Kabanata 3(Leo's POV)
Maliwanag na uli ang kalangitan. Isang bagong umaga na naman ang kakaharapin ko. Nasa higaan pa rin ako at nakatitig sa kisame. Iniisip ko pa rin ang kweninto sa akin ni Leng-leng kahapon. Marami pa ring tanong ang hindi namin mabigyan ng kasagutan.
Una na roon kung bakit sa bata niyang edad, nahati na ang katawan niya. Eh ako nga na mas matanda sa kanya ng dalawang taon ni hindi ko pa nasubukang magkapakpak, maging hati pa kaya? Tsaka, lahat ng manananggal ay naging lubos na mananaggal kapag naging disi-otso na. Bakit si Leng-leng?
Pangalawa, bakit lumabas bigla ang pagiging mananggal niya nang masinagan ito ng liwanag na nagmumula sa bilog na buwan? Nakapagtataka.
Ito pang isa, hindi ko rin maintindihan kung bakit si Leng-leng lang ang naiiba sa amin ng hitsura. Hindi naman sa nilalait ko siya dahil hindi naman ako mapanlait sa kapwa, talaga lang si Leng-leng lang sa lahat ang hindi masyadong may kagandahan. Maganda naman si Aling Marissa na nanay niya ah. Talagang kakaiba siya sa amin.
Pero kung gusto ko talagang malaman, bakit hindi ko nalang tanungin si Leng-leng? Baka naman magalit at isiping napapangitan ako sa kanya. Haiist! 'wag na nga lang. Mabait naman si Leng-leng. Masarap kasama at palangiti.
Tok tok tok tok.
"Gising na po ba kayo prinsipe Leo? Pinapatawag na po kayo ni Supremo."
Pinapatawag na ako ni Ama.
"Opo, andiyan na. Pakisabing bababa na rin ako." Sagot ko sa aming katulong.
Actually, alipin lang talaga ang tawag sa kanila. Pero dahil I don't want to be mean, katulong ang gusto kong itawag sa kanila. Sila kasi ang laging tumutulong para sa kaayusan dito sa bahay.
Bumaba na rin ako matapos makapagbihis. Nagbihis talaga ako para maging presentable. Kahit anak kasi ako ng supremo, iginagalang ko rin siya tulad ng paggalang ng kanyang nasasakupan. Pagdating ko sa aming hapag, tulad ng dati ay marami talagang nakahanda. Tatatlo lang naman kaming kakain dito. Umupo na ako at kaharap ko si Ina. Si Ama ang nasa dulo ng mesa at ako ang nasa kanan niya at si Ina naman ang nasa kaliwa niya.
"Kamusta ang tulog ng aking prinsipe?" tanong sa akin ni Ama nang makaupo na ako. Talagang ganyan si Ama, kaya nga't labis ang paggalang at pagmamahal ko sa kanya.
"Maayos naman po mahal kong ama." Nginitian ko siya at pati si Ina bilang paggalang.
Sinimulan na namin ang aming pagkain. Puro lutong manok ang nakahain sa aming hapag at hindi lamang-loob ng mga tao. Itinigil na namin ang pagkain nito nang dahil sa sigalot ng Lolong Hari ni Ama sa mga aswang.
Ang kwento sa akin ni Ina, noon daw, magkakaibigan ang angkan naming manananggal sa angkan ng mga aswang. Sabay-sabay na namumuhay sa iisang lugar. Sabay-sabay na kumakain kapag may huling mga tao at sabay-sabay na nagdiriwang sa mga pista sa nayon nila. Ngunit isang gabi noon, nakahuli ang mga mandirigmang manananggal at aswang ng isang grupo ng mga tao na naliligaw sa isang gubat. Kasama sa mga nahuli ang isang binibini na parehong inibig ng dalawang binatang pinuno ng dalawang angkan. Isang dalagang may mahaba at mapulang buhok. Ngunit ang agaw-pansin sa dalaga ay ang namumukod tangi nitong kulay bughaw na mga mata. Parehong inibig ng dalawang pinunong binata ang dalaga na naging sanhi ng malaking lamat sa pagkakaibigan nilang dalawa. Ginawa ng dalawa ang lahat upang mapaibig nila ang dalaga : hindi na sila kumakain at nanghuhuli ng tao. Ngunit sa huli, ang pinuno ng mga manananggal ang mapalad na nakapagpaibig sa dalaga. Hindi ito matanggap ng pinunong aswang kaya't nagdeklara siya ng digmaan laban sa mga manananggal. Nabahala ang pinuno ng mga manananggal sa kadahilanang mas marami ang populasyon ng kanilang mga kalaban. Dahil dito, napagdesisyunan nilang tumakas at tumira na lamang sa ibang lugar. Pinuntahan ng pinunong manananggal ang kanyang kasintahan sa kubong pinagawa niya na tinitirhan nito. Susunduin na niya ito upang tumakas na sila ngunit, nawawala ang dalaga. Magulo ang buong kubo. Nagkalat ang lahat ng gamit ng dalaga. Alam niya, dinukot ito ng mga aswang. Nag-iisa niyang sinugod ang kuta ng mga aswang. Nanlumo siya sa naabutan niya: wala na ni isang aswang ang nakita niya roon. Ang mas nakakapanlumo ay dahil tangay ng mga aswang ang dalagang iniibig niya ng buong puso.

BINABASA MO ANG
A certified manananggal love story
FantasyNot the typical love story. Not the usual story. Unleash and you will know that there is "A certified manananggal love story."