaintindi. At si Raphael, nag cecellphone.
"Detective Club? Huh." Napatingin kaming mga gising sa babaeng nasa harap namin, nakatingin sya sa tarpulin na idinikit namin kanina
"Napansin kong 2 oras na kayong nakatanghod dyan, wala pa ding mga taong nag papa-member sainyo." Nangisi sya.
"Narinig ko din na may nasulusyonan na kayong hinain ng client kanina, well. May tulong din pala ang club nyo. Akala ko...nag paregister kayo bilang isang club para lang sa kasiyahan nyo."
"At sino ka naman?" Tanong ni Jennie at itinaas naman nung babae yung kilay nya
"Hindi nyo ko kilala? Pwes mag papakilala ako."
"Scarlet Kang, president ng student council. Kilala ako ni Raphael dahil saakin sya nag paalam, dahil din saakin may faculty kayo." Sarkastiko ang tono ng pananalita nya.
"Ah? Ikaw yung student council president na miserable sa buhay." Dagdag pa ni Jennie kaya napatingin kami sakanya
"But anyways, bakit ka nandito? Para bawiin yung faculty?" Tanong pa ni jennie
"Nope, i'm here para tanungin kayo kung ano yung main goal nyo bakit kayo gumagawa ng ganitong klaseng club. Akala nyo ba basta basta nyo mahahatak ang mga tao dahil gusto nyong makakuha ng hustisya? Yes maraming legma, philosophy, polsci students ang nandito sa univ natin. Pero bakit wala pa din kayong New member?"
"Teka nga, ano bang problema mo?" Tumayo si Jicel kaya naman hinawakan ko na sya sa kamay
"Nothing, wala akong problema. Sinasabi ko lang, na walang saysay ang plano nyo. If ever.." Seryoso nyang sabi at unti unting umalis sa presensya namin.
Nakita kong napairap si Jennie at napangisi
"How immature she is, bigla nalang syang pupunta to say that shit? Ano bang tinutukoy nya?" Tumingin si Jennie kay Raphael
"Hoy, Raph. May sinabi ka ba dyan sa president na yan?" Maangas nyang tanong at napatingin naman si Raphaniel sakanya
"Wala, and i don't know bakit nya sinabi yon." Sagot naman ni Raphael habang nakakunot noo
BINABASA MO ANG
Detective Seventh
Misterio / SuspensoIsang kaduda dudang krimen ang nangyari sa Maliit na City ng Converse, na susubukang imbistigahan ng pitong simpleng binata. Kasama ang apat na babaeng hindi nila inaakalang tutulong sakanila. Pero, simple nga ba talaga silang lahat? O baka naman ma...